XXI

435 28 15
                                    

Never loose hope, take some courage and breathe.

***

"The result is out, nasa news board," bungad sa akin ni Doctor Elliot nang makapasok siya sa loob ng opisina niya.

"Really? Gusto kong tingnan," excited na wika ko.

I was about to beamed out nang mapansin ko ang pagiging tahimik niya. Hindi rin siya gumalaw para lumabas kasama ko.

"What's wrong, doc?"

Hindi siya umimik. Nakatingin lang siya sa painting na nasa gilid ng wall. Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan ang mukha niya.

"Kinakabahan ka ba, doc?" bigla kong saad.

He immediately looked at me with a sudden expression.

"No, I'm not. I was just curious about the result," he took off his white lab coat and put it on his chair.

"Have you seen it?"

He shook his head. So, hindi niya pa pala nakita? Why is he like that?

"Come on, we'll go together," I took his arms and tugged him outside his office.

Sabay kaming naglakad sa hallway. Mabilis ko ring binitiwan ang braso niya dahil tumitingin sa amin ang ibang mga doctor na dumadaan. Doctor Elliot is now wearing his white long sleeve and black pants. His hair is perfectly messy with his thick eyebrows. Sobrang gwapo niyang tingnan.

Pagdating namin sa harap ng news board ay naroon na ang ibang trainees at mga mentor nila. I am not that tall kaya hindi ko makita ang naka-paskil sa news board. Nakapalibot kasi sila kaya hindi ako maka-singit.

"OMG!" rinig kong sigaw ni Rewele, dahilan kung bakit natigilan ang lahat. "Nasa 2nd rank ako, Mentor Paz!" aniya at tumili habang yumayakap sa mentor niya.

Dahil sa ginawa niya, lahat kami ngayon ay nakatingin sa kanilang dalawa. She looks very happy and satisfied. Naramdaman ko rin ang pagka-ilang ng mentor niya dahil sa mahigpit niyang yakap.

The male trainees congratulate her. Isang matamis na ngiti ang binigay niya sa kanila at yumuyuko pa ng kaunti. After a minute ay pumunta na silang lahat sa gilid habang naguusap kaya nagkaroon kami ng pagkakataon na makita ang result.

My eyes were fixed on the piece of paper that is pinned on the news board.

"3rd Rank."

Napatingin ako sa babaeng nagsalita sa gilid ko. Darcy Lane is looking at the board with no expressions at all. "Congrats," she said and smirked. Wala paring buhay ang mga mata niya.

Mabilis kong hinanap ang pangalan niya sa papel.

"1st Rank," I uttered. "Congrats," saad ko rin, but this time ay nakangiti na ako.

"Looks like the whole panel is in favour with Rewele's proposal," rinig kong salita ni Doctor Elliot sa likuran ko.

"She's confident and relaxed while proposing her project. Mukhang pumanig talaga ang panel sa kanya dahil alam niya ang mga sinasabi niya." Wika ko rin.

Darcy smirked a little. She put her hand on my shoulder and patted me softly.

"May next round pa, we got this," she said and turned around.

Napatingin ako sa pa-palayong rebulto ni Darcy. Napangiti ako ng kaunti dahil sa nangyari. Seems like I found an ally from her. Mukha lang siyang snob at strict sa umpisa, but I find her very interesting. Naramdaman ko ang kamay ni Doctor Elliot sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.

OXYGENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon