Chapter 29

364 19 0
                                    

Kia POV

Nakarating na kami sa Valleypoint at tunay nga namang maganda dito! Napakalamig at sariwa ang hangin. Nandun narin yung mga organizers at yung mga advicers. Yieee!!! Ready na me!!!

Kinuha muna namin yung mga gamit namin sa jeep. Matapos nun pumila muna kami. Inexplain samin nung organizers kung san daw kami.

"So students! I will now announce where will you be staying for three days of fun! For 3rd year students they will be in tent glamping. While 4rth year in Kubo and the seniors in room. " Nakangiting sabi nung organizer. Ayos nanaman iyon sa akin. Kahit tent lang kami. Basta makapag camp kami. Ewan ko lang sa maarte kong kaklase na nagrereklamo na.

" What if it rains?! We can get wet! " Inis na angal ni Jean.

" It's too boring in the tent!" Inis na sabi naman ni Kyleen.

"Shut up! Just do go to your area and later we will start the activities!" Inis na sabi samin nung bakla. Inakbayan ako ni Hiana at sabay kaming naghanap ng tent na may magandang view. Though lahat naman maganda ang view pero mas gusto ko yung maayos talaga. Isang tent yung nakakuha sakin ng pansin. Paglabas sa tent na yun ay tanaw na tanaw ang magandang tanawin...kitang kita na nasa tuktok kami ng bundok. Napangiti nalamang ako at agad na pumasok sa tent. Napanganga ako sa ganda ng ayos nito. May nakalatag na na higaan at malambot it. Foam ang higaan namin. May blanket at pillow narin. Nakangiti kong inayos yung malaki kong bag at ibinaba na. May shoe box rin.

"Sulit ang bayad natin ah." Nakangiting sabi ni Hiana. Nakangiti naman akong tumango. May dala rin akong wifi... Hahaha... Binuksan ko na wifi ko at komonek muna ako. Mamaya nag send si Kuya Kurt ng picture. Napangiti naman ako.

Napasilip si Hiana sa selpon ko at ngumiti nalang bigla. Agad nyang kinuha yung cellphone ko.

"Omg!!!! Ang cute!!! Si Muning ba toh?" Nakangiting sabi ni Hiana sakin. Tumango naman ako saka Kinuha muli yung selpon ko.

"Hindi ko na nakikita si Muning... Miss ko na sya. Pero bakit si Kurt yung nagsend sayo?" Takang tanong ni Hiana sakin.

"Well... Dahil careless ako at makakalimutin tapos madrama-." Hindi ko na natapos ang sasabihin ng sumingit si Hiana... Nyeta naman eh...

"Nakalimutan mo syang pakainin. Syempre dahil matakaw si Muning nag-ingay yun at nanghihingi ng pagkain. But the problem is ma drama nga ikaw at siguro tumakas ka nanaman. Then your Kuya Kurt is busy with his studies and your dog is noisy, Kurt get irritated by the noise and plan to find it and when he found where the noise is coming from he found a cute dog and syempre nakakaawa nga naman si Muning kaya ayun binigyan ni Kurt ng pagkain. At dahil madrama ka nga hindi ka pa umuuwi at si Kurt na ang nagpapakain. "Nakangiting sabi ni Hiana. Napanganga nalamang ako.

" Pano ko nalaman yun?! "Hindi makapaniwalang tanong ko.

" I know you and your Kuya since we're a little kids. "Tawa tawang sabi ni Hiana. Tumango nalamang ako. Mamaya may napakinggan kaming pito.

Agad naman kaming naglabasan at pumunta sa chill area. Katabi lang pala yung tent namin nina David eh. Kaso nga lang si David at Timothy ang magkasama sa tent. Tas si Jake naman at si Gio ang magkasama sa tent. Magpinsan naman sila kaya ok na yun.

Pumunta na kami sa chill area. Magkakatabi naman kami nina Hiana, David, Timothy at Jake. Si Gio ayun pumunta si chicks nyang wala namang interest sa kanya.... Wawa naman...

Ikaw nga walang jowa

Ayos lang yun! Free na free ang paglandi!

Sino naman lalandiin mo? Sa ganyang itsura pa may lalandiin ka?

My Life being with my 4 handsome brothersWhere stories live. Discover now