L

271 25 20
                                    


In this life that I am living, you are the air that I am breathing.

---

It's just funny how fate can easily toy us in different ways.

I can still remember how I always wish to not see Doctor Elliot again, but here we are. We are both inside this store, standing a feet away from each other. Nakatalikod na ako sa kanila dahil pinipilit kong magpaka-busy para hindi magtagpo ang mga mata naming dalawa.

Yes, I'm trying to ignore him.

The fact that he is with me is already something I should be conscious. Kanina pa mabilis ang tibok ng puso ko, but I still remained focus sa kung ano ang ginagawa ko.

I just want a distraction to keep away from him. Kahit naririnig ko ang boses niya, kahit ramdam ko ang presensya niya. I just can't, I can't look at him directly.

"Cora, magkakilala pala kayo ni Doctor Elliot?" Bulong sa akin ni Joana at nagkunyareng tinutulungan ako sa mga prutas.

"Hmm, nagkita kami sa hospital no'ng isang araw." Of course, I need to make a fake alibi.

"Talaga? Bakit parang iba ang kutob ko?"

"Alam mo, Joana. Mas mabuti sigurong tulungan mo nalang ako. Baka isumbong kita kay Madam na na-late ang pag deliver ng mga lemon kanina?" Banta ko sa kanya.

"Ito naman, hindi na mabiro."

Even if I'll tell Joana about the truth between me and Doctor Elliot, hindi ko parin sasabihin kasi nakakatamad magkwento. Bahala na siyang mag-isip kasi nakakapagod sabihin lahat ng kung ano man ang meron kami.

It took a little while bago nagpaalam si Doctor Elliot na aalis. Isang beses ko lang siyang nilingon at hindi na ulit ako tumingin sa kanya hanggang sa makalabas siya ng store.

Nang tuluyang maka-alis ang sasakyan ni Doctor Elliot ay saka palang ako nakahinga ng maluwag. I never felt suffocated like what happened earlier. Parang nawalan ako ng hangin at lakas at ngayon lang ulit umepekto ang adrenaline rush sa buo kong katawan. Napaupo nalang ako sa gilid at natulala.

Lahat ng nangyari ngayon ay sadyang nakakagulat at nakakapanibago.

"Are you okay, Cora?" Tanong ni Madam Ethyl sa akin kaya mabilis akong tumayo.

"Yes, Madaam. Medyo napagod lang ako sa mga bagong stocks."

"Do you need help?"

"Hindi na po, okay lang po talaga ako."

Madaam Ethyl smiled at me na parang nasiyahan siya sa sagot ko.

"As you should." She tapped my shoulders and nodded her head.

Iniwan ako ni Madam Ethyl at bumalik siya sa kanyang office. I can really sense something sa mga ngiti ni Madam Ethyl pero ayoko lang bigyan ng meaning. Maybe I am just overthinking too much, to the point na parang lahat nalang ng bagay binibigyan ko ng meaning.

After ng shift ko ay nagpaalam agad ako kay Madaam na uuwi. I went straight home. Sa lahat ng nangyari ngayong araw, hindi ako makapaniwala na kaya ko paring maglakad. Ramdam na ramdam ko ang pagod at gustong-gusto ko nang humiga at matulog.

Nang makarating ako sa bahay ay nahinto ako sa mailbox. There's literally a bouquet of sunflowers kaya agad akong lumapit at kinuha ito.

It's the same flowers na nare-received ko tuwing birthday ni Doctor Elliot. Buwan-buwan akong nakakatanggap ng ganitong bulaklak, pero hindi ko alam kung kanino galing.

When I entered the house, sabay na napatingin si Herriene at Xylex sa dala kong bulaklak.

"Just what I thought, tama nga ako na may nakalagay sa mailbox," wika ni Xylex habang naglilinis ng mga baso.

OXYGENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon