Hiana POV
Pagkatapos namin kumain nauna na yung tatlong lalaki. Naiwan naman kami ni Kia at napagpasyahan narin na umuwi na.
"Alam mo bagay kayo ni Jake." Bigla namang Imik ni Kiara. Nilingon ko sya at binigyan nya ako ng nang-aasar na tingin.
"H-Hindi naman." Nahihiya kong sabi. Pero nang-aasar parin syang tumingin sakin. Matapos nun ay walang umimik samin. Nakarating na kami sa bahay ko.
"Heto na ang bahay ko." Nahihiyang sabi ko.
"Oo nga alam ko." Sarkastikong sabi nya. Natawa naman ako.
"Kaya mo bang umuwi ng mag-isa?" Nag-aalalang tanong ko.
"Haha oo naman." Sabi nya at tinalikuran na ako. Pumasok narin ako sa loob ng bahay. Nakita ko si Yohan na nagagawa ng project nya.
"Yohan nasan si Mommy?" Tanong ko. Walang emosyon nya akong tiningnan at umiling. Pumunta ako sa kusina at kukuha sana ng makakain kaso wala.
"Samahan mo ko sa dyan sa palengke." Sabi ko sa kapatid ko.
"Kita mo naman na may ginagawa akong project hindi ba?" Inis na sabi nya.
"Isa." Kunot noong sabi ko.
"Ugh fine! But help me later." Sabi nya at kumuha ng jacket. Tiningnan ko lamang sya at iniintay.
"Malamig dito sa Baguio ok." Inis nyang sabi.
"Bakit? Wala naman akong sinabi na hindi ka magjacket ah. Ito baga." Tawa tawa kong sabi. Inis naman syang umirap. Kinuha nya yung motor nya at sumakay. Umangkas naman ako.
"Ate bakit pabigat ka na ng pabigat?!" Inis nya namang singhal. Pinalo ko sya at kinunutan ng noo.
"Suntok you want?" Inis kong sabi. Umiling naman sya at pumunta na kami sa palengke. Matapos bumili ay napagdesisyonan ko na pumunta muna sa parke. Masaya kong tinitingnan ang mga bulaklak ng makuha nung tatlong lalaki ang aking atensyon. Kapatid yun ni Kiara. Tumago ako dun sa madaming bulaklak at nakinig sa kanilang usapan.
"Puta naman oh! Asan na yang si Kiara?! Malalagot talaga tayo nito kay Dad eh!" Batid kong boses ito ni Kian. Napakunot ang noo ko. Hindi ba't sabi ni Kia na mabait sa kanya si Kian? Bakit ganto nalamang sya magsalita ngayon... Hindi kaya... Nagpapanggap lang sya na mabait sya kay Kia...
"Kaya nga!" Inis namang sabi ni Kuya Kai. Lalong kumunot ang noo ko.
"Punyeta sya! Sa halip na makipagchat ako kay Stacy Eto ako naghahanap sa panget na yun." Inis na sabi muli ni Kuya Kai. This playboy shit!
"Bwisit I haven't made my project yet and bukas na iyon ipapasa! Lintek na Kiara yan! Kung hindi lang sya ang paborito ni Dad eh sana naggagawa ako ngayon ng project. Epal kung magalit si Dad..." Inis namang sabi ni Kuya Kurt. This nerdy freak. Kita ko silang maupo sa upuan sa parke. Napagdesisyonan kong bumati... Ganto pala kayo... Mga peke...
" Oy. " Nakangiting sabi ko. Takte ginigigil nyo ko.
" Uy Hiana. "Nakangiting bati ni Kuya Kai. Tshh agad na nagbago eh.. Kung sa ibang babae napakabait pero pagsakapatid na babae naman hindi..
" Hi. "Nakangiting sabi naman ni Kuya Kurt. Tumango naman si Kian.
" Bakit kayo nandito? "Kunwaring nagtatakang tanong ko.
" Hinahanap namin si Kiara. "Buntong hiningang sabi ni Kian. Hinahanap amputs. Napakagaling nyo mampake. Ginagawa nyo lamang ang pagpapanggap para hindi magalit ang Daddy nyo...
" Talaga? Eh hindi ba nasa bahay na sya? Kasama kasi namin sya. May bago kaming kaibigan at dahil dun nanlibre si Kiara. Ang sarap nga eh." Pamemeke ko.
Hahaha Takte ka Hiana. Ang galing mo mag sabi na peke sila ay nampepeke karin naman.
Nampepeke for good ako. Shooo!!!
" Hmm salamat sa impormasyon... Pero.. Napakinggan mo ba ang pinag-usap an namin. " Interesado nyang tanong. Natigilan naman ako at nakangiting umiling.
Oo! Oo napakinggan ko! Napakasama nyong kapatid! Mali ang hinala ko sa inyo. Akala ko naman mababait kayo...
" Sige! Sasamahan ko pa si Yohan." Nakangiting sabi ko at magmamadalang lumayo sa kanila.
" Napakachismosa mo ate. " Iling Iling na sabi ni Yohan.
"I thought na kahit ganun sila kay Kia may puso parin sila. Masayang masaya si Kia kapag nag kwekwento sya tungkol sa mga kuya. Ngunit hindi nya alam na puro kapekean naman pala iyon. Naiinis ako." Inis kong sabi at kinuyom ang aking palad. Bumuntong hininga naman si Yohan.
" Uwi na tayo. Baka nag-iintay na si Mom. " Buntong hiningang sabi nya. Tumango naman ako at umangkas sa motor nya.
Kia POV
Lunch time na at pumunta na kami sa rooftop. Nagsimula na kaming kumain. Parang ang lalim ng iniisip ni Hiana ngayon. Hahaha.. Napatalsik ko naman yung kutsara at tinidor long hawak ng biglang bumukas yung pinto sa rooftop.
"Ay nyeta!" Sigaw ko. Na Patingin naman ako sa pinto at nandun ang Kuya Kieffer at winawagayway ang hawak nyang...test paper?
"I got perfect score!" Tuwang tuwang sabi ni Kuya Kieffer. Napangiti naman ako.
" What the heck is going on here?" Nagtatakang tanong ni David.
"After 1 day fight you two get close?" Manghang sabi ni Timothy.
"What? It's just a sibling fight." Natatawang sabi naman ni Kuya Kieffer.
"Intense sibling fight." Sabi naman ni Jake. Tumango naman yung tatlo. Umirap lang si Kuya. Nanlaki nalamang ang mata ko sa hindi inaasahan. Niyakap ako ni Kuya Kieffer.
"Thanks! And.... I'm sorry." Nahihiyang sabi nya.
"Apology accepted." Nakangiting sabi ko.
"What?! So soon?! Ambilis naman ata nun!" Sigaw ni Hiana. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya.
"Bakit? Wala naman akong magagawa kundi ang patawarin sya." Sabi ko.
"He hurted you emotionally." Inis na sabi ni Hiana.
Matindi siguro yung regla neto.
"What's wrong Hiana Babe?" Tanong ni Kuya. Pero hindi naman sya pinansin neto.
"Hayaan mo na kuya. May period yan." Natatawang sabi ko. Tumango naman sya at aalis na sana. Nasa tapat na sya ng pinto nang huminto sya at mulling lumingon samin. Km.
"Hey bro." Tawag naman ni Kuya Kieffer dun sa tatlo.
"Kami? Hindi nga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Timothy.
"Akala ko hindi mo alam na nandito pala kami eh." Sabi naman ni David.
"Protect my baby sister." Nakangiting sabi nya. Napangiti naman ako...
"Bakit hindi ikaw ang promotekta?" Talang tanong ni David.
"I have to protect my bae Caitlyn." Nakangising sabi nya. Bigla naman akong nalungkot.... Pero masaya parin kasi pinaprotektahan nya ako kina David.
"Mas mahal nya pa yung gf nya na yun kesa sayo. Wawa ka naman." Tango tangong sabi ni Timothy habang nakatingin sa pinto na pinaglabasan ni Kuya. Sinapok ko naman sya.
"Imik pa more." Tawa tawang sabi ni David. Tiningnan ko naman si Hiana. Mukhang malalim parin ang iniisip nya.
YOU ARE READING
My Life being with my 4 handsome brothers
AcakAng magkameron ng apat na gwapong kuya ay masaya hindi ba? Pero hindi tulad ng iniisip nyo ang sitwasyon ni Kiara. Hinihiling nya nasana hindi nalamang sya pinanganak kasama ang apat nyang gwapong kapatid. Para sa kanya ay mahirap... Sobrang hirap...