Matagal akong nakatayo doon hanggang sa tinawag ako nang anak ko na nakatingin na pala sa akin. Halata ang pagtataka sa itsura nito dahil ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa din ako pumapasok sa loob.
Hindi nakatiis ay siya na ang lumapit sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.
"Si papa ba iyon, Ma?" Napasinghap ako sa sinabi niya. Dahil hawak niya ang kamay ko ay nahila ko siya papasok sa loob hanggang sa makarating kami sa silid niya.
"What did you say, Troy?" Pinaupo ko siya sa higaan niya at hinarap siya para kausapin.
"Sabi ko kung si papa ba iyon?" Walang emosyong sagot nito sa akin. Napahawak ako sa ulo ko dahil doon.
"Bakit mo nasabing siya ang papa mo? Did you see him? Did he tell you." Sunod sunod na tanong ko sa kanya habang hinihilot ang noo ko.
"Ma, I saw his picture in your room so I assume that he's my father. Saka nakilala ko na siya sa Baguio, kasama ko siyang namasyal sa mga pasyalan doon kasi busy si Tito Pogi."
"What? Bakit hindi mo sinabi sa akin, anak. Kaya naman pala late na kayo umuwi."
"Don't you want me to meet my biological father." Walang emosyon sa boses nito pero ramdam kong maiiyak na siya.
"Hindi naman sa ganun, Tro----"
"You always told me about him but you never show his pictures. Mabuti na lang pala nakita ko sa kwarto mo, Ma. Now I know what's my father's face is like at nakilala ko na siya."
I sighed. Kinalma ko ang sarili ko sa mga negatibong bagay na nararamdaman ko.
"Masaya ka bang nakilala siya? Do you want me to formally introduce you to him?"
"When I met my Grandfather, I was happy that time, mama pero wala na siya." Lumungkot ang itsura nito. May emosyon nang nakikita sa mukha nito.
"I want to spend more time with him, mama. I want to see my father." Halata sa mukha nito ang pagmamakaawa. I burst crying when I realized that even he's strong outside, just like his father, he has a vulnerable and weak spot inside.
Mahilig lang pala silang magtago ng totoong nararamdaman nila. Parehas na kaming umiiyak dahil nang nakita niyang umiiyak ako ay umiyak na din siya.
He really wants to see his father. Akala ko magagalit siya dahil ilang taon niyang hindi nakilala ang ama niya pero mali pala ako. Kahit pala ilang taon na hindi niya nakita ang ama niya ay hindi siya nagtanim ng galit dahil lang wala ang ama nito sa para alagaan at protektahan siya.
I know, that was my fault.
Kasalanan ko kung bakit hindi sila nagkasama sa mga taon na iyon. I know I suffered a lot in my life but I became selfish. Naging selfish ako dahil kapakanan ko lang ang iniintindi ko. Hindi ko naisip na sobra ko pala silang masasaktan na mag-ama. Hindi ko naisip ang nararamdaman nila dahil lang sa alam kong matatag sila sa panlabas na katangian. But I was wrong.
Pretending to be okay and strong is the best way to hide all your struggles in life.
"Tomorrow, I'll bring you to your father. Tatanggapin ko kahit anong desisyon niya. Whether his choice is to take you away from me. I'll accept." Halos pabulong ang ginawa ko sa huling mga salitang binitawan ko.
For the sake of my son.
Pinupunasan ko ang mga luha ng anak ko sa kanyang pisngi nang tumunog ang cellphone ko sa aking bag. Kinuha ko iyon at bumuntong hininga. Nakita ko ang pangalan doon ng kaibigan kong si Toni. Inayos ko ang aking sarili para hindi halatang kagagaling ko sa pag-iyak.
"Hello." I simply answered.
I gasped when the caller told me the news. Hindi iyon si Toni kundi ang asawa nito. He told me the news that Antonnette is in the hospital right now in labor for their babies.
BINABASA MO ANG
Owned by Him (Night Series #3) COMPLETED
RomanceTrojan Andrade, a coldhearted guy who's busy finding his long lost little sister. On his friend, Ashter Mendoza's Wedding day. There is this woman who barged into his room. On his drunken state that night, one hot night happens. Date Started: Januar...