Chapter 29

1K 17 4
                                    

Mula sa sinag ng buwan ay nakikita ko ang mukha nitong mahimbing nang natutulog. Ilang minuto ko na siyang pinagmamasdan na parang ayaw ko na siyang mawala sa paningin ko.

Na sana noon ko pa ginawa!

I gently stroke some of his hair. Dahil doon ay marahan siyang nagmulat ng mata at tinitigan ako na para bang nananaginip lang siya.

I smiled at him.

Hindi siya ngumiti pabalik sa akin pero maingat siyang umupo para harapin ako. Hinawakan niya ang kamay at inilagay ang kamay niya sa noo ko.

"May nararamdaman ka bang masakit sa'yo? You're not even sick kasi hindi ka naman mainit." Sabi nito habang hinahaplos haplos nito ang buong katawan ko na siyang nagpatawa sa akin.

"I'm okay." Sagot ko habang natatawa sa ekspresiyon niya.

"It's just 2 in the morning. Bakit gising ka pa?" He asked confused.

Tumigil ako sa mahinang pagtawa at muling naalala ang mga bagay na naiiisip ko. "Hindi lang ako makapaniwala."

"Saan?" He asked again.

"Dahil maayos na tayo. Akala ko kasi......." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang tumulo ang luha ko ng hindi ko napapansin.

Dahil doon ay niyakap niya ako at hinalik halikan para gumaan ang pakiramdam ko.

"Tell me everything what you really feel, Laurayzia." He said in an assuring voice.

"Akala ko matutulad ako sa mga taong ilalayo ang anak ko sa akin kasi itinago ko siya nang mahabang panahon. Akala ko sobra ang galit mo sa akin na maghihiganti ka sa akin kasi niloko kita at iniwan. Akala ko papahirapan mo ako sa lahat ng ginawa ko. Akala ko....."

"Hush, milady. It's okay now." Natigil ang sasabihin ko ng magsalita siya para pigilan ako.

"That's all in the past now, milady. At oo nga, nagalit ako at naisip ko ang mga sinabi ko pero kahit gaano ako kasama sa harap ng ibang tao pero pagdating sa'yo. Hinding hindi ko gagawin ang mga bagay na iyon. I maybe a heartless and cruel man in front of everyone. Ako pa rin yung lalaking nakilala mo sa Isla. Yung lalaking minahal ka despite of everything that has happened. Tatanggapin at tatanggapin kita kahit na kaaway ko na lahat nang hindi tatatanggap sa'yo."

"Thank you." I cried and hug him with all my heart. "Thank you for accepting me despite of everything. Thank you for understanding me. Thank you for everything you've done for me. Kulang ang salitang mahal kita para pasalamatan ka lahat ng bagay."

"Tigil na sa pag-iyak. Mukha ka ng losyang niyan oh." Saad niya sabay punas sa luha ko na nagpatawa sa akin.

"Tagalog na dapat salita mo ha. Huwag ka na mag english. Dapat puro Tagalog kasi pilipino ka."

"Correction I'm half."

"Half?" tanong ko.

"Half Filipino, half aswang."

"Ang baduy mo magjoke." Napalitan ng pagtawa ang kaninang pag-iyak ko kanina.

"I am just making you happy." Sabi niya habang pinupunasan ang natirang luha na dala ng pagluha at pagtawa.

"I'm so much happy now, señor. Alam mo iyan?"

"Pero tanungin mo ako kung bakit kalahating aswang ang sinabi ko." He said in a teasing tone.

I look at him with disbelief. "Bakit nga ba?" Sagot ko pero bigla niya akong dinaganan at pinahiga sa kama.

"Kasi aaswangin kita." and with that he kissed me again and made love to me until morning comes.

Owned by Him (Night Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon