CHAPTER 26

821 22 9
                                    

"You kept my son from me. Troy Arvine is my son and you didn't even tell me. Pinatunayan mo lang na hindi ka worth it ipaglaban." Umalis na ito pagkasabi sa akin nang mga katagang dumurog sa akin ng husto.

I dialled Toni's number while sobbing.

"Hello, Zia." Tanging hikbi ang sagot ko sa kanya. "Anong nangyari? Bakit ka umiiyak Jan? Gusto mo puntahan kita?" Bakas sa boses nito ang pag-aalala.

"I'm okay, Toni. It's just that---" Hindi ko na matuloy ang sasabihin ko nang naalala ko na naman ang nangyari kanina.

"Zia, tell me. What Happened?" Mas lalong lumakas ang hikbi ko. Kaya gustong gusto ko siya nilang kaibigan ko dahil alam niya lahat ng pinagdaanan ko at alam ko rin sa kanya.

"Toni Alam na niya at galit na galit siya sa akin." Halos pasigaw kong sambit dahil may kasamang paghikbi ang bawat pagsasalita ko.

"You mean----" hindi na niya natuloy ang sinasabi nito nang nagsalita na ulit ako.

"Hindi ko kayang mawala si Troy, Toni. Hindi ko kaya." Napaupo na ako sa gilid habang umiiyak. Mabuti na lang ay walang masyadong tao sa lugar na iyon.

"Sshhh. Don't cry, Zia. Asan ka? Pupuntahan kita ngayon din." Concerned is visible to her voice. Umiling iling ako na parang nakikita niya. Kailangan kong magsinungaling para hindi na siya masyadong mag-alala. Buntis pa man din siya. Sinabi ko na lang na nasa bahay na ako at konting problema lang iyon pero nasermonan ako.

Pinilit kong tumawa para ipaalam sa kanyang maayos na ako kahit na hindi. Nagpaalam na ako sa kanya bago pa man ako umiyak muli. Pero ilang segundo lang ay tumulo na naman ang luha ko habang nakaupo.

Napataas lang ang ulo ko nang may panyo na nakalahad sa akin.

Luke Stelford

He's wearing a blue jacket and jeans. Para itong artista na nagtatago. Walang nababakasan na emosyon sa itsura nito habang nakatingin sa akin.

"I know you have your reasons, Miss Sandoval. Tell him everything about it. Hindi siya galit sa'yo, galit lang siya sa bagay na ginawa mo." Inalalayan niya akong tumayo at binigay ang panyo sa akin.

"He's hurting." Napatango tango ako sa dalawang salitang binigkas nito.

"I know." Mahinang sambit ko at yumuko. Nagbabalak na naman kasing umagos ang mga luha ko.

"Alam ko ang lahat ng pinagdaanan niya kaya ko ito sinasabi. All you need to do is talk and explain everything. Kasi iyon ang hinihintay niya. Wala man siyang nababanggit pero iyon ang nakikita ko sa kanya." He patted my arms.

"I know this will hurt you. Pero hindi na lang sana kayo nagkakilala. Hindi sana siya nasasaktan ng ganito."

"I know, Luke. Please tell me where he is. I regret everything. My decisions, my wrongdoings, everything. I want to fix everything. So please, tell me where did he go." Alam kong nagmumukha na akong desperada pero ito na lang ang paraan.

I see a glimpse of his emotion.

Ilang segundo lang ay nawala din iyon at inalis ang tingin sa akin. May tinawagan ito ng ilang minuto bago bumalik sa ang tingin sa akin.

"Parking lot." Sambit niya bago naglakad na paalis. Doon nagsink in sa utak ko ang sinabi nito. Agad akong tumakbo sa lugar na sinabi niya at doon ko nakita ang lalaking nakatalikod sa akin. Hahakbang na sana ako para tawagin siya ay biglang napahinto ako. Nagdadalawang isip kong ano nga ba ang gagawin ko.

I don't know what to say to him or what would I even start my explanation to him.

Pero nang buksan na niya ang sasakyan niya ay doon na ako nahimasmasan nang husto. Tumakbo ako para malapitan siya.

Owned by Him (Night Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon