Nakanganga akong nakatitig sa harapan namin at sa paligid. Maliban kasi sa lagoon na una naming nakita kanina ay meron pa palang isa na nakatago sa kabilang dako ng isla. It was breathtaking lagoon that has a crescent shape. Napalibutan ito ng hindi kataasang mga bundok.
Natanaw ko na may isang lagusan sa pagitan ng dalawang maliit na bundok na papauntang karagatan na mismo na nakakonekta sa maliit na lagoon na nasa harapan ko. Ang dalawang maliit na bundok na iyon ay nagmimistulang kweba dahil sa lagusang na nagkokonekta sa lagoon at sa karagatan.
"What do you think?" natauhan ako sa pagkamangha nang marinig ko siya sa tabi ko.
This place is wonderful. The whole Island is naturally beautiful.
Napakaswerte ko pala dahil isa ako sa mga mapalad na tao na makakita pa ang magagandang tanawin."This is awesome, Kervy." Sambit kong hindi naaalis ang tingin sa lagoon. Namamanghang pinagmamasdan ang paligid. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa.
"Legit ba 'to? Parang manmade ang lugar na 'to Kervy." He looked at me with disbelief in his eyes.
"Sorry but this place is natural. I was the one who found it years ago bago pa manahin ni Luke ang Isla dahil wala naman dating katao tao noon dito. Luke's parents bought it then pinatayuan agad ng resort bago ito patayuan ng Twin Hotel ni Luke. Therefore, the cabins are the one who builds first. Kailan lang kasi naipatayo ang Hotel and that was seven years ago." Paliwanag niya. Nawala ang atensiyon ko sa lagoon dahil sa sinabi niya.
"Ikaw nakadiscover dito? Weh? Di nga." I just heard him chuckle. Ibinaba na nito ang mga gamit naming. Halos kalahating oras din kasi ang nilakad naming marating lang ito. Akala ko kasi yung lagoon na malapit lang kami maliligo pero dito pala niya ako dadalhin.
"Nope. Just this crescent lagoon kaya nga isolated itong area kasi kami lang na magkakaibigan ang pwedeng pumunta dito. Luke's parents didn't know this place." tatango tango akong nakikinig sa kanya. Sa paglibot ng tingin ko'y may nakita akong manmade table na gawa sa bato habang ang pahabang upuan ay gawa naman sa puno ng narra na pulido ang pagkakagawa. Wala itong bubong dahil natatakpan ito ng mga naglalakihang puno at bundok na hindi kalakihan kaya presko ang paligid at malamig ang simoy ng hangin. Naglakad ako palapit doon para ilagay ang dala dala naming mga gamit.
I carressed the long chair. It smooth and not rough. Ginawa talagang picnic area. Nilapag ko ang hawak hawak kong backpack at akmang aalisin na ang damit ko ng pigilan ako ng kasama ko.
He held my waist tightly. Mahigpit ang hawak niya habang nilalapag sa batong mesa ang mga dala niya. I look at him with a confused in ny eyes.
"Rest first, Laurayzia." he said in a cold voice. Walang emosyon ang mukha nito na nakatingin sa akin. "Don't get too excited. We have the whole day to enjoy this place." then he smirk at me.
Hindi ko alam kung may saltik ba 'to o bipolar eh. Paiba iba ng mood at ekspresyon sa mukha nito. Minsan naguguluhan na ako sa mga inaakto niya. Sometimes he's cold and authorative like a boss. But most of all, he's caring and kind. Hindi nga lang nawawala ang pagsasalita nito ng ingles kahit na sabihin kong mas gwapo siya kapag nagtatagalog.
Inalis na niya ang pagkakahawak sa bewang ko at inayos ang mga pagkain na dala namin. Humiga ako sa pahabang upuang gawa sa narra at bumuntong hininga saka inunat pataas ang mga kamay ko. Hindi ko namalayan na tumaas ang suot kong T-shirt kaya nakita ang tiyan at pusod ko. Samahan pa ng pagsilip ng kulay asul na bikini sa loob ng shorts na suot ko.
I heard him 'tsk'. Napatawa ako saka pumikit ng pinagpatuloy niya ang ginagawa niyang pag-aayos sa pagkain. Dahil siguro sa isang oras naming paglalakad papunta dito ay nakatulog ako ng mabilis.
BINABASA MO ANG
Owned by Him (Night Series #3) COMPLETED
RomanceTrojan Andrade, a coldhearted guy who's busy finding his long lost little sister. On his friend, Ashter Mendoza's Wedding day. There is this woman who barged into his room. On his drunken state that night, one hot night happens. Date Started: Januar...