I woke up feeling groggy because of what happen. Nangangalumata dahil sa pagod kaya nakaupo lang akong pilit na minumulat pa rin ang mata ko.
Bakit nga ba ako pagod?
Umiling iling ako ako dahil unti-unting naglalabasan ang memorya ko kagabi. Bigla akong nagmulat ng malaki. Kung kanina hindi ko mabuksan ang mata ko ngayon naman daig pa ang tarsier sa laki ng mga mata ko.
Holy moly!
What did I do again?
"Good afternoon" agad agad akong napalingon sa pinto nang marinig ko ang boses niya. "How's your feeling, milady?" he has a gentleness in his voice again. Bumalik na naman siya sa pagka-caring nito.
"O--okay lang ako." sagot ko. Lumapit naman siya sa kama at doon ko lang napansin na may dala dala pala itong pagkain. Inayos na naman niya lahat para sa akin. Alagang alaga na naman niya ako. Sinalat niya ang noo ko and I see him feel relieved dahil bumuntong hininga ito na parang gumaan ang pakiramdam nito na hindi ako nagkasakit.
Ikaw ba naman makailang rounds na naman. Hindi ka ba mag-aalala diyan kasi nung una nagkasakit ka. Sabat ng isip ko na kinailing ko ng maraming beses. Palagi na lang kumokontra 'tong isip ko. Konti na lang, maniniwala na akong may iba pa akong katauhan dahil sa utak kong ito.
"Are you ok?" tanong ulit nito na kinatango ko naman. Kinuha nito ang kutsara. "Do you want me to feed you?" umiling ulit ako. "Hindi naman ako baldado kaya kaya kong kumain mag-isa." kinuha ko ang kutsara sa kanya saka nagsimula ng kumain na hinanda nito.
Makaraan lang ng ilang minuto ay natapos na ako sa pagkain habang siya ay nakamasid lang sa akin na parang isa akong kayamanan na ayaw niyang mawala sa paningin niya. Sinabayan pa yun ng simpleng pagngiti niya na parang may iniimagine sa isip nito.
"Ahm/Can I?." nagkasabay pa kaming magsalita.
"You go first." aniya.
"Pwede na ba akong bumalik sa cabin ko?" tanong ko pero parang hindi niya nagustuhan iyon. Naramdaman kong hindi na maganda ang mood nito. "Kung okay lang naman eh." yumuko ako. "Sayang din kasi yung bayad ko doon." lalo lang kumunot ang noo niya na kinailang ko.
"Yan lang ba ang inaalala mo?" he seriously said to me. Nawala na naman ang soft side nito.
Ano ba talaga ugali ng lalaking 'to? Pa-iba iba ng mood. Bipolar ata.
"Don't worry about your money, Laurayzia. Ako nang bahala doon. I'll talk to Luke for this. Just please." hinawakan nito ang kamay ko. "Don't go back there. Stay here with me. I'll pay everything just stay here."
"Hindi kasi ganun, Kervy. Pumunta ako dito para mapag-isa. I need to breath a fresh air, nakakasuffocate na din kasi. I want to enjoy my remaining days before I ma--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng mapagtanto ko ang sinasabi ko.
"What do you mean remaining days?" inalis nito ang pagkakahawak sa kamay ko. He has an intense gaze while looking at me.
"Tell me, Laurayzia? Tell me, what's bothering you?" hindi ko kayang sabihin sa kanya ang rason.
Siguro kung gusto ko na nga ba siya dapat sulitin ko ang araw na magkasama kaming dalawa.
"It's nothing. Gusto ko lang talagang ma-enjoy ang araw ko dito sa isla." ngumiti ako kanyan. Ako naman ngayon ang humawak sa mga kamay niya.
"Pwede bang magtanong?"
"What is it?" he asked.
"Pwede bang ikaw ang kasama kong mag-enjoy sa isla?" he kissed my hands and look at me. Nawala na naman ang bad mood sa aura nito.
BINABASA MO ANG
Owned by Him (Night Series #3) COMPLETED
RomanceTrojan Andrade, a coldhearted guy who's busy finding his long lost little sister. On his friend, Ashter Mendoza's Wedding day. There is this woman who barged into his room. On his drunken state that night, one hot night happens. Date Started: Januar...