CHAPTER 9

1K 22 0
                                    




"But I don't mind asking you all the time because I care for you. Hindi na lang ang dahilan ko na ako ang nakauna sa'yo. I care everything when it comes to you."

Hindi ako agad nakahuma sa mga huling salita nito. Alam kong sinabi niya sa akin na gusto na niya ako pero nakakagulat din pala na may mga bagay na ayaw niya pero ginagawa niya para sa akin.

Gusto kong magtatalon sa tuwa at sumigaw nang napakalakas pero kabaligtaran ang nangyari. I sit on his lap and hug him tightly. Mahigpit ang yakap ko sa kanya habang tahimik na nakabaon ang ulo ko sa dibdib niya. Niyakap niya rin ako pabalik habang malumanay na hinahaplos ang buhok ko. Ilang minuto lang ay kusa nang nag-unahan ang pagtulo ng mga luha ko dahilan para mabasa ang damit nito. Doon naman niya napansin na umiiyak na pala ako habang yakap siya.

Inalis niya ang pagkakayakap sa akin at hinarap ao habang nakaupo pa rin sa hita niya.

"Bakit ka umiiyak?" he asked in a soft and calm voice that soothes my mind and body. "Did I say something wrong?" ikinulong niya ang mukha ko gamit ang dalawang kamay niya saka ako tinitigan. Tiningnan ko siya pabalik habang may luha sa akin mukha.

"Wala. Masaya lang ako." masaya ako dahil dumating ka sa buhay ko.

Gusto kong banggitin sa kanya ang mga salitang iyon pero naunahan na ako ng mga hikbi ko. Pinunaaan ko ang luha sa pisngi ko saka tinitigan siya. I smile at him with my pure intention. Yung walang halong pagkukunwari.

"I like you a lot, Trojan Kervy Andrade. That's why I am happy meeting you." I kiss him with all my heart. Kahit pansamantala lang ito susulitin ko na ang lahat. I know if his feelings is true, I would've hurt him when time is come. Pero gusto ko naman na sarili ko naman ang pasayahin ko kahit pansamantala lang.

I want to be selfish for myself for now.

"And I like you more, Laurayzia Sandoval. And I am happy when I'm with you. I will care for you and cherish you with all my heart." aniya pagkatapos nang halikan namin.

He kissed my forehead gently. "Stay with me, milady."

"I will." maikling tugon ko bago ako sabihan na maliligo na kami sa lagoon. I almost forgot the lagoon 'cause of the things I think. Masyado akong advance mag-isip dahil wala pang nangyayari ay kung anu-ano na iniisip ko.

Inalis ko na ang suot kong Tshirt at shorts. Ang tanging suot suot ko na lang ay ang bikini kong kulay asul. Samantalang ang kasama ko naman ay tangin swimming trunks na lang suot at pupusta ako na bukod doon sa suot niya ay wala na itong suot na iba.

Nakangisi siya nang mapansin na nakatitig ako sa kanya habang namumula ang buong mukha. Sinunod niya kung saan ang tingin ko at doon ay mas lalong lumaki ang ngisi niya na mas lalo kong kinapula.

Nanatili lang siyang nakatayo doon na parang may hinihintay at doon ko napagtanto na ako pala ang hinihintay niyang lumapit. Tinali ko ang buhok ko ng bun style pero may natirang buhok sa magkabilang gilid ng mukha ko na nagsilbi namang bangs ko. Saka narahang lumapit sa kanya na agad naman akong hinapit sa bewang at giniya malapit sa lagoon.

"Enjoy, milady. This lagoon is all yours for the whole day." pagkasabi nun ay lumusong na ako. Una ay nakaramdam ako ng lamig pero kalaunan ay nagugustuhan ko na ang lamig nito. Hanggang bewang lang ang kinaya ko at hindi pa ako nakakarating sa pinakagitna ng lagoon. I always like these wondeful places pero hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako kapag malalim na ang tubig. Siguro dahil hindi ako marunong lumangoy at wala akong balak magpaturo dahil isa din akong dakilang nerbiyosa sa lahat ng bagay. Marunong akong lumangoy pero sa mga hindi malalim na parte ng tubig lang.

Owned by Him (Night Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon