CHAPTER 14

831 21 0
                                    

Hindi ako natulog nagdamag at pasado alas tres pa lamang ay nakabalik na ako sa cabin para ayusin ang nga gamit ko. Mugto man ang mga mata ay pinilit kong iwan siya.

Desisyon ko ito kaya panindigan ko. Masakit man pero dapat kayanin ko.

I left him peacefully sleeping. Gusto ko pa siyang titignan ng matagal. Gusto ko pa siyang makasama. Gusto ko pang ibalik ang pag-aalaga niya sa akin. Gusto ko pa pero sinasabi ng isip ko na hindi na talaga. Na ito na ang huling pagsasama namin.

Akmang lalabas na ako sa cabin ay bumulaga sa akin ang mga tauhan ng aking ama. Nahagip kong may kausap ang isa sa kanila pagkakita sa akin at mabilis pa sa alas kwatrong lumapit ang ilan sa akin.

"Ma'am kailangan niyo pong sumama sa amin. Utos po ng Don na isama kayo pabalik." Magalang na sambit nito. Tumango na lang ako saka inilabas ang mga gamit ko at sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ang loob ng cabin na ilang linggo ko ring naging tirahan.

I closed my eyes reminiscing the memories seconds before closing the door of the cabin.

At iginaya na nga nila ako patungo sa daungan ng mga yate at barko na kung saan kitang kita ko na agad ang yacht na pagmamay-ari ng pamilyang kinagisnan ko. Mula doon ay nakatayo ang taong ayaw ko pa sanang makita at makausap.

But I had no choice. Kasi hindi ko akalain na mahahanap niya agad ako sa islang ito. I know this island is secluded but my father is a wealthy businessman. Kaya kayang-kaya niyang hanapin ang mga taong gusto niyang hanapin.

"At last, my one and only runaway daughter is here." May bahid na sarkasmo sa tono ng pananalita nito.

"Dad please. If you want to scold me. Save it for later. I'm dead tired for everything." I said to him emotionless na ikinagulat niya ng ilang segundo bago bumalik sa dati ang itsura nito.

"Tired for what, my daughter? Pagod ka sa kakapasyal sa islang ito o pagod ka dahil sa ibang bagay."

"Dad, Ano ba? Kusa na nga akong sumama di ba. Ano pa bang kailangan ko? Nahanap mo na ako Dad."

"You know what Laurayzia. You should have been like your brother kasi lahat ng gusto ko ginagawa niya. Dahil alam niyang para din naman sa kanya iyon. You should be like your brother."

"Ayan na naman sa 'you should be like your brother' na yan. Dad naman. Iba ako sa kuya ko. May iba akong gusto at pinagkaka-interesan. Si kuya kasi gusto niya ang ginagawa niya. Eh ako, Dad? Minsan ba tinanong mo kung anong gusto ko. Kung anong mga hilig ko. Di ba, hindi! Kasi wala kang pakialam kundi 'yang kompanya mo. You know what, Dad. I'm tired doing what you want me to do. Kung noon, hindi ko hinihindian mga gusto mong mangyari sa buhay ko. Ngayon gusto ko namang maging matapang para sa sarili ko, Dad. Gusto ko naman gawin mga gusto at pinagkaka-interesan ko sa buhay." walang namutawing salita dito at diretso lang na nakatingin sa akin.

"Pero kahit anong gawin ko, Dad. I'll always choose my family over my happiness." tumigil muna ako ng ilang segundo para patigilin na muling tumulo ang mga luha ko.

"Piliin ko pa ring sundin ka kaysa sa sarili kong kasiyahan kasi pamilya ko kayo at tatanggap----"

"Zia." Sabay kaming tumingin ng aking ama sa taong sumigaw ng pangalan ko.

"Kuya." bulong ko. Agad naman na tumulo ang luha sa mga mata ko at nanghina. Nang makalapit siya sa amin ay agad niya akong niyakap ng mahigpit.

"Dad, let Zia take a rest. Iuuwi ko muna siya sa bahay."

"Lazarus, don't take Laurayzia do any wrong decisions again. Huwag na huwag mo siyang tutulungang palalayuin o lumayo ng walang paalam."

"Please dad. Please understand her. Tanggap na niya. Tatanggapin na niya lahat basta pagpahingain mo naman siya saglit. I know my sister very much."

"I'm not wasting anything here. Hindi na dapat siya makakaalis pa." Humigpit ang yakap sa kapatid ko dahil sa mga salita ng ama namin. Magaling siya sa negosyo pero napakakitid ng utak nito pagdating sa ibang bagay. Alam kong siya ang ama ko pero mali na siya. Maling mali na.

