CHAPTER 17

867 28 4
                                    

Nearly two weeks after I found out that I'm pregnant. I also found out that Trojan flew abroad. Ang tanging nakausap ko na lang ay ang kaibigan nitong si Luke at sa kanya ko nalaman ang mga nangyari kay Trojan.

"Are you saying that I should forget him instead?" nanatiling diretso ang tingin nito sa akin habang ako ay nag-iinit na ang mga mata na pumipigil na hindi maiyak sa naging turan nito.

"Yes." Simpleng sagot niya na nagpadurog ng husto sa akin.

He gave me a handkerchief. "You know, he was devastated when you left him. At mas lalo siyang nadurog nang makompirma niya ang nais mong iparating sa sulat mo." I became speechless in a second. Walang salitang gustong lumabas sa labi ko. "Hinanap ka pa rin niya kahit iniwan mo na siya. And much worst happen, muntik na siyang madisgrasya dahil sa nalaman niya tungkol sa'yo."

Mas lalo akong napahagulgol sa sinabi nito. "I'm sorry." Lumapit ako sa kanya. "Please tell him that I'm sorry. I didn't mean everything. Ayoko siyang iwan pero kasi----" napatigil ako sa sasabihin ko.

I realized that he really is mad to me now.

"Please tell him that I'm sorry. Please I'm begging you. Mahal na Mahal ko siya. I really am."

"Your confession now was already late, Ms. Laurayzia Sandoval. Walang nakakaalam tungkol sa totoong nangyari sa kaibigan ko. Maski ibang kaibigan namin at magulang niya ay hindi alam na umalis siya para kalimutan ka. And I was there looking for him." Hinawakan niya ako para tulungang tumayo dahil sa pagkakaluhod ko.

"I know you're also tired of everything. Let it go and move on. Para sa inyong dalawa ito and if ever you two met again in the future. Just be ready and face it." Huling mga sambit nito bago magpaalam na mauuna na.

Ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin ako natitinag sa kinauupuan ko. Tulalang nakatingin sa kasarinlan. I couldn't think of anything except him. Iniisip ko kung ano na ang gagawin ko sa buhay. He didn't know about our baby.

"Laurayzia." tinig ng isang boses ang nagpamulat sa akin sa reyalidad.

"Orlando!" Gulat kong saad nang mapagtanto ko kung sino ang taong tumawag sa pangalan ko.

"Are you okay?" Sinalat nito ang noo. Tipid akong ngumiti.

"Don't worry. I'm okay. Pagod lang siguro ako sa nagdaan na araw."

"I'm glad your okay. My mom said she misses you. Gusto ka niyang makita. If you want I could drive you in our house to meet Mom." umiling lang ako.

"Orlando." Pagtawag ko dito.

"Yes, what is it?" Agad niyang sagot sa akin. I look him in the eyes. May gustong iparating nang mga titig kong iyon.

Owned by Him (Night Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon