XXV

510 29 14
                                    

If I had to choose between loving you and breathing, I will choose my last breath to say I love you.

-anonymous

***

If there is one thing I hate about the government, it would be their rules. Doctor Habiusy told us that the Presidents will be present for the opening of the examinations here inside the East. Sinabihan rin kami na yumuko at magbigay pugay sa dalawa. Okay lang naman sa akin, pero kasama na raw doon ang paghalik sa kamay nila.

Pansin ko rin ang inis kay Darcy at alam kong labag sa kanyang kalooban ang gagawin namin mamaya.

"Change your clothes, Ladies! The program will start in an hour!" Sigaw ni Doctor Habiusy at lumabas sa kwarto namin.

"Really? Kailangan ba talaga nating suotin 'to?" rinig kong salita ni Darcy at hinagis ang puting damit sa kama niya.

"You can go naked, if you want."

Bumaling ang atensyon namin kay Rewele na nakangiti habang sinusuot ang damit niya.

"Fuck you," malutong na mura ni Darcy at sinabayan niya pa ng hand gesture.

Hindi na ako nagsalita pa at sinuot ko nalang ang damit na binigay sa amin. Meron din itong dalang nameplate sa gilid ng dibdib. Na curious tuloy ako kung anong ibinigay na damit sa mga lalaki.

Sabay kaming lahat na lumabas sa kwarto namin at laking gulat ko nang makita ko ang mga boys na nag-aabang sa labas ng kwarto. Nakasuot sila ng itim na damit at may puting nameplates sa kanilang mga dibdib.

Nginitian ako ni Black kaya ngumiti rin ako sa kanya. Ang gwapo niyang tingnan kapag nakasuot siya ng black. His name really suits him.

"Okay, you're all set. Follow me girls and boys." Ani ni Doctor Habiusy na nakasuot na rin ng lab gown niya.

Habang naglalakad ay pansin ko ang pagiging malikot ni Darcy na hinihila ang damit niya. Kanina pa siya hindi komportable sa suot niya ngayon.

"Relax lang, Darcy. Bagay sayo ang suot mo, mas babae kang tingnan."

She gave me a weird look and smirked.

"Shut up," aniya.

Napa-iling nalang ako at ngumiti.

Pinasakay ulit kami sa isang malaking mobile car papuntang City Central. Ngunit sa pagkakataong ito ay kailangan na naming magsuot ng mask dahil open space ang lugar at marumi at medyo makapal ang usok doon.

Pagdating namin ay naroon na ang mga babae ng East Acres at lahat sila ay nakatingin sa sinasakyan namin. Nakaramdam agad ako ng kaba.

Makikita ko kaya sila? Mayayakap? Kumusta na kaya si Herriene? Si Xylex? Okay lang kaya sila?

Paglabas namin sa sasakyan ay agad kaming pina-akyat sa itaas ng stage. Walang upuan na inihanda sa amin at mukhang tatayo kami hanggang sa matapos ang lahat. Inilibot ko ang paningin ko sa dagat ng mga babae na kanina pa nakatingin sa amin, pero walang Xylex at Herriene. Sobrang dami ng mga babae at aabutin ako ng gabi sa paghahanap.

Maya-maya pa ay may dumating ulit na isang sasakyan at lahat kami ay doon na nakatingin. Kakaiba ang sasakyan na ito dahil may logo ng gobyerno at kakaiba ang desinyo.

Lumabas si President Reign kasabay ni President Duke na parehong nakasuot ng pulang damit. Last time ko silang nakita, noong presentation pa ng project proposal namin. Inalalayan sila ng mga Lady Bulwark paakyat sa stage at umupo sila pareho sa upuan. Kahit parehong nakasuot ng mask, halata ang maganda at maamo nilang mga mukha, maliban kay President Reign na sobrang intimidating kapag tinitingnan.

OXYGENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon