Kia POV
"Aiden... Kelan ka pa bumalik?" Tanong ko sa kanya habang tinatanggal yung sapatos ko.
"Nung isang buwan lang." Nakangiting sabi nya.
"Matutuwa nyan sina Ku-." Natigilan naman ako at ngumiti sa kanya.
"Bakit?" Tanong nya. Umiling lang ako. Pumasok na ko sa apartment nya.
"Kung nung isang buwan ka pa eh bakit hindi ka pa napasok sa school?" Pag-iiba ko naman ng usapan.
"May pinaasikaso kasi si Dad eh." Nakangiting sabi nya. Tumango tango lamang ako.
"Malinis parin ang bahay mo. Hahaha wala akong makitang gabok ah." Nakangising sabi ko.
"Syempre ako pa. Bukas na ako papasok sa school. Dun sa pinapasukan nyo." Nakangiting sabi nya.
"Talaga?!" Nakangiting tanong ko.
"Hahaha kakasabi ko nga lang eh." Iling Iling na sabi nya.
"Sinisigurado ko lang. Nyetang toh oh." Iling Iling ko ding sabi. Tumawa na na sya.
"So how is Kieffer?" Tanong nya sakin.
"Ahhh sya? Hm.... Maayos naman..." Sagot ko. Tumango tango sya.
"Still a playboy?" Tanong nya muli.
"Aha." Tango ko namang sabi.
"Oh... Ok." Tumango tango naman sya.
"May juice ka?" Tanong ko. Nagtataka naman syang tumingin sakin.
" I want juice eh." Nahihiyang sabi ko.
"Ahhh.. Hahah sorry hindi pa kasi ako nakakapag grocery eh." Nahihiyang sagot naman nya.
"It's already 6 pm. Bakit hindi ka pa nauwi? At San ang Punta mo kanina?" Tanong nya sakin. Natigilan naman ako....
Ayoko ko lang umuwi kina Kuya... For sure hindi rin naman nila ako hahanapin.
"Ahh ehhh ikaw bakit ka nandun?" Pagbabago ko ng usapan. Napangisi naman sya.
"Trying to change the subject huh?" Tanong nya sakin.
"Trying to avoid my question huh?" Nakangising sabi ko naman.
"Ok! I will answer it but answer my question too." Sabi nya naman at huminga muna ng malalim. " Sinundan ko yung lalaking nang rape sa girlfriend ko... Isa sya dun sa tatlong lalaking humabol sayo. I want to punch him in his face pero... Madami sila... Madami sila dun... Hindi lang sila tatlo... Marami sila... Nakatago lang yung iba... Mga unting tao lang ang napapadpad dun... At lahat ng napunta Ron nagagahasa at napapatay... Buti nalang nandun ako... Kundi kung ano na ginawa nila sayo... I can't let them do something bad to you... Anyway... Yung nasa gitna si Rick... Sya yung gumahasa sa girlfriend ko... May HIV si Rick... At nahawaan nya yung girlfriend ko... Nagalit ako at gusto ko syang bawian at gantihan... Kaso hindi ko pa kaya... Mahina pa ako... Ngayon 3 months nalang itatagal ni Xy.... "Buntong hiningang sabi nya. Tumulo naman ang luha nya. Agad naman akong lumapit sa kanya at niyakap sya.
Yiee nayakap ko si Crush! Buti nalang at nakilala ko tong gwapong toh... Naol naging gf nya... Huhuhu... Pa salamat ako at naging childhood best friend sya ni... Ni kuya Kieffer.
" Thanks... Now tell me pano ka napadpad dun? " Seryosong tanong nya sakin....
Yieee concern ata si crush
YOU ARE READING
My Life being with my 4 handsome brothers
RandomAng magkameron ng apat na gwapong kuya ay masaya hindi ba? Pero hindi tulad ng iniisip nyo ang sitwasyon ni Kiara. Hinihiling nya nasana hindi nalamang sya pinanganak kasama ang apat nyang gwapong kapatid. Para sa kanya ay mahirap... Sobrang hirap...