CHAPTER 16

842 20 1
                                    

"Mabuti naman at sumunod ka sa usapan." Bungad kaagad sa akin ng ama namin. Pagkabukas na pagkabukas pa lang ng sasakyan na ginamit namin ng kuya ko papunta sa restaurant na ito. This place were chosen by our father to meet my soon to be husband.

"Dad, please stop. Zia's here so what's the fuss? Hindi pa kami masyadong nakalabas sa kotse kinokompronta mo na naman itong anak mo na kapatid ko rin." Sabad ng kapatid ko habang pinagbubuksan ako ng pinto ng sasakyan na siyang dahilan naman para tingnan ako ng masama ng ama ko.

"Lazarus, Don't make your sister depending on you. Sinasabi ko lang dahil baka lumayas na naman yang kapatid mo na anak ko rin." rinig ko ang sarkasmo sa boses nito.

'Ano ba talaga ako sa'yo, Dad? Am I really your daughter? Dahil hindi ko ramdam na anak mo talaga ako. You're always want to do what you want. Gusto mo nasusunod lahat ng gustuhin mo. Kulang na lang, maging puppet na ako eh na ikaw itong kumukontrol sa bawat galaw at sa buhay ko.'

Gusto kong sabihin sa kanya ang mga katagang iyon pero napangunahan ako ng respeto ko sa kanya bilang aking ama at bilang nakatatanda na rin. I want him to tell what I really feel. What I really want and what I really want to do in my life.

"I'm already here, Dad. Don't make everything become complicated again." Mahinahon kong sambit habang walang emosyong nakatingin sa kanya. My brother gently squeezed my hands. Na para bang sinasabi nitong andito lang siya sa tabi. No matter what happens he will stay.

"Your fiance is already inside. Make sure to give him a pleasant impression so that he'll like you at first sight. And don't even make a scene there." Hindi ko na nagawang sumagot dahil agad itong tumalikod nang sabihin nito iyon.

"You can do it, Lil sis. I'll be here anytime." Saad ng kapatid ko bago niya ako igiya papasok sa loob.

Sinundo kami ng isang staff sa restaurant para igiya papasok sa isang VIP room na ini-reserved ng aming ama. Binuksan naman ng staff ang pintuan bago magalang na nagpaalam sa amin. Naunang pumasok ang kapatid ko at hinihintay ako sumunod sa kanya. I sighed before going inside the room. Agad akong kumapit sa braso ng kapatid ko. Dahil kung hindi ako ay baka bigla na lang akong mapaluhod dahil sa biglaang paglambot ng mga ito.

"I will now introduce to you my first born, Lazarus Sandoval." Magalang na nakipagkamay ito sa tatlo pa naming kasama. Na ang hinuha ko ay magulang ng mapapangasawa ko Ang dalawang may edad na at katabi nila ang isang lalaki na kasing edad lamang siguro ng kapatid ko.

"And beside him is my second born, my daughter Laurayzia Sandoval and soon to be your wife." Kinamayan ako ng matandang lalaki habang nakipag beso naman sa akin ang babae. Habang ang lalaking anak nila'y marahan na hinawakan at hinalikan ang kamay ko. Hindi ko ipinahalata ang gulat ko dahil sa ginawa niya dahil ayokong masumbatan na naman ng ama ko. Habang siya namang ay masayang nakatingin sa akin at ang mga mata nito ay nababakasan ng sigla.

Owned by Him (Night Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon