CHAPTER 18

852 24 3
                                    

'Welcome back' I said to myself when we get outside the plane. Habang hawak ang anak ko na panay ang tingin sa paligid. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin sa pagbabalik ko dito. I wonder what happened to him. Napakurap ako nang hawakan ng mahigpit ng anak ko ang aking kamay.

"Are you okay, Troy?" Sinulyapan ko ito dahil kahit wala siyang sinasabi ay ramdam kong kinakabahan siya. Because it's his first time coming here in the Philippines.

Tumango lang ito. "I'm fine, mama." saka tumingin tingin na naman sa paligid na parang kinakabisado ang paligid at lugar.

"Okay, let's go see your Daddy Orlando and Uncle Lazarus first before you can explore the city. Is that okay, Troy?"

"Opo." Maikling sagot nito na sanhi ng pagbuntong hininga ko. Since we left California, nagiging ganito na ang ugali ng anak ko. Hindi ko alam kung bakit. Dahil mas lumala ang pagiging bored at cold nito sa mga nakakasalamuha niya.

Ngayon ko napagtanto na mas lalong katulad na niya ang ama niya.

Diretso lang ang lakad namin palabas ng eroplano at papasok sa airport kung saan ang arrival ng mga tao. At sa area kung saan naghihintay ang mga kamag-anak ng bagong dating katulad namin ng anak ko. Paglingon ko pa lamang sa kaliwang bahagi ng arrival area ay nakita ko kaagad ang dalawang taong nakatayo habang nakatingin sa mga paparating na tao katulad ko. Panay ang lingon ng ilang tao lalo na ng mga kababaihan dahil sa angking anyo ng dalawang iyon.

What can I say?

I have a gorgeous brother and a handsome friend.

Napahagikgik ako sa tinuran ng isip ko kaya't nagtatakang lumingon sa akin ang anak ko. Kaagad ko namang inginuso ang kinaroroonan ng dalawa kaya sinundan niya ang tinuro ko. Nagliwanag ang itsura nito saka tinawag ang pangalan ng dalawa na nasa amin na ang tingin at pinagmamasdan na lang kaming lumapit sa kanila.

Patakbong lumapit ang anak ko sa kanila at agad na binigyan ng mahigpit na yakap.

"Welcome to the Philippines, little man." Sabay nilang sabi anak ko.

"Welcome back." Bulong ng kapatid ko sa akin na nagpangiti sa akin.

"Yes kuya. Welcome back to me." mahinang sagot ko sa aking kapatid na may tipid na ngiti sa kanyang labi. Napatingin sa akin si Orlando habang buhat na nito ang anak ko.

"Welcome back." Then he flashed his sweet smile kaya't napangiti na rin ako bago sila naunang naglakad ng anak ko. Lumingon ako sa kapatid ko na nasa akin pa rin ang tingin.

"Shall we, brother?" He just noddeed then we started walking. Habang palabas kami ng palabas sa airport ay lalo kong nararamdaman ang kaba.

Nasa likod lang ako ng kapatid ko nakasunod sa kanya habang nasa unahan ang dalawa na may sariling mundong nag-uusap ng sila lang dalawa at walang pakialam sa paligid. Hanggang sa nakasakay na kami ng sasakyan. Ako sa kotse ni kuya habang ang anak ko ay gusto sa sasakyan ng ninong niya.

Come to think of it.

Sa bawat pagbisita nito sa bahay namin sa California ay palagi siyang napagkakamalang siya ang ama ng anak ko. Kaya sa bawat tanong nila ay palaging iisa ng sagot ko.

That Orlando is just my friend and the godfather of my child. We've been friends since I came in California. Siya ang kasa-kasama ni kuya para tulungan ako lalo na noong nalaman na buntis ako kay Troy. Walang nakakaalam bukod sa kanilang dalawa ng kapatid ko na may Troy na dumating sa buhay ko. Hindi ko lang alam sa aking ama kung kanino o saan niya nalaman noon na buntis ako. So I trusted Orlando for being there for me kahit na mas pinili kong maging magkaibigan kami at wag ituloy ang kasal.

Owned by Him (Night Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon