Chapter 35

323 16 0
                                    

Kia POV

" Nyeta naman eh!!! Pano kasi toh?!!" Inis kong angal habang hindi magka-intindihan sa paghawak pana at palaso.

" Ayan tanga tanga kasi." Iling Iling na sabi ni David.

" Ano kamo?! Sinong tanga satin dalawa?! Mali nga hawak mo dyan eh!" Inis kong sabi.

" Anong mali?! Ito kasi ang tama! Tanga eh! Hindi nakikinig sa explanation." Inis na sabi ni David.

" Magsitigil nga kayo! " Sigaw ni Hiana. Napalingon naman kaming dalawa ni David Kay Hiana...

" Pft... Hahahahahaha! " Tawa namin ni David.

" A-Ano? " Nahihiyang tanong ni Hiana.

" Hiana.. " Nagpipigil na tawa ni Jake. Kami naman ay panay lang ang tawa ni David.

" O-Oh? " Inis na nahihiyang tanong ni Hiana.

" B-Baliktad y-yung hawak mo." Pagpipigil tawang sabi ni Jake. Lalo naman kaming natawa ng mamula ang mukha ni Hiana.

" P-Paanong baliktad to?" Nagtataka pa nyang tanong. Umiling lamang si Jake at inayos ang pagkakahawak ni Hiana ng pana.

" Tanga~." Natatawang sabi ni David.

" Tumahimik ka! Gago!" Inis na sabi ni Hiana na nahihiya parin.

" Nyahahhaha! Nagago pa nga. " Tawa tawa kong sabi. Kumunot naman ang noo ni David. Agad naman akong nag peace sign. Pero hindi parin nawawala ang kunot ng noo nya.

Napansin ko rin na hindi pala sya sakin nakatingin. Agad ko namang nilingon ang tinitingnan nya...

Andun si Kris nakatago. Bakit ba ganun sya tumago? Halatang halata eh. Kakausapin ko toh mamaya

" Ayos ka lang?" Tanong ko kay David. Agad naman syang napatingin sakin at pilit na ngumiti.

" Wow ang Galing!!"

" Nice!!"

" Sanaol marunong!"

" Paturo naman oh!"

" Galing!" Sigawan ng mga kaklase namin. Agad naman kaming napalingon sa umagaw ng atensyon. Napanganga ako ng makita si Timothy na nakabullseye.

" W-Woi!" Humahanga kong sabi. Napalingon naman sya samin at ngumiti. Nyeta may tinatago palang talento itong Timothy namin

" Trying to show off to your girl eh?" Nakangising sabi ni David. Namula naman kaagad si Timothy.

" Paturo!" Nakangiting sabi ni Caitlyn

" Ako rin paturo!" Sabi ni naman nung iba.

" Success." Natatawang sabi ni David. Napangiti naman ako.

" Woi Jake! Tama ba ang pagtuturo mo?! Parang ang hirap naman eh!" Inis na sabi ni Hiana. Napangisi naman ako.

" Ay nako tayo nalang ang walang love life." Kunwaring malungkot kong sabi.

" I don't bother being single." Nakangiting sabi nya.

" Tsh nyeta! Edi maging single ka poreber. " Tawa tawa kong sabi.

" Ok na sakin makasama kayong apat." Nakangiting sabi nya.

" Ay ang cheesy. " Natatawa kong sabi.

Natapos ang umaga namin sa pag-archery... Wala man lang akong naging maayos na pagpana.

" Hindi ko alam na may talento ka pala sa pagpana " Nakangiting sabi ko kay Timothy

My Life being with my 4 handsome brothersWhere stories live. Discover now