XLV

185 17 7
                                    


The longer we breathe, the longer we suffer.

---

Hindi ko alam kung saan napunta ang diwa ko, pero nang magising ako mula sa pagkakatulog ay hindi na ako nilubayan ng alaala ng nangyari kagabi. Wala na si Doctor Elliot sa tabi ko pero ang amoy niya ay nasa bedsheet ko parin.

Sobrang baboy, napakababoy ng ginawa ni Doctor Finn sa akin. Pinagsamantalahan niya ang kahinaan ko bilang babae. At hindi ko alam na gano'n ang pagiisip niya. Isang malaking pagkakamali ang pagkatiwalaan siya dahil kahit kailan ay hindi ko deserve na tratuhin na parang laruan.

Bumuhos ulit ang luha sa mga mata ko at mabilis akong pumasok sa banyo. I hurriedly turned on the shower and drowned myself under the water. Hinawakan ko ang aking leeg kung saan ako hinalikan ni Doctor Finn at lalong naiyak. Pati na rin ang paghawak niya sa dibdib at masilang bahagi ng katawan ko ay naalala ko rin. Sobrang bigat sa pakiramdam at feeling ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa.

Kailangan ko ba talagang maranasan ito?

Wala naman akong ginagawang masama at desente naman akong babae. Anong klaseng pagiisip ba talaga mayroon si Doctor Finn at bakit niya nagawa sa akin iyon? Gano'n ba siya ka tigang para ako ang pagdiskitahan niya? Napakawalang-hiya niya.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili sa loob ng banyo pero bumalik ako sa diwa ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Agad akong nagbihis ng damit at paglabas ko ay nasa higaan ko na si Darcy.

"Hi, Cora. Good morning!" Masigla niyang bati sa akin.

"Morning," sagot ko at dumeretso sa harap ng salamin.

Umakto ako na parang normal dahil ayokong mahalata ni Darcy na hindi ako okay. Alam kong dadalhin ko na buong buhay ko ang alaala ng pangyayaring iyon, pero ayoko rin na magalala siya sa akin. I don't want Darcy to get involved in this. Ayokong humantong sa point na pati siya ay kakalabanin ang doctor na iyon.

"Let's eat breakfast!" Excited niyang saad at mabilis na lumapit sa akin.

Niyakap niya ako mula sa likuran at ngumiti siya ng sobrang tamis. Nagpatuloy ako sa pagpapatuyo ng buhok ko habang siya naman ay nakayakap lang sa akin.

"Ikaw nalang muna siguro, Darcy. Wala kasi akong gana na pumunta sa dining hall."

"What? Bakit? Ngayon ka lang tumanggi, ah. Okay ka lang ba?" Aniya at pinaharap ako sa kanya.

Umiwas ako at pilit na hindi ipagtagpo ang mga mata namin dahil ayokong umiyak ulit. Umupo ako sa upuan at nagpatuloy sa pagpapatuyo sa buhok ko.

"Hoy, bakit? Masarap daw ang menu ngayon, bakit ayaw mong sumama sa akin?"

"Ano kasi, wala lang akong ganang kumain ng breakfast." Pagdadahilan ko ulit.

Alam kong hindi maniniwala si Darcy sa akin pero nagulat ako nang bigla ulit siyang pumunta sa higaan ko at pabagsak na humiga.

"Sige, magpadeliver nalang tayo rito."

Napabuga ako ng hangin dahil hindi na nagtanong pa si Darcy sa nangyayari sa akin. Nakita ko nalang kasi ang sarili ko na nakatulala sa harap ng salamin habang hinihintay na matuyo ang buhok ko.

Ilang saglit pa ay kumatok na ang nagdedeliver ng pagkain namin. Tinawagan kasi ni Darcy ang kitchen at sinabi niya ang gusto niyang kainin.

"Ito ang sayo," aniya at ibinigay sa akin ang isang bowl ng rice, isang plate ng ulam at itlog.

OXYGENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon