XVI

581 28 8
                                    

Sometimes, things will become complicated and you'll never have any choice but to breathe and continue to fight.

***

The alarm rang beside my bed and I hurriedly went up and composed myself.

Mabilis kong hinawi ang kumot sa higaan ko at dumeretso sa harap ng malaking kurtina. Pagbukas ko ay bumungad agad ang kabuoan ng syudad at ang mahinang pag-ulan. Halos lumundag pa ako dahil sa tuwa ng makita ko ang tumutulong ulan sa bintana ko.

Rain is very important lalo na sa Verdel Acres. Masyadong bihira lang kasing umulan dito dahil nga sa pagbabago ng panahon kaya medyo nahihirapan ang government sa pagbibigay ng tubig sa mga tao. Malamang sa mga oras na ito ay nagbubunyi na rin sina Xylex at Herriene. Meron kasi kaming water generator sa bahay upang e-purify ang tubig ulan sa inuming tubig.

Napatingin ako sa ibaba at nakita ang iilang kalalakihan na naglalakad habang may dalang payong na kulay itim. Kahit 'di ko man makita, alam kong masaya sila kasi umuulan na.

Maya-maya pa ay biglang tumunog ang bell kaya napatingin ako sa pinto. Lumapit agad ako sa monitor at nakita si Doctor Elliot na naghihintay sa labas.

Halos mataranta agad ako at dumeretso sa banyo. Inayos ko agad ang mukha ko at mabilis na nag-toothbrush.

Pagkatapos kong mag-ayos ay mabilis akong lumapit sa pinto at binuksan ito. Nakasandal si Doctor Elliot habang naka-crossed arms. Napalunok agad ako ng laway dahil sa kaba. Naaalala ko kasi ang ginawa kong pagyakap sa kanya kahapon.

"Get ready, may pupuntahan tayo," aniya sa akin.

Tumango agad ako at mabilis na pumasok sa banyo. Nakita ko sa salamin ang pamumula ng mukha ko kaya mabuti nalang at nakapasok agad ako rito. Mabilis kong binuksan ang shower at ang maaligamgam na tubig ang lumabas. After kong maghubad ay mabilis akong naligo at nilinis ang sarili. Pagkatapos ay dumeretso ako sa closet na karugtong ng banyo at pumasok. Kumuha agad ako ng damit at nag-ayos.

"I'm good to go," mabilis kong saad paglabas ko ng closet.

Tumango agad siya at lumabas. Sumunod lang ako sa kanya habang siya naman ay seryosong naglalakad papunta sa lift. Hindi niya sinabi kung saan kami pupunta kaya wala akong clue. Pero alam kong related nanaman ito sa mangyayaring training sa amin.

Pumasok kaming dalawa sa lift at mabilis itong umandar paakyat. Tiningnan ko ang floor na pinindot niya at nakita na papunta ito sa rooftop. Medyo nanlaki pa ang dalawang mata ko dahil sa gulat. Anong gagawin namin sa rooftop? Umuulan parin hanggang ngayon.

Pagdating namin ay mabilis na nagbukas ang lift at may dalawang guard na bumungad habang may dalang payong. Binigyan ako ng isang guard kaya kinuha ko ito.

"Follow me," saad ni Doctor Elliot at naglakad ulit.

Sumunod ako sa kanya at unti-unti kaming napalapit sa edge ng rooftop nitong building. Hindi ko alintana ang ulan dahil gusto-gusto ko ang tunog nito lalo na sa payong. Sobrang nakaka-relax sa pakiramdam. Pag-hinto namin ay nasa edge nga kami at bumungad sa amin ang napaka-lawak na lupain ng Verdel Acres.

Sobrang gandang tingnan ng city lalo na dahil sa nagla-lakihang buildings. Tanaw na tanaw ko rin ang East Acres at pati doon ay umuulan nga.

"I know you're wondering why I brought you here," rinig kong saad ni Doctor Elliot kaya napatingin ako sa kanya. "I know na alam mong importante ang ulan sa Verdel Acres."

"Yep, water for everyone," maikling sagot ko.

"Right, pero may isa pang rason kung bakit mahalaga ang ulan sa lahat," aniya sa akin.

OXYGENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon