VIII

756 51 25
                                    

We are all breathing the same air.

**


One week. One week na akong naghihintay ng result ng naganap na recruitment. Mula din noong araw na nalaman ko na isa pala si Intruder sa magte-train sa mga newly hired inventors ay mas lalo akong kinabahan.

One week din akong umiiwas na maging topic namin iyon. Mabuti nalang din at hindi na ulit siya nag-open about sa recruitment dahil feeling ko kasi parang sasabog na 'yung puso ko dahil sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung bakit labis nalamang ang kabang nararamdaman ko kahit alam kong hindi naman ako makakapasa sa exam na 'yun.

Somehow, thankful naman ako dahil hindi ko nasabi sa kanya na sumali ako sa recruitment. Ayokong malaman niya at mas lalong ayokong makita o makilala manlang siya. Nope! Ayoko! Not in a million chance!

Lumabas ako ng kwarto at tumungo sa kusina. Naabutan kong kumakain sina Xylex at Herriene habang nagtatawanan.

"Mukhang may na-miss ako ah? Anong meron?" Tanong ko sa kanilang dalawa at umupo sa usual seat ko.

"Naalala lang namin ni Herriene 'yung unang araw na pumasok siya rito sa bahay. She looks so innocent that time at parang batang naagawan ng candy." Tumawa si Xylex habang nakakapit pa sa bandang tiyan niya.

"Sobrang cute ko kaya noon! Ate Xy naman eh! Sabi mo pa nga gusto mong kurutin ang pisngi ko buong maghapon! Hmmp!" Naka-busangot na tugon ni Herriene.

Kahit ako ay natawa nalamang sa kanilang dalawa lalo na kay Herriene na lalong lumalaki ang pisngi kapag ngumingiti.

"Naalala mo, Cora? Hindi rin kayo magkasundo ni Herriene noon sa pagkain. Kung anong ayaw mo, gustong-gusto niya.. kaya we always end up cooking my favorite food." Napangiti ako matapos marinig iyon kay Xylex.

Hindi ko na mabilang noon kung ilang besed kaming nagaway ni Herriene dahil lang sa pagkain na lulutuin. Nagtatalo kami tuwing dadating si Xylex dala-dala ang mga lulutuin namin for the whole week. Palaging si Xylex nalang ang matitira sa kusina upang magluto at kami naman ni Herriene ay pupunta sa kanya-kanyang kwarto.

But our arguments didn't lasted, dahil nakaisip agad si Xylex ng paraan para magkasundo kami. She made a schedule of the foods that we are cooking every week. Mula noon ay hindi na talaga kami nag-away at mas lalong tumaba ng kaunti si Herriene.

"How about noong lumabas si Herriene at muntik ng hindi makabalik?" Mas lalong bumusangot ang mukha ni Herriene at tuluyan na ngang nag-crossed arms sa harap namin.

Nanlaki agad ang mata ni Xylex at tinakpan ang bibig upang hindi matawa.

"It's not funny! Muntik na nga akong hindi maka-uwi tapos pagtatawanan niyo pa! Hmmp!" Inis na saad ni Herriene.

"Kasalanan mo rin naman kasi 'yun. Sinabihan kapa nga ni Xylex na wag lalabas kapag umaalis kami. Kampanti pa kami noon kasi hindi ka naman lumalabag, pero nalaman nalang namin kinuha kana pala ng mga Lady Bulwarks," saad ko at natawa ng mahina.

"Natatandaan mo paba ang reason kung bakit ka lumabas?" Tanong sa kanya ni Xylex.

"Kasi gutom ka!" Sabay naming sigaw ni Xylex habang tumatawa ng malakas.

"Ayoko na! Bahala nga kayo diyan!" Agad na umalis si Herriene habang naka-crossed arms parin.

Kapag bored kami dito sa bahay ay ganito lagi ang ginagawa namin. Iisipin namin ang mga nangyari sa amin at magtatawanan. Somehow, naging masaya naman ako at nangyari sa amin iyon. We learned from our mistakes and I will treasure everything that we've been doing for the past years.

OXYGENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon