It has been a busy week for Trojan because all his cancelled meetings has been in that week apparently. Maging ayos lang din naman sa amin yun ng anak ko dahil hindi naman nakakaligtaan ni Trojan na bigyan kami ng konting oras niya.
Maging ako ay busy na din dahil bumalik na ako sa pagtuturo. Ilang araw din akong absent at mabuti nalang may mga assistant teachers ang academy na pwedeng magback up sa mga teachers na absent at hindi pumasok.
At dahil na din sa pagpasok ko ay doon ko nalaman na na-accelerate sa High School Department ang anak ko. Troy is barely 10 years old at makakasalamuha niya ay mga high school students na malayo sa edad niya. And the principal said he has been accelerated into becoming a Grade 9 or Grade 10. Sinabi kong kailangan kausapin ang anak ko sa balitang iyon kaya pinatawag siya sa opisina ng principal.
After few minutes, Troy is already knocking on the door. He knocked three times then go in. Nawala yung seryoso niyang mukha nang makita akong nakaupo sa harapan ng principal.
"Mama" he mumbled but I just smiled at him at saka tinuro sa kanya ang upuan na nasa harap ko. Umupo naman agad ito at binati ang principal.
"Good afternoon, Principal." Ngumiti lang ang principal. Doon lang din nagpaalam ang teacher na kasama nito.
"I have a good news for you, Troy." He looked at me. "You are now accelerated in high school whether it will Grade 9 or 10. Which do you prefer?." The principal ask.
"Hindi po ako sigurado, sir." Nag-aalinlangan niyang sagot at mukhang nag-iisip ng pwedeng solusyon.
"Pwede po akong mag-exam sa both level, sir and the result of the exam will decide if what level I am capable of." He ask politely. Ke bata bata diretso na magsalita ng English at may accent pa.
"That's a good idea. Hindi nga nagkamali ang mga teachers na i-accelerate ka sa mas mataas na level." Ngumiti lang ng tipid ang bata sa principal.
"So, Mrs. Andrad---"
"Ahmm-- Ms. Sandoval po." Pagsabat ko sa sasabihing pangalan nito. Tumango tango na lang ito.
"So, Ms. Sandoval. Your son, Troy Arvine Andrade is going to take an examination to test the level where he capable of going to study on this upcoming Friday." Gulat ako dahil sa makalawa na iyon. Sinulyapan ko si Troy.
"Okay lang ba sa iyo yun, Troy. We can set another time if you want." Umiling lang siya sa akin saka nilingon ang principal.
"Okay na po ako doon, sir." Pagsang ayon nito saka ngumiti sa akin. Assuring me that it was okay with him.
Pagkatapos noon ay binati ako ng principal at nagpaalam na rin kaming lalabas na sa opisina niya. Ako diretso sa klase at siya naman ay sa classroom niya. Ilang minuto na kaming naglalakad kaya binalingan ko siya. "Anak, sigurado ka na ba sa biyernes ka mag-exam?" Medyo kabado kong tanong kasi kapag ako yung nasa posisyon niya ay baka hindi ako makapaghanda dahil pang high school na ang mga subjects doon.
"Ma, I'm not studying advance books kung hindi ko kaya." Ngumisi siya. Doon ko lang din narealize na kamukhang kamukha niya tatay niya.
"Kamukha mo tatay mong ruthless." Bulong ko.
"I heard that, Ma." Tumawa ako saka nagpaalam ng mauna dahil nasa tapat na kami ng classroom nila habang ang klase ko ay nasa panglimang classroom pa.
Malapit na ako sa classroom ko ng matanaw ko ang pigura ng isang lalaki na nakatayo lang din sa tapat ng classroom. Halatang may hinihintay at alam ko na kung sino ang hinihintay niya. Eksaktong lumingon siya sa gawi ko kaya agad siyang lumapit sa akin.
"Can we talk for a minute?" Luke asked with a monotone speech. Tumango ako at giniya siya patungo sa garden na maraming nakahilerang mesa na may mga upuan na.
BINABASA MO ANG
Owned by Him (Night Series #3) COMPLETED
RomanceTrojan Andrade, a coldhearted guy who's busy finding his long lost little sister. On his friend, Ashter Mendoza's Wedding day. There is this woman who barged into his room. On his drunken state that night, one hot night happens. Date Started: Januar...