XVIII

496 25 17
                                    

Breathe now, breathe tomorrow, breathe forever.

***

My eyes were fixed at the center of this room. Naka-upo lang ng mabuti si President Reign at nasa tabi niya si President Duke na naka-tutok rin ang atensyon sa harapan. Nasa-gilid kasi kami ng stage kaya nakikita sila namin mula rito. Seryoso ang tingin nila sa nagre-report sa itaas ng stage.

Pang-anim akong magre-report at nasa-pangatlo palang kami. Marami ang humahanga sa mga natapos nang mag-bahagi ng report nila. Kaya triple na ngayon ang kabang nararamdaman ko. Kapag kasi may mali silang nakita sa report ay agad na nagtatanong ang ilang head scientist at inventors na kasamang naka-upo ng dalawang presidente.

"The whole city is lack of other materials and we still need to create them. And unfortunately, we don't have much resources to make it possible. Now, where are you going to get the materials?" Seryosong tanong ng isang head scientist.

Napatingin ako sa lalaking trainee at basi sa reaksyon ng mukha niya ay alam kong kinakabahan siya. Iba kasi ang awra at tunog ng boses ng nagtatanong at kahit na sino 'atang nakikinig ay talagang kakabahan.

Hindi nakapag-salita ang lalaking trainee at halatang nagiisip pa ng maisa-sagot. Hindi rin naman kasi biro ang pagre-report sa itaas ng stage lalong-lalo na sa harap ng dalawang pinaka-makapangyarihang tao dito sa buong Verdel Acres. Tahimik kaming lahat na nanunuod pati na ang mga doctor.

"Ah... through ahm... I mean, we... or the government could provide the resources by... ahm... by finding the raw materials outside the city? Or maybe we could, ahm... find another materials that is similar to what is needed and replace it," nau-utal na sagot niya.

Hindi ko mawari sa mukha ng doctor kung nagandahan ba siya sa sagot ng lalaki, o di kaya ay na-dismaya. Wala akong makitang emosyon, o kahit na anong expression ng kanyang mata. Gusto ko sanang isipin na isa siyang robot dahil wala akong nakikitang kahit na anong pwedeng basahin sa katauhan niya.

Nagpatuloy ang tanungan at masasabi kong mas nakaka-takot ang mga scientist na ito lalo na kapag may nakita silang butas sa report mo. Parang gustong kumuwala ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Medyo namamawis na rin ang kamay ko kahit malamig naman ang binubugang hangin ng air refreshener.

Pagkatapos ng lalaki ay agad siyang bumaba ng stage at dumeretso sa mentor niya. Dismayado ang mukha niya at mukhang hindi niya nagustuhan ang sarili niyang performance.

Sunod na umakyat ng stage si Rewele. Confident ang lakad niya at magandang tingnan sa kanya ang suot niyang damit. Bigla tuloy akong napatingin sa suot ko dahil feeling ko hindi ako nangalahati sa kanya. Medyo kulot ang buhok niya ngayon at hinawi niya ito pagdating sa gitna. Humupa ang palakpakan ng lahat ng tao kaya agad siyang nagsalita.

"Good day, I am Rewele and I am here to report the problem given to me by the heads," panimula niya.

May lumabas na imahe sa malaking screen na nasa likuran niya kaya agad siyang pumwesto sa gilid. She is very confident on what she is doing at hindi mo mahahalata sa mukha niya ang kaba at takot.

"Waste materials are one of the most biggest problems that the society has been facing. Everyday, tons of garbages are being collected and thrown within the garbage area."

Lumabas sa screen ang garbage area kung saan naroon ang mga basurang nako-kolekta sa kabuoan ng Verdel Acres. There's a lot of piles at halos lahat ng ito ay plastic. Mas madali kasing gamitin ang plastic at convenient sa lahat ng oras. Pero, even if we enjoy the satisfaction that it gives, hindi namamalayan ng mga tao kung gaano ito ka destructive sa environment at sa syudad.

OXYGENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon