Chapter 25

369 20 1
                                    

Kia POV

Uwian na at iniintay ko si Aiden. Pinauna ko narin sina Hiana. Napangiti ako ng makita si Aiden na papunta sakin.

"Aiden!" Sigaw ko. Hindi na nya ako pinansin at pumasok sa kotse nya. Pumasok narin ako.

"Dadaan muna tayo kina Hiana tas-." Hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng bigla nalang syang magpaandar. Lumingon ako sa gawi nya at halos mag halikan na yung kanyang kilay sa pagkakunot.

Mabilis rin kami na nakarating kina Hiana. Walang emosyong ang kanyang mukha at hindi rin sya namamansin... Problems mo?

Agad akong bumaba at kinuha na yung gamit ko kina Hiana. Matapos nun ay sumakay uli ako at pagkasara ko palang ng pinto ay humarurot na uli si Aiden...

Nyetang.... Napapano ba tong lalaking toh?

"Aiden." Tawag ko sa kanya pero hindi nya ako sinagot.

"Aiden?" Tawag kong muli.

"Aiden?" Mas nilakasan ko pa yung tawag ko.. Nakarating na kami sa building nung apartment nya ng ganun ka bilis.

"Aiden?!" Inis kong tawag. Inis nya naman akong nilingon.

"What?!" Inis nyang tanong...

"Ayos ka lang?" Tanong ko... Nawala naman kunot ng noo nya at napahikbi...

"Sam won't make it... Tinawagan na ako ng doctor at... Mas lumala ang kanyang kondisyon... Pagod na pagod narin yung itsura nya at halatang nahihirapan na sya.." Iyak nyang sabi... Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nya... Sobrang lungkot..

"I-I'm sorry..."  Yun nalang nasabi ko... Umiling lang sya at dumaretso na sa elevator. Agad ko namang kinuha yung mabibigat kong gamit at pumunta rin sa elevator...

"I'm going to kill Rick.." Galit nyang sabi. Nanlaki naman ang mata kong tiningnan sya...

"Hala... Wag ganyan Aiden..." Sabi ko. Galit nya akong tiningnan.... Bigla nalang nanginig yung katawan ko.. Yung tingin nya ay handa ng handa talaga syang gawin kung ano ang gusto nya... Papatayin nya si Rick...

Mahal na mahal nya nga si Ate Sam...

Lumabas na kami ng elevator at tinulungan na ako ni Aiden dalhin mga gamit ko. Dun daw ako sa apartment ni Ate Yana... He wants to be alone daw..

Taray din ng Aiden ahahah charr...

Inilagay ko muna yung gamit ko sa living room. Marunong at magaling naman ako magluto... Mas magaling ngalang si Aiden... Nagbihis muna ako ng shorts na hanggang tuhod at simpleng damit na may tatak na Baguio. Tinanggal ko narin salamin ko at hinayaang nakalantad ang kulot kong buhok.

Kinuha ko na yung pera ko sa bag ko at planong bumili dun sa tindahan malapit sa building. Pumunta na ako sa elevator at bumaba na.... Umalis na ako sa elevator at pinuntahan yung store..

Pumasok na ako sa store at bumili na ng tsitsirya. Wala type ko lang hehe... Sa pangatlong pagkakataon may pamilyar na naaman akong  nakita... Isang lalaki at isang babae... Magkamukha sila kaya siguro magkapatid sila... Mapandak yung babae at may chubby chicks katulad ko... Sabi kasi nila chubby cheeks daw ako... Maputi rin sya...

Napalingon naman sakin yung lalaki at bahagyang nanlaki ang mata... Mukha nanamang kwago...

"You look familiar." Pag eenglish sakin nung lalaki.

"Ikaw nga din eh mukang pamilyar." Tango tango kong sabi. Pinakatitigan nya ako... Shit matutunaw ako neto eh...

"Kia?" Hindi makapaniwalang tanong nya.

My Life being with my 4 handsome brothersWhere stories live. Discover now