Kia POV
"Nag-aalala ako sa Kuya ko.." Bulong ko naman.. Tapos na yung mga activities at naghahanda na kami para matulog.. Bukas mag archery kami...
" You ok? You seem bothered.." Kunot noong sabi ni Hiana.
" Ok lang ako." Nakangiting sabi ko. Tinanggal ko na ang aking salamin at inayos ang higaan ko.
"Hm... Sige..." Kunot noo parin nyang sabi at ina alam kung totoo nga ba ang sabi ko. Humiga nalamang ako at kunwaring natulog tulogan...
Isang oras na ang nakakalipas... Ramdam ko rin na tulog na si Hiana... Bumangon naman ako sandali.. Napahiga naman agad ako ng mapakiramdamang may nasa harap ng tent namin... Sinigurado ko naman na nakasarado yun at hindi madaling buksan..
" Psst... Gising ka pa Kia?" Tanong naman nung nasa labas... Si Kris..
" Kris?" Pagpapasigurado ko..
" Hm." Sagot nya naman. Dahan dahan kong binuksan yung tent namin at ayun nga si Kuya Kris.. Tumingin pa sya sa paligid nya..
" Bakit ka nandito?" Nagtataka kong tanong. Ramdam ko naman ang pagtitig nya
" Ano... Parang kulang pa kasi ang sinabi ko sayo kanina eh... Nga pala... Yung pinatay kong lalaki..." Nakayuko nyang sabi.
" Ano meron dun?" Tanong ko.
" Kuya yun ni David.. Kuya ng tropa mo.. " Yumuko pa lalo sya... Nakagat ko naman ang labi ko... Kumunot ang noo ko...
" Kung ako si David... Hinding hindi kita mapapatawad. Lalo na kung mahal na mahal ko ang Kuya kong yun. Pero nangyari na." Buntong hininga kong sabi.
" Pakisabi sa kanya... Pasensya na.. Kung hindi ko rin pa patayin yung Kuya nya... Si Krisha ang mismong papatay sa Kuya nya.. Ayaw kong makapatay ang kapatid ko... Mabuti na nga lang at ako ang nakapatay hindi sya.. Kung hindi ko pala itinuloy yung pag baril kong yun... Si Krisha ang makukulong..." Bulong nya...
" Mahal na mahal mo nga yung kapatid mo noh? " Nakangiting sabi ko habang pinipigilang lumuha
" B-Bakit? " Nagtataka nyang tanong..
" Sana ganyan rin mga Kuya ko... Kabaliktaran kasi ang sakin eh... Sa halip na protektahan nila ako... Ako pa yung binubully nila... Sa halip na alagaan nila ako.. Ako ang nag-aalaga sa kanila.. Pero ayos lang yun sakin... Tanggap ko naman yun.. Hindi ko alam kung bakit ganun sila sakin... " Pilit ngiti kong sabi... Tahimik lamang si Kris habang nakikinig sa sinasabi ko
" Lagi nila pinamumukha sakin na... Hindi nalang sana nila ako naging kapatid... Dahil iba ako sa kanila... Sila'y nasa taas habang ako nandito sa ibaba... Lagi nilang nilalait ang itsura ko... Hindi ako nakakaramdam ng pagmamahal nila. Pero silang apat nagmamahalan ... Lagi nalang akong iwan... Wala naman kaming mga kinilalang Tito at Tita.. Wala rin akong kinilalang ina... Ang sakit lang... " Naluluha ko ng sabi.
" Pasensya na... " Sinsero nyang sabi..
" Kia? Sino yang kausap mo? " Pakinig ko naman mula sa tent nina David..
" A-Alis... Alis ka muna... Bukas nalang. " Nagmamadali kong sabi. Agad naman syang tumakbo palayo.
" Kia? " Humihikab pang tanong ni David. Nakapikit pa ang isang mata..
" A-Ano wala... Kinakausap ko lang sarili ko.. " Pilit ngiti kong sabi.
" You should sleep... Gabi na it's dangerous." Humihikab nya paring sabi.. Pagod na pagod ah...
YOU ARE READING
My Life being with my 4 handsome brothers
RandomAng magkameron ng apat na gwapong kuya ay masaya hindi ba? Pero hindi tulad ng iniisip nyo ang sitwasyon ni Kiara. Hinihiling nya nasana hindi nalamang sya pinanganak kasama ang apat nyang gwapong kapatid. Para sa kanya ay mahirap... Sobrang hirap...