CHAPTER 1

2.3K 37 2
                                    

"Welcome to Paradise Island" bati ng mga staff ng resort.

Tinignan ko ang paligid. It is indeed a paradise, a white sand beach, palms swaying in the soft breeze and crystal-clear water.

Napansin ko ang mga kakaibang street light na nakahilera diretso hanggang sa Hotel. And then at the back of the hotel is the silhouette of imposing mountains in the distance.

Dahil siguro maaga pa lang ay hindi pa masyadong kita ang mga bundok and its because of the fog that covering it. Nagmistulang mababa ang mga ulap sa itsura nito.

Ang daming nakatayong cabin na may kalakihan ang istruktura. At hindi mawawala ang napakaraming puno ng niyog.

"Enjoying the view, Ma'am." Napalingon ako sa nagsalita.

"Yes. It's my first time going here so." Sagot ko sa staff.

"This island is for tourists who will need to relax and enjoy. We have so many pools and falls here and if you want to eat delicious foods we have also different restaurants from different cuisine of different country. If you want to party, we have a bar good for tourist who wants to party and drinks. You can go hiking, jogging, diving and many more. So, you will not regret coming here."

"Really. Mukhang mag-eenjoy nga talaga ako dito." Nginitian ko siya.

"Marunong kayo magtagalog ma'am?" tanong nito kaya napatawa ako.

"Oo naman. I'm proud Filipina."

"Napakaganda niyo. Akala ko talaga galing kayong abroad."

"Okay lang." saad ko.

Tinanong nito kung nagpareserve ba ako ng hotel room o cabin. Sinagot ko siya na sa isang Cabin ang pinareserve ko. Binigay ko sa kanya ang detalye kung saan ang Cabin ko. She guided me to my Cabin.

"Ako na lang po hahawak ng ibang gamit niyo. Mukhang mabigat kasi."

"Sige salamat." Binigay ko sa kanya ang isang maletang dala ko.

Tahimik lang kaming naglalakad ng mapansin ko ang isang area na pinagkakaabalahang ayusan ng ilang mga tao na natataranta na dahil siguro baka malapit nang magsimula. Napansin iyon ng staff na kasama ko at nilingon niya ang tinitignan ko.

"May kasal pong gaganapin mamaya jan, Ma'am." Paliwanag nito.

"I see." nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makaabot kami sa dulo at huminto ito sa isang cabin na ilang metro ang layo sa pagdadausan ng kasal.

"Pasensiya na, Ma'am. Heto na lang daw ang bakanteng Cabin dahil halos lahat ng cabin ay reserved na dahil yung mga bisita ng ikakasal mamaya."

"Okay lang." I smiled at her. "Thanks by the way." Tumango lang siya at ginantihan ako ng ngiti bago ito nagpaalam na bumalik na sa trabaho niya.

Pumasok na ako sa loob. The room looks cozy and refreshing. Dahil nung hinawi ko ang kurtina ay natanaw ko ang lagoon. Maganda nga talaga ang isla.

I sighed.

Bakit nga ba ako andito?

Simple. Because my father wants me to marry a man that I don't even know. At ang kasal ay tatlong buwan mula ngayon.

Kaka-graduate ko pa lang ng college and for Pete's sake I'm just 20 years old. Madami pa akong gustong gawin. Gusto kong magturo sa mga bata. At dahil doon ay Education ang kinuha kong kurso. Being a teacher is my dream taliwas sa gustong mangyari ng magulang ko.

They want me to become a businesswoman or something higher than being a mere teacher.

Pero pinaglaban ko kung anong gusto ko. Hindi teacher 'lang' dahil ang pinagmulan ng ibang profession ay ang dahil merong mga guro na nagturo sa kanila.

Owned by Him (Night Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon