XXVIII

357 31 7
                                    


Breathe air like dreams

---


"Ano ba girls! Ang babagal niyo!" malakas na sigaw ni Doctor Habiusy sa amin habang nagbibihis kaming lima.

Kakapasok niya lang sa kwarto pero ito agad ang bumungad sa amin. I don't know what happened to her pero halata sa mukha ng doctor ang galit at inis. Naging doble ang galaw naming lima habang nagbibihis ng mga damit na binigay sa amin kahapon. Buti nalang at nakapag-pahinga kami ng isang araw bago gawin itong hinanda nila para sa amin.

Halos sabay rin kaming lahat na natapos at agad na lumabas. Naghihintay na pala sa amin ang mga lalaking trainees pati na rin ang mga mentor namin.

"Maaga tayong aalis ngayon kasi marami kayong pupuntahan. But before anything else, kakain muna tayo ng breakfast sa palace kasama ang dalawang presidente," pormal na wika ni Doctor Habiusy habang naglalakad kami patungo sa parking area nitong building.

Nagkatinginan kami ni Darcy at nakita ko agad ang isang emosyon sa mga mata niya. Ako naman ay kinakabahan dahil makikita ko ulit silang dalawa. There's something about them that bothers me a lot. Hindi ko mawari kung galit ba iyon o ano, pero isa lang ang nasisiguro ko ngayon, ano man ang mangyari ay kailangan kong umiwas sa kanilang dalawa.

Pagdating namin sa parking area ay agad naming nakita ang tatlong malalaking sasakyan. Hindi naman ito tulad ng mga sasakyan na ginamit namin papunta dito sa East, pero masasabi kong kasya kaming lima doon. Meron ding logo ng government sa harap nito kaya masasabi ko talaga na hindi lang basta-basta ang mga sasakyan na 'to.

"Are you okay?" tinapik ako ni Darcy habang paakyat kami sa sasakyan.

I nodded my head to answer her. She looks worried pero naibsan iyon nang makita ang ngiti ko. I just can't help myself but to feel afraid, like it's something that I must feel right now.

Magkatabi kami ni Darcy sa upuan na pahaba. Magkabilaan kasi ang upuan sa loob ng sasakyan at glass wall ang kabuoan kaya nakikita namin ang labas. Unti-unti itong umangat at lumabas ng parking area ng building. Bumungad agad sa amin ang maraming kababaihan sa labas habang naglalakad na parang mga normal na mamamayan ng Verdel Acres. They are all wearing their masks, including the lady bulwarks na nagmamasid lang sa gilid.

The oxygen is not clean at all. Nagmukha itong fog sa paligid at ang mga usok ay kumakapal. Medyo madilim ang paligid pero nakikita pa naman namin ang mga babae at mga buildings sa gilid.

This is already alarming.

Everyone is in danger.

The environment and the people are dying.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa mga paa ko. I don't want to look outside again. Ako ang nahihirapang huminga para sa kanila. Kahit malinis ang nalalanghap kong hangin mula dito sa loob, hindi na ito naiiba sa nalalanghap nila sa labas. Parehong walang kasiguraduhan kung ligtas ba kami. Hanggat mabagal at walang aksyon ang gobyerno, wala paring mangyayari.

Ilang minuto rin ang nilakbay ng sasakyan bago kami nakarating sa palace. Dalawang gate pa kasi ang papasukin bago tuluyang makapunta sa mismong harap ng palasyo. Mas marami ang lady bulwark sa lugar na 'to at ito 'ata ang pinaka-secluded na lugar sa buong East Acres.

"Wear your masks, we're all here," salita ni Doctor Habiusy sa speaker.

Tumingin ako sa labas at nakita agad ang nakapa-gandang building. Kahit medyo madilim ang paligid ay nakikita ko ng maayos ang buong lugar. Kulay puti ito pero glass wall din ang ibang dingding. Hindi masyadong mataas gaya ng ibang building pero nakakalula ang kagandahan nito.

OXYGENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon