CHAPTER 11

951 21 0
                                    


I spent hours talking with Kervy's friends. Hindi naging boring ang ilang minuto na nagkukwentuhan kami habang kumakain ng agahan. They all have a sense of humor. At hindi nawawala ang bangayan at asaran nila na ang pinakalugi ay ang palaging busangot ang mukha na si Ashter.

Palaging siya ang naaasar dahil sa ugali nitong pagiging kuripot sa lahat ng bagay. Pagkatapos ng halos isang oras na umagahan ay nagkayayahan silang maligo at maglaro ng kung anu-ano sa lagoon habang ako ay masayang pinapanood sila.

They all have a body and face to die for. Hindi mo talaga ikakaila na may kanya kanya silang karismang taglay.

But for me, Kervy's charm hits me the most. He has a cold aura but I like how he cared for me. He talks to everyone a few words but he always talks to me. I like how he prioritize me first. That's why I'm always keeping everything that happens to me now and not thinking of what will happens next.

"Are you okay?" nabalik lang ako sa reyalidad nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. I quickly glance at him and smiled.

"Oo naman." sagot ko habang ibinalik ang tingin sa mga nagkakagulong lalaki sa lagoon. "It's just that...." pagpapatuloy ko sa aking sasabihin.

He gave me a glass of water so I accept it. "I always dreamt of having a friends." sambit ko habang nakangiting nakatingin sa kanila.

"Let's just say someday you will be find a friend that is true to you." Uminom ako habang nakikinig sa kanya. "Wag kang atat magkaroon ng kaibigan. Gaya ng pag-ibig, huwag mong hanapin, dapat maghintay ka sa tamang panahon. 'Cause a true friend will come to find you in a matter of time. Just wait and they'll come."

Natawa ako. "Lalim nun ha." parehas na kaming natawa sa isinagot ko.

"Just base on experience." saka ito tumawa habang nakatingin sa mga kaibigan niya at napatingin na rin ako sa kanila. "Magkakaiba din kasi lahat ng tao. In my case, hindi na ako naghintay ng kaibigan. Maaga nila akong nahanap." Tumango tango ako sa sinabi niya. At parehas na kaming nakatingin lang sa kanila.

Napahagikgik ako nang makita ko na naglalaro. Para iyong 'thug war' pero nasa tubig sila at may dalawang nakasakay sa balikat ng kasama nila. Nagpapaligsahan kung sino ang mauunang mahuhulog.

Si Axelle at Ken ang magkasama habang si Ace at Ashter naman ang kalaban nila.

"Uh-oh. Someone's glaring at me now." rinig kong sambit nito saka tumawa ng mahina. Eksakto naman na napako ang tingin ko sa kanya na matalim ang tingin sa katabi ko.

"I need to distance myself now, Laurayzia. Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa ako nakabulagta dito sa tabi mo." saka ito tumawa at agad kumaway sa akin habang naglakad na ito papunta sa mga kaibigan.

Pinanood ko lang siyang lumapit sa kanila at nakita ko kung paano ilublob ni Kervy ang kaibigan nito sa tubig. Muntik pa akong mapatakbo sa kanila kung hindi ko lang nakitang nakatayo na si Luke habang tumatawa na parang inaasar pa ito. Habang siya naman ay pikon na pikon na kung ano man ang pang-aasar na ginagawa nito sa kanya.

Pasado alas onse nang maisipan kong maghanda na nang magiging tanghalian namin ramdam ko nang gutom na ako. Tumayo na ako at inilapag ang baso sa mesa. Agad na kumuha ng mga pagkain sa dala nila kanina na pwedeng lulutuhin.

Nagulat na lang ako nang may yumakap sa akin sa likod at suminghap nang dilaan nito ang leeg ko. Akmang haharap na sana ako ang marinig ko ang tawanan nila na palapit sa gawi namin.

"Walang forever."

"Maghihiwalay din kayo."

"No comment"

Owned by Him (Night Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon