XII

938 56 26
                                    

Never wait for your breathing to stop, explore now and never regret the things you've always wanted to do.

**

I am controlling my breathing as of this moment because of a certain reason, this guy beside me is a living god and I'm out of words to describe how attractive he is. From his hair down to his shoes. He's a masterpiece that was built perfectly.

Wtf? Totoo ba 'to? They never said na ganito pala ka-gwapo ang mga lalaki dito sa West! How come na itinago nila ito sa amin? Give justice please! This is so unfair!

"I think Doctor Elliot is now ready to send you to your room, Cora. Would you mind, Doctor El?" Doctor Habiusy asked.

"It would be my pleasure, Doc. Perhaps, I could also tour her inside of this camp."

Pasikretong nanlaki ang dalawang mata ko dahil sa narinig mula sa lalaking nasa gilid ko. Seriously? Ito-tour niya ako? Sobrang awkward na nga nitong nasa gilid ko lang siya, tapos ngayon ito-tour niya ako? Teka! Teka lang pwede bang mag-decide muna ako? Sobrang bilis naman ata. Di ako ready! Di ako na informed.

"Thank you for that, Doctor El. And so as you, Cora. Please be good to Doctor El, you'll be seeing each other from now and then. I'll leave now, see you later."

Isang katahimikan ang nabalot sa pagitan naming dalawa ni Doctor Elliot dahil hindi ko mawari ang nararamdaman ko. This is my first time meeting a man in person. Never pa ako na nakalapit sa isang lalaki mula pa noong isinilang ako. And now a man is beside me, looking at me with no emotions at all. Di ko kayang tingnan siya pabalik. Send help!

"Let's put your things inside your room first. Then I'll tour you around so you'll be familiar with the place," saad niya at naunang naglakad sa akin habang dala-dala ang dawalang bag na dala ko.

Ramdam ko na ramdam niya ang pagkakailang ko sa kanya. Sobrang bilis lang naman kasi ng pangyayaring ito. Noon sa festival lang ako nakakakita ng lalaki pero sobrang layo nila dahil sa dami ng tao. Tapos kanina lang nakahawak ako ng panandalian sa kamay ng isang lalaki at nasa unahan ko lang siya ngayon. Weird. This is so freakin' weird. Ang bilis nang tibok ng puso ko. Ewan ko kung kinakabahan lang ako o adrenaline rush. Or pwede ring both kasi sobrang weird talaga ng pakiramdam ko.

Tatlong hallway din ata ang dinaanan namin bago siya huminto sa harap ng isang pinto. Sobrang tahimik naman ata nitong camp dahil wala masyadong naglalakad. And also, I never imagined the place like this. I thought we will be camping "literally" like inside a forest or beside the seashore. But no, we are actually inside a modern mansion where there are lots of glasses, yet there are also lots of air generator to support the air inside. Halatang pang-mayaman talaga ang lugar na 'to. I wonder kung nasaan ang Lab nila. Puro Doctor kasi ang narito, may mga secret doors din ba rito?

My name is carved within a piece of wood at nakasabit iyong kahoy sa pinto. Pagbukas niya ay bumungad sa amin ang queen-size bed at ang edges nito na may gold na paint. Sobrang ganda! Nagdalawang isip pa tuloy ako kung sa akin ba talaga itong kwarto o 'di kaya ay sa Presidente nila. Am I dreaming? This is so unreal! I can't just believe this!

"Welcome to your new room. Please change now and I'll wait for you outside." umalis din agad siya sa likod ko at isinara ang pinto.

Gentleman naman pala siya. Tsaka, mukhang mabait naman. But I wonder why he's not being pervert. Way niya ba 'yun para kunin ang loob ko saka niya ako pagsasamantalahan? Well, nagkakamali siya... hindi naman ako masyadong marupok kaya hindi agad ako mahuhulog sa charm na taglay niya. Manigas siya!

OXYGENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon