Chapter 2

808 35 0
                                    

Kiara POV

"Kia! Buddy!" Tawag sakin ni Hiana at mabilis na pumunta sa akin.

"Tara na sabay na tayo." Nakangiting sabi ni Hiana. Tumango naman ako at sabay na kaming naglakad.

"So ano kamusta na?" Nakangising tanong ni Hiana. Napabuntong hininga naman ako.

"Ganun parin... Madalas parin silang walang pake sa akin." Malungkot kong sabi.

"Eh hindi ba sabi mo close naman kayo ng kuya Kian mo." Sabi nya.

"Oo nga... Pero sina Kuya Keiffer at Kuya Kai ganun parin..." Malungkot kong sabi.

"Aba bakit hindi ko naman ata napakinggan ang pangalan ni Kuya Kurt mo... Anong nangyari?" Tanong nya.

"Ganun din sya pero kanina binigyan nya ako ng jacket." Sabi ko. Napangiti naman si Hiana.

"May bait talagang tinatago yung kuya mo na yun." Sabi nya.

"Ata o baka may nakain lamang." Malungkot kong sabi.

"Cheer up. Buti pa ako panganay at hahaha palautos ako kay Hanes. Wala syang magawa kundi sumunod." Natatawang sabi nya. Nginitian ko sya. Nakarating na kami sa school at ayun nanaman yung nandidiring tingin nila sa akin.

Hindi ko ba alam kung bakit ayaw nila sa tulad ko. Akala naman nila perpekto sila. Mga nyeta sila.

" Ewww ampangit naman kaagad ang bumugad sakin. Pampasira ng araw." Inis na sabi sakin nung payaso este nung babae.

"Ayy ano ba naman yan akala ko may birthdayan kasi nakakita ako ng payaso yun pala estudyante lamang. Haysss." Pagpaparinig ko dun sa babae.

"What the heck did you say?! Repeat!" Sigaw nya.

Ay nyeta ah! Kung makasigaw akala mo naman from Manila to Mindoro. Ate hindi ako bingi ha.

" What I said ay ano... I akala that there is someone celebrating birthday cause ano yang I saw a clown but it is a student pala. " Pag-eenglish ko. Sasampalin nya sana ako ng biglang bwisit na nag-iritan ang mga payaso at pumunta sa gate.

"So I guess that nandito na they." Pag eenglish ko.

"Haha oo nga eh ang ingay na eh." Sabi ni Hiana. Sabay kaming naglakad papunta sa room. Mga 10 minuto na ang nakalipas wala parin ang mga kaklase kong babae maliban syempre sakin at kay Hiana.

"Bakit hindi kayo nakikitakbo dun? Hindi ba kayo fans ng K Brothers?" Tanong ni Gio. Wth? K Brothers ang nyeta..

"Me being obsessed with my brothers? Haha no." Sarkastikong sabi ko. Natawa naman yung mga lalaki kong kaklase.

"At ano naman ang nakakatawa?" Inis kong tanong sa kanila.

"Tsk brother brother ka dyan. Paanong magiging kapatid mo ang mga iyon. Hindi mo naman sila kamukha ni hawig wala." Natatawang sabi naman ni David.

"Haha oo nga eh ano. Bakit kaya Delius din ang aking apilyido?" Sarkastikong tanong ko.

"Baka pinsan ay teka hindi malayo talaga eh. Baka pinsan ng pinsan ng pinsan." Tawa tawang sabi ni Timothy.

"Bahala nga kayo dyan! Mga nyeta naman na ito." Inis kong sabi.

"Eh ikaw Hiana? Bakit hindi ka nakikisama sa mga babaeng iyon?" Tanong ni Jake.

"Oo gwapo nga ang mga iyon pero gusto ko yung simple lamang. Simpleng tao na kaya akong mahalin ng buong puso. Pero ayos din naman kung ligawan ako ng isa dun. Why not pero hindi ako makikigaya sa mga babaeng over obsessed sa kanila." Proud na sabi ni Hiana. Pinalakpakan ko sya.

" Woohh Bestfriend ko yan. "Nakangiting sabi ko. Nahihiya namang tumawa si Hiana.

" Naku sinasayang mo ang ganda mo Hiana." Sabi ni Timothy.

" Pagsasayang ba ang pag-iintay sa the one ko? "Nakangiting tanong ni Hiana.

" Naku Hiana tigil tigilan mo ako. Pareho kayo ni Kuya Kian eh. Puro nalamang the one the one. "Sabi ko. Natawa naman si Hiana.

" Naku Kiara imagine pa more. "Sabi ni David.

" Aba loko toh ah. "Inis kong sabi at tinapunan sya ng panyo. Tumawa naman sila.

"Sa totoo lang ayaw namin makisama sa mga payaso." Pagpapakatotoo ko. Lahat ng lalaki ay tumingin sa akin at biglang bumulaslas sa pagtawa.

"Aba loko tong mga toh ah. Ano ba pinagtatawanan nyo? Pakijoin namn para hindi ako iwan. Na oop ako eh." Seryosong sabi ko. Tawa tawa naman akong inilingan ni Hiana. Aba pati itong nyetang ito?

"Wahh ang tagal!!! Asan na ba sina Mam at yung mga kirinding kong kaklase?!!" Inis kong sabi sabay unat.

"Baka nakisama narin si Mam sa mga yun." Naka taas ang kilay na tanong ni Timothy.

"Haha oo nga noh! Ayoss edi walang klase." Natatawang sabi ko. Nakitawa rin naman ang mga nyeta.

"Alam mo ayos karin namang kasama Kiara." Sabi nina David, Timothy at Jake. Biglang tumulo ang luha ko.

"Naol sinasabihan ng ganyan." Pag iyak kong sabi.

"Hindi ba't ikaw na nga ang sinasabihan namin?" Nagtatakang tanong ni David.

"Let her take her time. Alam nyo naman na madalas yan mabully dahil sa itsura." Sabi ni Hiana.

"Hindi ba totoo naman?" Nagtatakang tanong ni Jake. Binatukan bigla ni Hiana si Jake.

"Ay kung totoo nga bakit sinasabi nyo pa ng harap harapan. Masakit sa pakiramdam yun ng tao ha. Tumahimik ka Jake kundi babatukan kita." Inis na sabi ni Hiana.

"Diba nabatukan mo na! Bakit uulitin mo pa?" Kunwaring naiyak na sabi ni Jake. Napatawa naman kami nina David at Timothy.

"Mukhang may magiging couple tayo ah." Nakangising sabi ko at tiningnan sina Hiana.

"Oo nga." Sang ayon naman nina David at Timothy.

My Life being with my 4 handsome brothersWhere stories live. Discover now