I don't want to speak anymore. Gusto ko ng makaalis dito. Ayokong maabutan niya ako at baka mas lalo lang akong iiyak kung makikita ko pa siya at baka magbago pa ang desisyon ko.

"Kuya, iuwi mo na ako." Halos paos nang sambit ko. Magalang siyang nagpaalam sa aking ama. Bago niya ako hawakan at iginaya sa sarili niyong yate. Pero bago kami makalayo ay narinig ko pa ang mga huling sambit ng aking ama sa akin.

"I'll give you two days to rest, Laurayzia. Two days and after that. Ipapakilala na kita sa magiging asawa mo."






NAGISING AKO sa sinag ng araw ng tumama ito sa aking balat. I'm smiling widely when I open my eyes. Na biglang nawala ng makitang mag-isa lang ako. Walang bakas ng taong gusto kong makita sa napakagandang umaga ko. Agad akong lumabas sa pag-aakalang naroon siya sa labas na naliligo pero wala din pala siya kahit sa buong paligid.

"Where are you, Milady?" I said to myself. Nag-iisip na sana ay ayos lamang siya. Babalik na sana ako para ligpitin ang mga gamit namin ng nahagip ng paningin ko ang isang papel sa mesa. Mayroon itong nakapatong na bato. I think she placed the rock beneath the paper so that the paper will not blown by the wind.

I frown when I read the first sentence she wrote.

I don't understand. What is happening?

Hanggang sa nabasa ko na ang lahat ng sinasabi nito sa sulat. My hands clenched in anger when I finish reading it.

Ganun na lang iyon.

After all the courage that I brought to myself. And all the confessions that I said to her. Lahat ng ginawa at pinaramdam niya. Am I joke to her? Sa umpisa pa lang pala ay may balak na siyang iwan at saktan ako.

Pinunit ko ang papel at agad na pinagsusuntok ang kalapit na puno sa tabi ko hanggang sa mawala ang frustration at galit sa dibdib ko. I just feel like that my heart shattered into pieces. Hanggang sa mapagod ako ay hindi ako tumigil kahit na dumudugo na ang kamay ko.

Until I realized that I want her to explain to me at ipaintindi sa akin lahat. Gusto kong malinawan sa nangyari kung bakit iiwan niya ako. I have many questions to everything.

I immediately stop punching the tree then started running. Binibilisan ang takbo at umaasa na sana makita ko pa siya. Kahit pa sinabi sa sulat nito na huwag ko na siyang hanapin pa.

I almost bumped everyone while I was running to get to through the port as fast as I could. Laman ng isip ko ang bawat katagang sinabi nito sa sulat kaya ay hindi napansin ang pagtawag sa pangalan ko si Luke.

Pero bago pa ako makarating sa daungan ay naaninag kong wala nang mga sasakyang pandagat ang nasa dagat. I felt a lump to my throat that it's hard to breath on my own. Hindi ko alam ang gagawin ko at bigla na lang akong napasalampak sa buhangin habang nag-iinit ang mga mata. Habang nakayuko ay pinipigilan ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha.

It's okay. Your strong, Trojan. No one will make you cry. I keep saying that to myself.

But my traitor heart failed me. Bumuhos ang luha sa aking mga mata at hinayaan ko lang na lumabas lahat.

"Andrade, what happened?" Hindi ko sinulyapan ang nagsalita. Hanggang sa nakalapit na siya sa akin ay hindi ko siya pinansin. I am just there. Crying.

"No one's worth your cry, Andrade. Get up. I know you will be alright." Hinawakan niya ang balikat ko na para bang sa pamamagitan nun ay gagaan ang pakiramdam ko.

"I'm okay now, Luke. Thank you." Tumayo ako at inayos ko ang akin sarili bago naglakad palayo. Padapa akong humiga sa kama ng makarating ako sa cabin. And this cabin reminds me everything about her. Tumagilid ako at nakita ang larawan naming dalawa. Agad na sumikip ang dibdib ko sa nakita.

"Damn you, Laurayzia. You don't have to leave me like that." Kinuha ko iyon at binato ng malakas dahilan para magkapira piraso ito.

"Are you really worth my cry?" Habang nakatitig sa basag ng picture frame.

______________________________________________to be continued......

Please click the ⭐ button. Thank you🥰

El-mademoiselle

Owned by Him (Night Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon