XLIV

286 22 13
                                    


Just keep breathing, you'll never know what will happen tomorrow.

---

Warning : This chapter contains rape, violence and strong language. Please read at your own risk.

"Tutunganga ka nalang diyan?"

Napabaling ang tingin ko kay Darcy dahil sa tanong niya. Tiningnan niya ako ng maiigi na para bang binabasa niya ngayon ang iniisip ko.

"Kinakabahan ka sa magaganap na evaluation bukas?" Mabilis niyang tanong at tumabi sa akin.

Nandito kami ngayon sa hallway at nakatingin kami sa transparent na glass wall at pinagmamasdan ang tumutulong ulan sa labas. Kanina pa kami rito ni Darcy dahil inaya ko siyang magpahinga muna saglit.

"Hindi ko kasi maiwasan na hindi mag-isip at kabahan. Things will be different tomorrow and everything will start right away."

Bumuntong hininga ako at inilabas ang frustration na kanina ko pa iniinda. We will have our first evaluation tomorrow and it will be the start of our scoring system based sa performance namin. Prepared naman ako dahil sa laki nang naitulong ni Doctor Elliot sa akin these past few days. Pero hindi ko kasi maiwasan na hindi kabahan.

"Alam mo, pansin ko na kapag may mangyayari sa training natin lagi ka agad kinakabahan. Loosen up, girl. Matatapos din ito, okay? Baka ma-trigger bigla ang anxiety mo," Matigas na wika ni Darcy sa akin at niyugyog ang balikat ko.

I gaver her a smile to assure her. Pinanuod pa namin saglit ang ulan bago kami bumalik sa kanya-kanyang kwarto.

Habang nasa loob ako ay dahan-dahan ko nang inihanda ang mga files, data at iba pang gagamitin ko para sa evaluation bukas. Ito ang ginawa ko buong week kasama si Doctor Elliot at sa mga araw na iyon ay hindi ko maipagkakaila ang saya na nararamdaman ko.

Sobrang nage-enjoy akong kasama si Doctor Elliot habang ginagawa namin ang project ko at bawat araw ay tinuturuan niya ako.

Day by day, lumalala ang attraction ko sa kanya dahil hindi ko talaga mae-deny sa sarili ko na sobrang nakaka-attract ng mga lalaking matatalino. I don't know, but a man who can educate me a lot can also takes my heart away.

Napapangiti nalang ako at napapailing habang si Sunshine naman ay naglilibot sa kwarto ko para maglinis. Pagkatapos kong ma-file ang mga papel ay naisipan ko na pumuntang office ni Doctor Elliot para kunin ang iba pa.

Marahil ay tapos na rin siya siguro sa mga 'yon dahil kahapon pa namin iyon nasimulan. I smiled a little while I'm stepping towards his office. My heart is pounding, but I can't control myself.

I knocked on his door three times before it opened. Nang bumukas ito ay mukha ni Doctor Glory ang bumungad sa akin. Napawi ang ngiti sa mukha ko at mabilis na nagbago ang aking nararamdaman.

"Yes, Cora?" Tanong niya sa akin pero hindi niya binubuksan ng malaki ang pinto. May gusot ng kaunti ang damit niya sa bandang dibdib at medyo magulo ang kanyang buhok.

"Uh, si Doctor Elliot?" Tanong ko.

"He's inside, bakit?"

"May... Kukunin lang sana-"

"Mamaya nalang," putol niya sa akin. "May ginagawa kaming dalawa."

She suddenly closed the door at napatulala nalang ako dahil sa inasta niya. Hindi niya manlang ako pinagbuksan ng maayos at pinapasok.

Bakit? Ano bang ginagawa nila at ayaw niyang makita ko ang ginagawa nilang dalawa.

Napabuntong hininga nalang ako at naglakad pabalik. Iyong mga papel pa naman na iyon ang pinaka-importante sa lahat at kailangan na kailangan iyong pag-aralan para bukas.

OXYGENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon