XLVIII

238 20 17
                                    

We are breathing the same air together, but it feels like you're a thousand and thousand of miles away from me.

---


"Cora! Palagay nitong mga apples sa kabilang box!" Sigaw ni Joana.

"Wait lang! Unahin ko muna 'tong mga grapes!" I replied.

"Okay, dokey!"

I started packing the grapes inside the containers and put it beside the corner. Ito 'yong mga grapes na order ng ilang clients at edi-deliver sa mga bahay nila.

Things are getting more busier here inside the shop dahil weekends at kailangang lumabas ng mga babae dito sa East Acres para mamili ng supply.

Ito na ang naging isa sa mga trabaho ko aside sa pagiging lady cleaner. Medyo mahirap ang trabaho dahil limited lang ang man power dito sa shop, masaya parin naman dahil marami akong nakakausap na mga customers.

"Alright! Tapos na!" I said cheerfully after kong malagay ang grapes sa containers.

Lumipat ako ng stall at agad na trinabaho ang mga apples. Ganito lagi ang ginagawa ko rito sa shop tuwing nasa duty ako. Naglalagay ako ng mga prutas sa tamang lalagyan habang si Joana ang nag-bubuhat ng mga box.

Don't get me wrong, Joana is a girl. Malaki lang talaga ang katawan niya at sanay siyang bumuhat ng mabibigat na bagay. She's working here for almost six years kaya gamay na niya ang mga gagawin at isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ni Madame Ethyl.

"Nakabalik na ba si Vanessa?" Joana asked after she dropped the last pack of fruits.

"They're probably heading here. Kanina pa sila umalis ni Madame Ethyl e," I replied.

Vanessa is Madame Ethyl's nephew. Siya paminsan-minsan ang nagte-take over nitong shop tuwing nagpapahinga si Madame Ethyl. She is also the reason kung bakit ko nakuha ang trabaho na 'to. Sobrang bait niya rin kasi pero strikto siya kapag nasa trabaho.

"Good morning!" Bati naming dalawa ni Joana sa bagong customer na pumasok.

She's like a middle-age woman with black long hair. Inalis niya ang suot niyang mask at ngumiti sa amin.

"Good morning, may available pa ba kayong lemons?" She asked.

Mabilis akong tumango at tinuro ang mga lemon sa gilid. "Nandito ma'am, ilan po ang bibilhin niyo?"

"I want to buy four packs. Gagawa kasi ako ng lemonade sa bahay," she said and smiled.

"Perfect nga itong drinks ngayong mainit ang panahon ma'am," I said to her which made her flash another smile.

"Gusto ko rin pala ng oranges, my sister likes eating those."

"Yes, ma'am!"

After kong ilagay sa plastic bag ang apat na pack ng lemon, kumuha rin ako ng oranges at iniabot sa kanya.

"Thank you, ma'am! Have a great day!" I said after niyang magbayad sa counter.

"You too, have a great day."

After umalis ng una naming customer for today, sunod-sunod na agad nagsi-datingan ang iba pa. Naging busy ako ng tuluyan at laging nagmamadali dahil sa patuloy na pag-dagsa ng customers. Ang ilan sa mga buyers namin ay ilang years nang bumibili rito kaya kilala silang lahat ni Joana.

Ilang oras kaming nagpa ikot-ikot sa shop hanggang sa dumating ang lunch. Sakto rin ang pagdating nina Madame Ethyl dahil kaka-breaktime lang namin ni Joana.

OXYGENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon