XXIV

379 29 10
                                    


He was my air, he keeps me breathing

---


"Are you good to go?"

Napangiti ako nang makita si Doctor Elliot sa harap ng pintuan. He's wearing his white uniform and his hair is still a bit wet. Halatang kakagaling niya lang sa washroom. I gave him a thumbs up at pinakita ang dala kong bag.

"How's your sleep?" he asked and pulled my bag from my hands. "I'll carry this for you."

Napangiti ulit ako. It's too early for him to be this gentle.

"Maganda naman ang tulog ko, doc" I answered and looked at him.

"That's nice to hear," aniya at sinukbit ang bag ko sa balikat niya.

We both went to the lobby where everyone is waiting. Pagdating namin, lahat sila ay agad na napatingin. Mukhang nagtataka sila kasi wala akong dalang bag. Nang makita nila si Doctor Elliot sa likuran ko ay agad silang tumayo.

"I believe everyone is here. Please get in line based on your gender." Salita ni Doctor Habiusy at pinalakpak ang dalawang kamay.

Agad na nagkaroon ng dalawang linya, isa sa aming mga babae at isa sa mga lalaki. Napatingin ako kay Black na agad ring kumindat ng makita ako. Napangiti ako sa ginawa niya at bumaling sa unahan ang atensyon ko. Nasa ikatlo ako at nasa unahan si Rewele na mukhang pinaka-excited sa aming lahat.

Naglakad kami papunta sa parking area kung nasaan ang sasakyan namin. Walang imikan, lahat ay seryoso sa paglalakad. Pagdating namin ay bumungad ang dalawang malaking sasakyan. Mas-malaki ang mga ito kumpara sa mga ginagamit namin sa East. Mayroong mga bulwark na naka-bantay sa entrance ng bawat sasakyan at lahat sila ay may dalang armas. Feeling ko tuloy mga bilanggo kami, ay oo nga pala... bilanggo nga pala kami sa kamay ng gobyerno.

Huminto kaming lahat sa harap ng mga bulwark at lahat sila ay agad na lumapit sa amin.

"Please surrender your belongings for safety inspections," salita ng pinaka-leader nila.

Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil pansin ko na ako lang ang walang dalang bag sa aming lima. Agad akong napatingin sa likuran at nakita si Doctor Elliot na papalapit sa akin habang dala-dala ang mga gamit ko.

"Thank you, doc."

Tumango siya sa akin at binigay ang bag ko. Pansin ko ang titig ng ibang mga babae sa aming dalawa kaya nag-iwas agad ako ng tingin at sinukbit ang bag ko sa balikat. Inilagay ko sa sahig ang mga gamit ko at agad itong binusisi ng dalawang bulwark.

"Clear," salita ng isa at agad na binigay ang bag ko sa akin.

The leader pointed his hand towards the entrance kaya agad akong naglakad papasok sa loob ng sasakyan. Pagpasok ko ay agad akong sinalubong ng isa pang bulwark para e-scan ang code ko. bumukas ang metal door at agad akong pumasok. Mas lalo akong namangha sa loob dahil sa mga gamit. Parang nasa-loob lang ako ng kwarto. Mayroong mga folding bed na sobrang linis at maraming glass windows na kita ang nasa-labas. Humanap ako ng folding bed at agad na inilagay ang mga gamit ko doon. Nasa labas ang atensyon ko ng may biglang nagsalita sa harap ko.

"You're getting along with each other."

Nakita ko si Darcy Lane na hinuhubad ang sapatos niya. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya kaya hindi ako nagsalita.

"You're aware that Doctor Elliot is from the West right?"

Lalo akong naguluhan kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa na tanungin siya.

OXYGENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon