XXVI

395 25 13
                                    

Own your breath

---


"Saan ba talaga tayo pupunta?"

Ilang beses ko na 'atang naitanong 'yan kay Black mula pa kanina. Hindi kasi ako mapakali habang naglalakad kami dito sa kahabaan ng hallway. I've never been here before. Hindi pamilyar sa akin ang lugar na 'to kaya kinakabahan ako.

"Just wait and relax, Cora. Malapit na tayo," sagot niya.

"What if makita tayo ng mga doctor at ipatawag? Black baka madamay si Doctor Elliot," ani ko sa kanya.

Hindi ko alam, pero sa halip na huminto ay tumawa lang ng mahina si Black at umiling. Hindi na ulit siya nagsalita pero ramdam ko ang pananabik sa kanya. I do trust Black hindi dahil sa magkakilala kami, kundi dahil nasaksihan ko mismo kung anong klase ng lalaki siya. He can be playful sometimes pero alam ko na mapagkaka-tiwalaan siya.

"Halt," mabilis niyang salita at huminto sa pader.

Nandito na kami ngayon kung nasaan ang kabilang hallway. May nakalagay na parking lot sa itaas at isang arrow na nagtuturo kung nasaan ito. Maybe it refers to the direction where the parking lot is. Medyo nagtaka ako dahil sa biglang paghinto ni Black pero hindi ako nagsalita dahil seryoso ang mukha niya.

"May paparating, let's hide here," aniya at agad akong hinila papunta sa likuran ng dalawang trashcan.

Malalaki itong mga basurahan na pinagtataguan namin kaya imposibleng makita kami mula rito kung dadaan ang sinasabi niyang paparating. Ilang sigundo rin kaming nagtatago ng bigla ngang dumaan ang dalawang doctor na naguusap. Nang makalagpas sila ay mabilis kaming tumayo at naglakad ulit.

"Pupunta tayong parking lot?" wala sa sarili kong tanong sa kanya habang papalapit kami sa pinto.

Hindi niya ako sinagot at mabilis niyang binuksan ang pinto. Tumingin muna siya sa paligid bago niya tuluyang binuksan upang makalabas din ako.

Hinila ako ni Black papunta sa isang maitim na sasakyan na nakita ko na dati sa West. Sa pagkaka-alam ko ang mga may posisyon lang sa gobyerno ang pwedeng gumamit ng sasakyan na ito kaya labis ang pagtataka ko ngayon nang makita ito.

Habang papalapit kami ay mas lalong naging doble ang kabog ng dibdib ko. Ano ba 'tong ginagawa namin? Bakit may ganito dito? Anong meron?

Nang tuluyan kaming makalapit ay bigla nalang bumukas ang pinto ng sasakyan. Agad akong napahinto sa paglalakad nang makita ko kung sino ang lulan nito.

"Xylex, Herriene," hindi makapaniwalang wika ko.

Herriene is crying and Xylex is covering her mouth using her hands. Parang nawalan ako ng hangin dahil sa pagkabigla at pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas para maglakad pa ulit.

Am I dreaming? Totoo ba 'to? Sila ba talaga ang nakikita ko ngayon?

"Cora," umiiyak na tawag sa akin ni Herriene dahilan kung bakit nagkaroon ako ng lakas para tumakbo papunta sa kanila habang umiiyak.

"Cora!" sigaw ni Xylex kasabay ng pagyakap nilang dalawa sa akin ng mahigpit.

For the past weeks and days na hindi ko sila nakita, kahit kailan ay hindi sila nawala sa isipan ko. Sila ang huling tao na gusto kong makita ngayon bago mawala ang liwanag sa langit at sakupin ng kadiliman ang buong mundo. Ramdam ko sa yakap nila ang pangungulila nilang dalawa sa akin. Herriene is crying helplessly kaya napangiti ako sa kanya. She's the weakest among us lalo na sa ganitong mga bagay.

"How are you, okay kalang ba do'n?" Xylex said and wipe the tears in my cheeks.

"We miss you a lot, Cora. Halos araw-araw na umiiyak si Ate Xylex mula noong umalis ka para sa training. We badly miss your presence sa loob ng bahay, parang kulang kami kasi wala ka," salita ni Herriene habang nakayakap parin sa akin.

OXYGENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon