XL

357 22 12
                                    


Sometimes, breathing is like a suffocation. Especially if you're living a messy life.

---

I woke up without Doctor Elliot beside me. For instance, that sleep is probably the best sleep that I had in my life. He didn't let me go until we both fell asleep. Parang nakalutang ako sa ulap habang yakap ako ni Doctor Elliot kagabi. It's against the rule, but we both broke it without hesitations.

Napangiti nalang ako habang inaayos ang kumot at mga unan. Nag-stretching pa ako ng kaunti habang binibuksan ang malaking kurtina ng kwarto ko. The morning light went through the reflection from the glass wall and it gave me a relaxing feeling.

"Good morning, Sunshine!" Bati ko sa aking robot at pinindot ang switch para umandar.

Sunshine washed the floor with her advanced tools given by Doctor Elliot. Paikot-ikot lang siya habang ako naman ay nagbibihis para magbreakfast. Ilang minuto lang ay may narinig na agad akong katok mula sa pinto.

"Good morning!" Masiglang bati ni Darcy sa akin bago pumasok sa loob.

"You're very early, how's your sleep?" Tanong ko sa kanya at kumuha ng white shoes.

"It was fine, medyo nakatulog naman ako ng maayos unlike the other day."

Tumango ako at humarap ulit sa salamin. Napangiti ako ng malaki dahil naaalala ko nanaman si Doctor Elliot at ang mga kamay niya sa bewang ko. It feels so warm and cozy.

"Why are you shining?" Biglang tanong ni Darcy.

Napahawak agad ako sa mukha ko na medyo namumula.

"Hindi ah, naglagay kasi ako ng kaunting face powder," sagot ko.

"Wow, marunong ka na maglagay?" Gulat niyang tanong na sinuklian ko lang ng tawa. "Omg! Ito na ba ang robot mo?"

Lumabas si Sunshine mula sa closet at nagpaikot-ikot kay Darcy. Darcy also likes robots that's why she's amused of Sunshine.

"Ang ganda ng pagka-program sa kanya. Si Doctor Elliot ba lahat ang gumawa?"

"Yeah, I was there too, noong ginagawa palang siya."

Napangiti si Darcy at nilaro si Sunshine habang ako naman ay inaayos ang buhok ko. Ang dami ko kasing energy sa katawan at gusto kong gumawa ng kahit na ano.

"After breakfast daw ang lakad namin ng mentor ko. Kayo ba?" Tanong ni Darcy habang naglalakad kami papunta sa dining hall.

"Same din, kailangan daw namin ng energy kasi lilibutin namin ang buong West Acres para sa possible plan ng project ko," sagot ko sa kanya.

"Solong-solo mo nanaman si Doctor Elliot. Nakita ko pa nga siya kanina na naglalakad galing sa ward niyo. Pumunta ba siya sa kwarto mo bago ako dumating?"

Mabilis akong nabilaukan ng sariling laway at agad na napaubo dahil sa tanong ni Darcy. Agad din naman niyang hinagod ang likod ko at halatang nagaalala.

"Okay ka lang?"

"Naubo lang," awkward kong sagot.

Buti nalang pala talaga at nagising agad si Doctor Elliot. Ano nalang kaya ang iisipin ni Darcy kung sakaling naabutan niya kaming magkasama sa room ko?

Pagdating namin sa dining hall marami na ang kumakaing doctor at ibang trainees. Nahagilap din agad ng mga mata ko sina Black at Helium na magkasama sa isang table.

"Hi, boys!" Bati ni Darcy sa kanila.

"Kain tayo," matigas na wika ni Helium at nginitian ako.

OXYGENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon