Chapter 49

316 23 11
                                    

Kia POV

Pagkagising ko inayos ko na mga gamit ko. Nagbihis narin ako. Pagkatapos ay dumaretso na ako ng salas at natagpuan ko dun si Claude na hinihila ang kanyang maleta.

" Ayos ka na?" Tanong niya. Tumango naman ako.

" Tara na." Sabi ko at lumabas na kami ng apartment. Tinulungan nya ako pagdala ng mga gamit. Pinaharurot nya narin ang sasakyan habang nagpapatugtog.

" Are you bored?" Tanong nya. Tumango naman ako

" Medyo matagal pa ang flight natin. Tara sa mall." Nakangiting sabi niya. Napasigaw naman ako sa tuwa. Nagpark sya sa mall at Nasasabik naman akong tumayo.

" Careful." Banta nya at tumango naman ako. Sinira nya ang pinto ng kotse at nilock.

" Tara na." Nakangiting sabi ko. Pumasok na kami sa mall at nagpapasyal pasyal.

" May gusto ka bang bilhin? I'll buy it for you." Sabi niya. Umiling naman ako.

Masyado na maraming naitulong nya..

Napakunot ang noo ko ng may bumunggo saking mga babae.

Nyetang mga babae ito hindi marunong tumingin sa dinadaanan. Hindi pa marunong mag sorry hayeop.

" You ok? " Nag-aalalang tanong ni Claude. Nakingiti naman akong tumango.

" Why the hell are they like this?" Medyo inis na sabi nya.

Tumpukan dun at maraming nagpapapicture. May artista ba?

Hindi ako makadaan sapagkat andaming mga babaeng nakatumpok. Sumiksik nalamang ako habang I iintindi ang dinadaanan ko

Nakakapikon

" Ay nyeta naman oh! Tabi tabi naman. Nakahara sa dinadaan eh. Hindi naman ganun kagwapo mga yan." Inis na sabi ko at sa wakas ay nakaalis rin.

" Hindi mo sila nakita?" Nagtatakang tanong ni Claude.

" Sino?" Tanong ko. Umiling nalamang sya.

" Tara nalang dun sa restaurant. Kain muna tayo. " Sabi niya at tumango nalamang ako at sinundan sya.

Umorder sya at umupo kami para maghintay ng pagkain namin.

" You really didn't see them?" Tanong nyang muli. Nagtataka ko naman syang tiningnan.

" Sino ba? " Tanong ko. Bumuntong hininga sya.

" Yung mga pinagtutumpukan kanina." Sabi niya.

" Ahh sila... Hindi ko nakita. Mas interesado kasi ako makaalis sa tumpukan na yun kesa makita yung pinagtutumpukan." Nakangiting sabi ko. Medyo natawa naman sya. Nagtataka ko nalang syang tiningnan

" Bakit?! Si Daniel Padilla ba yun?!! " Nakangiting tanong ko. Natawa naman sya at umiling.

" Ah yun naman pala eh. Edi hindi ako interesado. Kay Daniel Padilla lang. " Sinserong sabi ko. Tumawa nalamang sya at dumating na ang pagkain namin. Kumain na kami at nag kwentuhan ng unti.

" Magcr lang ako." Sabi ko matapos kumain. Tapos narin sya at ako lang iniintay nya.

" Sige.. Samahan na kita dun lang ako sa labas. " Sabi nya. Tumango nalamang ako umalis sa restaurant.

" Teka lang.. Medyo kumplikado ngayon kaya suotin mo ito." Sabi nya at nagbigay ng mask.

" Ok?" Nagtatakang sabi ko at Kinuha ang mask at isinuot. Pumunta na ako sa banyo at pumila hanggang sa ako na ang iihi.

My Life being with my 4 handsome brothersWhere stories live. Discover now