V

906 59 7
                                    

As long as you're breathing, you are loved.

***

"Cora! Get up!" Said Herriene while shaking my arms.

Nakapatong siya sa 'kin like she used to do pag 'di ako agad bumabangon.

"What is it, Herriene? Ang aga-aga pa eh!" Reklamo ko.

"We've got a mail from the government!"

I hurriedly went off my bed after hearing what Herriene has said. Kinusot ko agad ang mata ko at mabilis na tumakbo kasabay niya.

"Kanina pa?" I asked her while running towards Xylex's room.

"Five minutes ago!" She exclaimed at binuksan ang pinto.

I saw Xylex in front of her computer. Seryoso ang awra niya and I could really tell na parang may seryosong bagay siya na tinitingnan sa computer niya. Nakaramdam din ako ng kaba.

What if alam ng government na may intruder na pumasok sa connection ko? Would I be punished? Papatayin kaya ako?

Dahan-dahan akong lumapit kay Xylex at tumingin sa computer niya. I composed myself and started reading the mail.

Good Day Verdenians!

The government will be having a gathering to all the citizens of East Acres. All of the women living in this particular place is required to join the said gathering. Failed to attend the said event will be punished by law. Every blocks will be checked by the security and please bring your mask for your safety.

City Central
3:30 P.M onwards

-President Reign Gauge-

Nanliit ang mga mata ko matapos mabasa ang mensahe. Gatherings are only being required if there is really an important matter to discuss with the people. Minsan lang sa isang taon nangyayari ang gathering at mukhang bad timing ang gathering ngayon.

Tumingin si Xylex sa akin at hindi ko mawari kung ano ang gusto niyang iparating. She's overthinking again. Last time kasi na may nangyaring gathering ay 'yun ang pag-anunsyo ng crisis sa taong iyon. Halos limang buwan din kaming nagtitiis ng pabalik-balik na ulam bawat linggo. Water is very limited at hindi kami pinapalabas dito.

Buti nalang ay naka-imbento noon ang mga officials ng government tungkol sa panibagong technology na ginagamit upang maka-kuha ng sapat na tubig sa maliit na supply ng oxygen. Up until now ay gamit-gamit ito ng lahat ng babae dito sa East.

"What do you think? Ano nanaman kaya ang maaaring ibalita ng gobyerno sa atin?" Xylex said at tumayo sa upuan niya.

"Natatakot ako." Saad ni Herriene.

"You shouldn't be, okay? Nandito lang kami ni Ate Xylex mo. Hindi ka namin pababayaan." Saad ko at niyakap siya.

"Lalo ng nagkakaroon ng paghina ng alteration ng carbon dioxide sa oxygen. Mukhang ito ngayon ang gagawin nilang issue na ipapaalam sa lahat." Saad ni Xylex at umupo sa kama niya.

"We don't know, baka sa susunod na mga araw, puno na ng maruming hangin itong mga kwarto natin. Our replenisher is not that strong to alter every dirty air into fresh one." I said and hopelessly seated on the floor.

OXYGENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon