Chapter 28

359 14 0
                                    

Kia POV

"It's School trip time!!!!" Nakangiting sigaw ko. Natawa naman si Hiana sa asta ko.

"Nerd you sound so happy." Nakangising sabi Jean.

"Aba malamang."Nakangiting sabi ko.

" But later that will be changed. " Nakangising sabi ni Kyleen. Tumango lang ako. Nakahilera na yung mga jeep at nilalagay na yung mga gamit namin sa taas ng jeep..

" Marami kang dalang pagkain? " Nakangiting bulong ni Timothy sakin. Nakangising naman akong tumango. Mahal ang binayaran namin dito... Oo may binayaran kami... Haler! Valleypoint yun! Syempre may bayad!

"Ayie! Si Kieffer kasama yung girlfriend nya!" Sigaw nung kung sino man dun. Napalingon nalang ako kung san sila nalingon. Ayun nga si Kuya.. Akbay akbay yung babae.. Pero teka.. Akala ko si Caitlyn yung girlfriend ni Kuya?

Ano ka ba naman? Hindi ka na ba nasanay sa Kuya mong international Playboy?

Sa bagay tama ka naman... Sarap sakalin nung babaeng inaakbayan ni Kuya... Nakakadiri ang suot... Nakadenim shorts na sobrang ikli... Nakikita na nga ang singit eh... Ang itim pa... Tas punong puno rin ng kolorete tinalo pa ang payaso...

Tas may nakaagaw sakin ng pansin... Bigla nalang umalis si Caitlyn ng luhaan... Naawa ako para sa kanya... Pero wala naman akong magagawa... Hindi ko makokontrol si Kuya...

"Kawawa naman si Caitlyn." Imik ni David. Napansin din pala nya.

"Oo nga eh.." Sang-ayon ni Jake at Hiana...

"Sarap suntukin nyang Kuya mo Kia." Seryosong sabi ni Timothy. Nagdidilim ang paningin nya at titig na titig sa Kuya ko...

"Huh?" Tanging sabi ko lang.

"Long time crush ni Timothy si Caitlyn since prep. Kaso hindi madiskartihan ni Timothy si Caitlyn... Torpe kasi ang Lolo nyo." Pagkwento naman ni David. Napansin ko nalang na biglang naglakad papalapit si Timothy kay Kuya...

I have a bad feeling about this...

Patakbo naman akong pumunta sa unahan ni Kuya... Ending? Ako yung nasuntok... Dalawang suntok yung nasalo ko... Nagdigasa pa ako sa damuhan.

Nyetang iyan... Bakit kasi ang bait mo??????

Paki mo! Mabait talaga ako! Tamo mamaya kukunin na ako ni Lord sa pagsalo sa suntok ni Timothy the Big eater.

Natigilan naman si Timothy at dali dali  pumunta sina Hiana papalapit sakin.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Hiana habang sinasampal sampal yung mukha ko...

Ayos karin Hiana eh... Ghe sampalin mo pa ako...

Pero hindi ako nakasagot... Ewan ko... Hindi bumuka bibig ko eh... Wala ata ako sa sarili...

"Bakit mo naman ginawa yun?!" Inis na tanong nina Jake at David kay Timothy.

"Hindi sya ang s-susuntokin ko... Humarang kasi sya... S-Sya tuloy yung.... N-Nasuntok ko..." Nakayukong sabi ni Timothy. Tawa tawa lang naman sina Kuya Kieffer... Ano pa ba maasahan ko sa kuya kong toh. Dapat pala hindi naa ko humarang para sya yung masuntok... Pero...sinasampal parin ako ni Hiana!

"Uy! Ayos ka lang ba?!" Sigaw na tanong ni Hiana.

Ikaw kaya masuntok ng dalawang beses ng selosong lalaki! Ayos ka lang ba?! Nyeta nyeta rin itong si Hiana eh...

"Woi sumagot ka." Inis na sabi sakin ni Hiana. Pero eto nga.. Wala ako sa sarili ko at nakatulala lang ako sa kanya... Napangiti pa ako... Nyeta! Huminga ako ng malalim at umiling iling.

"Ikaw kaya masuntok! Ok ka lang?!" Inis kong sabi kay Hiana. Sa wakas nakapagsalita rin.

"Sorry naman." Tawa tawang sabi ni Hiana. Nagawa lang tumawa ng nyetang ito eh... Kaibigan ko ba talaga toh!

" What the fuck are you doing? "Tawa tawang tanong ni Kuya Kieffer.

" None of your fucking business! "Inis kong sabi sa kanya. Inalalayan naman ako ni Hiana na tumayo. Bumalik na kami dun sa kanina naming tinatayuan. Hila Hila naman ni David itong si Timothy na nakayuko parin.

Sising sisi ang loko.. Pero ako din naman
Tanga ko rin naman eh sinalo pa yung suntok nya... Hahhahaha.

"Ano ba kasi pinag-iisip mo?" Inis na tanong ni Hiana kay Timothy.

"S-Sorry." Nauutal na sabi ni Timothy habang nakayuko.

"Huwag mo kasing pairalin ang selos na nararamdaman mo." Iling Iling na sabi ni David.

"Sorry." Sinserong sabi ni Timothy.

"Ok lang. Basta huwag ka nalang basta basta susugod." Nakangiting sabi ko. Napatingin naman sila sakin

"Oh bakit?" Takang tanong ko.

"Napatawad mo na agad?" Sabay nilang tanong syempre maliban kay Timothy the Big eater... Dagdagin na natin yung the great puncher.

"Malamang! Hindi mo naman kasi sinasadya at pati kung ako din yun susuntokin ko narin yun! Ako din kasing nyeta nyeta humarang. Edi ayun ako yung nakasalo. Pero... Anlakas mo sumontok ha! Hindi agad ako nakarekober eh!" Nakangiting sabi ko. Bigla nalang ako niyakap ni Timothy.

"Thank you!" Nakangiting sabi nya. Niyakap ko narin sya. Haha pandak na toh oh.

"You're welcome~~~." Pakanta kong sabi. Nakangiti naman syang humiwalay.

"Oh tara na?" Nakangising tanong ko.

"Sure!" Nakangiting sabi ni Timothy.

Matapos nun ay pumasok na kami sa jeep kasi paalis na daw. Tabi tabi kaming lima. Ako yung nasa dulo at katabi ko naman si Hiana tas katabi ni Hiana si Jake tas si David at si Timothy. Sinalpak ko na yung earphones ko at pinikit yung mata ko.

Medyo masakit parin kasi talaga mukha ko sa pagkakasuntok ni Timothy eh...

My Life being with my 4 handsome brothersWhere stories live. Discover now