Chapter 22

342 20 6
                                    

Kia POV

"Ah... Eh yang ano uuwi ako sa bahay." Nahihiya kong sabi at dinampot muli ang mga dala dala ko.

"Tss kahapon pa kita nakikita! Pumapasok ka sa bahay nina Kieffer. Ano ang ginagawa mo dun?! Kay lakas naman ng loob mong pasukin ang bahay ng aking minamahal." Inis nyang sabi sakin.

Eh ano naman kung kahapon mo pa ako nakikita rito?! Nyeta na toh.... Grrr

"Eh Anong magagawa ko ay bahay ko rin naman yon.... At dun ako nakatira..." Pagsasabi ko ng totoo sa kanila.

"At sa tingin mo maniniwala kami?! Kay landi landi mo para puntahan ang mga baby ko!" Inis nyang sabi at sinabunutan ako. Nakisabunot din yung kasama nya.

Mga nyeta kayo! Lalong magugulo buhok ko neto eh!

"Ano ba ang relasyon mo sa mga prinsipe na iyon?! Haha alam ko na isa ka sigurong maid ano?!" Tawa nya habang sinabunutan ako.

Lintek na toh nakakasakit  ka na ah! At ano kamo? Prinsipe? Baka Prinsipe ng katamaran!

"Kapatid nila ako!" Sigaw ko. Natigilan silang dalawa at nagtatakang tumingin sa akin kung totoo ba ang aking sinasabi.

Naku!! Kung hindi ko sinabi na kapatid ako ng mga nyetang iyon ay hindi ako titigilan eh... Panibago nanaman na mga babae... Mga baguhan siguro tong mga taong toh... Bakit hindi nila alam na kapatid ako ng mga nyetang yun?

"Sigurado ka? Paktay baka magbreak kami ng prinsipe ko pagnalaman nya na sinabunutan ko ang kapatid nya." Nag aalala ng sabi nung babae

"Hala oo nga... Baka magbreak din kami nung prinsipe ko.... Paktay na tayo neto..." Nag aalalang sabi naman nung isa.

Nyeta kayo ang sakit ng anit ko. Pagkayo ang sinabunutan ko mapapanot kayo. Wag nyo lang pakuluin ang dugo ko.

Seryoso akong tiningnan nung dalawa. Napataas ang kilay ko.

Ano nanaman ang pakana ng mga ito?

Nabigla ako nang bigla nila akong sugudin at sabunutang muli.

"Masyadong malayo ang hawig mo! Napakapanget mo kumapara sa mga prinsipe namin." Sabi nung dalawa.

Aba! Yabang neto ah! Nyeta kayo akala mo naman maganda! Mukha namang payaso sa kapal ng kolorete!

Matapos ang masakit na pananabunot nila sakin, binantaan nila ako na huwag na daw akong lalapit sa mga" prinsipe" nila. Napairap nalang ako. Hinintay ko muna na makaalis ang dalawa saka inis na pumasok sa bahay.

Inis kong binaba yung dala kong groceries sa tapat nila. Gulat naman silang napatingin sakin

"Hala?! Sino ka?!" Tanong ni Kieffer.

"Nyeta ako tong kapatid mo!" Inis kong sabi.

"Kia?" Taka nilang tanong.

"Bakit ganyan itsura mo?" Tanong ni Kuya Kian sakin..

"Hindi ba obvious? Sinabunutan lang naman ako ng mga payasong iyon na nandun sa harap ng bahay natin." Inis kong sabi.

"Bakit ka naman nagpasabunot?" Takang tanong ni Kuya Kieffer... Amp..

"Eh ano magagawa ko? Anong laban ko sa dalawang payasong baliw?... Pero kaninong babae yun?" Inis kong tanong.

"Basta hindi sakin yun." Tango tangong sabi ni Kian

" Same." Tangong sabi Kuya Kurt... Hindi mo na kailangan sumagot Kuya at alam ko naman kung sino Gf mo...

Hindi naman sumagot si Kuya Kai at Kuya Kieffer.... Alam na... Inis ko silang tiningnan..

"Bibilhan ko na nga lamang kayo ng makakain nyo ganun pa ang mangyayari sakin!" Inis kong sigaw.

"Aba kamalayan ko ba na nandun yung mga freaks na yun." Inis na sabi nya.

"Why are you yelling Kia!!! Respect your older brother! You're such a pain in the ass!" Inis na sabi. Lalo naman ako nainis.

"Respect?" Hindi makapaniwalang tanong ko...

"Mas matanda kami sayo kaya respetohin mo kami!" Inis na sabi ni Kuya.

Respect ang nyeta... Ako ba nagagawa nilang respetohin?!

"Respect mo mukha mo!" Inis kong sigaw sa kanya. Sinapok ko naman sya at padabog na pumasok sa kwarto ko. Nilock ko din yun para hindi din ako gantihan. Hindi ko na napigilan yung luha ko....

Bakit.... Bakit sila ganun sakin.... Wala naman akong ginagawang mali sa kanila... Sobra sobra na sila sakin...

" Don't shut your door like that infront of me you b***h!" Inis na sigaw sakin ni Kuya Kai... Hindi ko naman sya pinansin at humiga lamang ako sa kama ko st niyakap yung unan ko.

" Wala ka talagang kwenta! You're useless!" Sigaw ni Kuya Kai... Kumikirot yung puso ko....

" You're nothing but a trash! " Dagdag pa nya... Tinakpan ko nalamang yung tainga ko.

"You're ugly! You're stupid! You're nothing in this world!" Inis na sigaw nya sakin..

Please... Please stop... Oo alam ko yan... Alam ko na yan sa sarili ko... But please... Stop...

"Stop it Kai... Hayaan mo na sya." Boses yun ni Kuya Kurt...

Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa makatulog ako.

Hi!!! Hope you like the story

Hi!!! Hope you like the story

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
My Life being with my 4 handsome brothersWhere stories live. Discover now