XVII

545 30 8
                                    

The world is fading, the sky is crying, we are barely breathing.

***


Tiniklop ko ang pangatlong libro na binigay ni Doctor Elliot sa akin. Kanina pa kami rito sa loob ng opisina niya at kanina pa ako nagbabasa ng mga librong binibigay niya. Mabilis ko ring kinuha ang pang-apat na libro at binuksan agad ang unang pahina. Bumungad sa akin ang ibat-ibang uri ng machines na nagawa na noon ng mga kilalang inventor.

"Kailangan ko pa ba itong basahin?" Tanong ko sa kanya.

Mabilis na umikot ang inuupuan niya at napatingin sa akin. Nilagay niya sa mesa ang dala niyang pen at umayos ng pagkaka-upo.

"Those books are very important, nakapaloob diyan ang mga mahahalagang bagay na pwede mong matutunan tungkol sa machines, robots, basic tools, pag-program at iba pa. You should be aware of those things para ma familiarized ka kapag gumagawa na tayo ng actual na project. You still have informations to read sa computer, bilisan mo na diyan," mahabang sabi niya at itinuon ang tingin niya sa sinusulat.

"Eh, kahit anong basa ko sa mga 'to, kung 'di mo ako tuturuan, wala rin akong malalaman," sagot ko sa kanya.

"I only want you to familiarize, I didn't said na e-memorize mo lahat ng 'yan," pilosopong sagot niya.

Hindi nalang din ako sumagot at itinuon ang sarili sa pagbabasa. After a minute ay may narinig akong isang kanta galing sa dala niyang shuffler. The device is being used kapag gusto mong magpa-tugtog ng kanta at bihira lang ang mga taong meron niyan. Napatingin agad ako sa shuffler na nakalagay sa ibabaw ng mesa niya. Maliit lang ang device na iyon pero klaro at malakas ang tugtog.

He's playing a classical music. Walang lyrics ang kantang iyon at sobrang nakaka-relax. Alam ko naman na maganda sa utak ang musika lalo na kapag gusto mong mag-concentrate. Tiningnan ko si Doctor Elliot at nakita kong naka-tuon lang ang atensyon niya sa isinusulat.

His eyes are very deep na aakalain mo na galit siya, maganda rin tingnan ang makapal niyang kilay na bagay na bagay sa mga mata niya. His lips are pressed and I can really say that he's thinking. Nagkibit-balikat ako at ibinalik ang atensyon sa pagbabasa.

Reading is not really a stranger to me dahil bata palang ako ay marunong na ako magbasa. Different people helped me to read including Xylex.

Kahit pa sabihin ko na marunong akong magbasa, meron paring mga bagay tungkol sa machines, robots, at inventions ang hindi ko maintindihan. I still have lots of things to improve pagdating sa ganitong bagay. And knowing na lima kaming sasalang sa larangang ito, hindi parin ako dapat maging kampante at kailangan kong magsipag. Xylex and Herriene is counting on me, hindi ako pwedeng mabigo ngayon.

After kong makabasa ng isang libro ay agad akong napatingin sa wall clock. It's already 1:30 ng hapon at kanina pa ako nakakaramdam ng gutom. Tumingin ako sa gawi ni Doctor Elliot na ngayon ay nagbabasa na rin ng libro.

"Hindi ba tayo magla-lunch?" Agad na tanong ko.

He lifted his gaze towards me kaya agad akong nailang. Iba kasi ang titig niya, masyadong mysterious.

"You can go," maikling sagot niya at binalik ang tingin sa libro.

"How about you? Hindi ka kakain?" I asked.

"Later, tatapusin ko lang 'to. Mauna kana, wait me there at de-deretso na tayo sa programming center. Doon tayo gagawa ng report mo para bukas," saad niya.

Kahit gusto ko siyang makasama sa pagkain ay minabuti ko nalang na lumabas. Kahit sabihin nating medyo close na kami, meron paring pader sa pagitan namin. I am a trainee and he is a doctor. Kahit baliktarin natin ang lahat, masyado paring magkalayo ang mundo naming dalawa.

OXYGENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon