"Here I am, breathless."
---
Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagpabalik-balik sa loob ng aking kwarto. Hihiga, tatayo, iikot hanggang sa mapagod at hihiga ulit.
Kahit anong distraction ang gawin ko ay hindi parin maalis sa isipan ko ang hitsura niya. Kahit side view lang ang nakita ko ay naging triple agad ang kabog ng dibdib ko. At kahit baliktarin natin ang mundo, alam kong iisang tao lang ang may kayang gawin iyon sa puso ko.
He was there, Doctor Elliot.
Siya ang lalaking nakita ko kahapon sa hallway ng hospital habang kinakausap ang isang pasyente. He has beard and his hair has grown longer. Hindi ko lang sigurado kung mas-tumangkad pa siya lalo dahil nakaluhod siya kahapon.
It's been three years, and for once in my life during that years, he never left my mind. He still gave me the same chills whenever I see him. The beating of my heart whenever he's around is still the same. Even his aura, there are sea of wounded patients yesterday on that hallway, yet he still stood out in my eyes.
Ganoon parin ang epekto ni Doctor Saint Elliot sa akin. Walang pinagbago kahit lumipas man ang ilang taon.
Malakas akong napabuntong hininga at umalis sa higaan ko. Lumapit ako sa harap ng computer at itinoon doon ang atensyon ko. Coleen is still asking me kung bakit daw mukhang balisa ako kahapon.
I told her na nakita ko ang mga head doctors na paparating kaya nagmadali ako, bawal kasi ang mga outsiders lalo na kapag may emergency sa loob ng hospital. Hindi ko alam kung naniwala siya pero hanggang ngayon ay duda parin siya sa paliwanag ko. Malakas daw ang loob niya na mayroon pang ibang dahilan.
Heto nga at ayaw akong tantanan sa chat. Kanina pa ako nakaharap sa computer ko at siya lang ang tangi kong kausap.
Coleen_Cantour33486 : Why can't you just tell me the whole truth? Hindi naman kita huhusgahan.
Cora_Memoir214951 : Coleeeeeen! I don't have anything to hide, nakita ko lang talaga na paparating ang mga doctor kaya hinatak agad kita paalis.
Coleen_Cantour33486 : Why? Why are you scared of those doctors? As if hahatakin nila tayo paalis ng hallway na iyon.
Cora_Memoir214951 : Emergency kasi at crowded sa hallway, don't even think another reason kasi iyon lang talaga. Period!
Coleen_Cantour33486 : Fine. But the moment na malaman kong may ibang dahilan pa, ihanda mo na 'yang hita mo! I'll pinch it gamit ang dalawang kamay ko!
Wala sa sarili akong napangiti sa sinabi ni Coleen. Kahit magkapareho lang kami ng edad, she always act like an ate. I just hope, she would stop being nosy. I can't tell her yet.
Cora_Memoir214951 : By the way, how's Juliet? Is she doing good?
Coleen_Cantour33486 : Yes! Malayo naman daw kasi siya sa pagsabog at medyo nabingi lang ang left ear niya.
Cora_Memoir214951 : Okay, that's a good news. Baka kasi magpanic ka nanaman kung sakaling isa siya sa mga victims.
Coleen_Cantour33486 : Excuse me? Anong panic? Sobrang kalmado ko kaya kahapon.
Cora_Memoir214951 : Talaga? Kaya pala halos ayaw mo akong bitiwan dahil sa kaba mo.
Coleen_Cantour33486 : Fine. Pero slight lang naman!
Napailing nalang ako kay Coleen dahil sa pagde-deny niya. She really wanna look tough kahit obvious naman minsan na sobrang kabado siya. But I don't judge her, it's her way of coping up and it's only natural for every people to feel fear and worry.
BINABASA MO ANG
OXYGEN
Science FictionCora Memoir is one of the last born infants in the year 2050, where oxygen is already dropping and chaos is rapidly rising. She grew up in a society where people are wearing mask to breathe properly. For the past years of her existence, she managed...