Chapter 5

467 26 0
                                    

Hiana POV

"You shouldn't have say that." Inis kong sabi kay Kieffer. Nilingon ko naman sina Jake.

"Tara na! Iwan na natin itong 'perpektong' lalaking ito." Sabi ko at pinakadiinan ang salitang perpekto... Napakawalang puso naman talaga nya... Mabait na tao si Kiara at mahal na mahal nya ang kapatid nya. Kahit ibully sya ng kahit ibang tao ayos lang sa kanya pero pag ang kapatid na nya ang nambubully... dun na sya nasasaktan... Noong una kong makilala si Kiara naiyak sya... Nandun sya sa palaruan sa kanto at walang tigil na naiyak.

Flashback

Hindi maulan ngayon kaya naglalaro ako sa paluruan! Hilig ko ang maglaro doon at magkameron ng mga kaibigan! Pumunta na ako sa slide pero may napakinggan akong naiyak. Sinilip ko kung sino iyon.

"Bata bakit ka naiyak?" Inosenteng tanong ko.

"K-Kasi... S-Sabi..ng K-Kuya ko... Ang panget panget ko daw... Bakit daw hindi kami magkamukha?" Naiyak nyang sabi. Nalungkot naman ako at tumabi sa kanya.

"Ano ang pangalan mo?" Tanong ko habang pinapatahan sya.

"Ako si... A-Ako si Kiara Emery Delius... Ikaw ano pangalan mo?" Nakangiting tanong nya habang tumutulo ang kanyang sipon.

"Ako si Hiana Ysablle Martinez. Hiana ang itawag mo sakin." Nakangiting sabi ko.

" Kung ganon... Magkaibigan na ba tayo?!" Ngiti nyang tanong sakin at sininghot ang kanyang sipon pabalik. Tumango naman ako. Tuwang tuwa syang yumakap.

"Atlast may kaibigan narin ako!!!" Nakangiting sigaw nya na para bang Manalo na sya ng loto.

"Wala kabang kaibigan?" Nagtatakang tanong ko. Ngumiti sya ng mapait.

"Meron at ikaw yun. Nakakatuwa na meron na akong kaibigan. Sabi kasi ng mga kuya ko never in my life magkakameron ako ng kaibigan kasi sa itsura ko daw na ito wala ni isa ang gugustohin na makipagkaibigan sakin." Nakangiting sabi nya. Nakaramdam naman ako ng awa para sa kanya.

" Hindi ka naman panget Kia... Lahat ng tao may sari sariling ganda. "Sabi ko at niyakap sya."

End of Flashback

Matapos ang araw na iyon ay halos araw araw na kaming nagkita. Parehas narin ang aming school na pinupuntahan. Nakilala ko lang ang kuya nya nung grade 6 kami. Pumunta kasi ako sa bahay ni Kia dahil kaarawan nya nun. Talaga namang magagandang nilalang sila. Nung pumunta din ako dun nandun yung daddy nila. Talagang gwapo din ang ama kaya may pinagmanahan ang anak. Pero ang pansin ko wala ang mommy nila kaya tinanong ko iyon kay Kia pero natigilan sya nun at mapait na ngumiti. Lalo akong nanlumo at naawa sa kanya ng sabihin nya ang sagot sa tanong ko.

"Patay na ang mommy namin. Isang taon palamang ako non... Namatay sya sa cancer sabi ni Dad... Kaya heto ako grade 6 na hindi parin marunong mag ayos."

Patay na nga ang Mommy na ganun pa ang Turing sa kanya ng mga kuya nya...

Agad kong hinanap si Kia. Takte asan naman iyong madrama kong kaibigan na iyon?! Matapos ang kalahating taon na paghahanap ay na pagod na ako at bumalik sa room kasi magklaklase na. Dun ko lang natagpuan na nasa room na pala sya at...mukang napagtripan... May galos ang kanyang mukha, saburang ang buhok, basa ang at madumi ang uniporme.

"Kia!" Sigaw ko at lumapit sa kanya.

"Sino naggawa nyan sa iyo?!" Inis na sigaw ko.

"Haha ang ingay mo naman. Hayaan mo nalamang ako. Mag iintay nalang ako ng uwian." Nakangiting sabi nya. Haysss ewan ko din dito kay Kia eh.. Puro ngiti sya pero madalas naman puro luha pag sa kuya nya.

"Hoy!" Sigaw ni Timothy. Nilingon namin ni Kia si Timothy. Nakakunot ang noo nya.

"Sinong may sabi sa inyo na gawin ito sa kanya?!" Inis na tanong ni Timothy. Napangiti ako. Ngayon lang namin sila Nakilala pero heto sila ngayon at naglalakab loob sa mga kirindot.

"Yung isip ko. Bwhaha bakit ba? Ano ba pake mo Timothy? Sayang gwapo ka pa naman." Nakangising sabi ni Jean.

" Wala na ba kayong magagawa at pinagtritripan nyo sya?! Hindi nyo ba alam na kapatid nya sina Kian." Inis na sabi naman ni David.

"Tsk pati naman ikaw David? Sayang ang iyong kagwapohan. Haysss... Naniniwala nga kayo sa panget na yan na kapatid nya sina Kian? Ano nanaman ba ang na pakain mo sa mga iyan Kiara? Ginayuma mo rin ata sila eh." Inis na sabi ni Dion.

"Kami ang mismo naniwala." Inis na sabi ni Jake.

"Hala! Jake my babe.." Sabi ni Xyris.

"Ano naman kung wala syang hawig sa mga iyon? Magkadugo parin sila! Alam mo kung ano ang maganda sa kanya? Ang ugali nya. Mas maganda ang ugali nya kesa sa mga pagmumukha ninyo." Inis na sabi ni David.

"Naku tumigil na nga kayo!" Nahihiyang sabi ni Kiara.

"Pero." Sabay na sabi ng tatlo.

"Kung ano ang gusto nila paniwalaan edi ayun na." Nakangiting sabi nya. Napangiti naman ako.

"All of you stand up!" Biglang sigaw nung History Teacher namin... Oh no... Strict teacher again....

Kiara POV

Napalitan ng magandang araw para sakin ang nangyayari. Hindi ko inaasahan na ipagtatangol ako nina David. Nakilala ko lamang sila kanina ngunit eto sila...

Natapos ang buong klase namin at nakangiti naman akong lumabas ng room kasama sina Hiana.

"Dahil masaya ako sa araw na ito." Nakangising pagbibitin ko.

"Masaya ka pa sa araw na ito? Eh kanina lang nagsagutan kayo nina Kieffer tas napagtripan ka pa! Ano ang masaya dun?!" Nagtatakang tanong ni David. Natawa naman ako.

"It's already in past. Nakalipas na iyon. Kung lagi kong iisipin at dadamdamin ay lalo lang akong mahihirapan. Why not keep moving forward and smile for a better future." Nakangiting sabi ko.

"Matapos kang makipagsagutan kay Kieffer ay ngumiti ka na tas Ayan nakangiti mong sinalubong ang future mo. Ayan dungis at gasgasin ka. Lokang toh." Inis na sabi ni Timothy.

"Ang dami mong alam!" Inis kong sabi.

"Aba ay sino kaya ang may pa keep forward and smile for a better future. Pero ang future ay pagiging gasgasin at dungis dungis." Nakakunot noong sabi ni Timothy at David.

"Nyetang toh ah!" Dagok ko sa likod nina David at Timothy.

"Aray masakit ah!" Inis na sabi ni David.

"Tara na nga!" Inis na singit ni Hiana at hinila ako.

"Yehey! Barbecue time! My treat!!" Nakangiting sigaw ko.

"Wohh free food!" Nakangiting sigaw ni Timothy.

"Bwhahha maliban sayo blehh." Sabi ko at dinilaan sya. Nanlaki naman ang mata nya.

"Hay mga bata nga naman." Inis na sabi ni David.

"Ano kamo?!" Sabay naming tanong ni Timothy.

Nakarating kami sa resto habang nag-aaway parin. Matapos nun ay omorder na ako at nilibre silang lahat.

"Hi Free foods! Soon you will be in my handsome tummy!" Nakangiting sabi ni Timothy. Natawa naman kami at sabay sabay ng kumain.

My Life being with my 4 handsome brothersWhere stories live. Discover now