XIV

692 41 6
                                    


"Breathing is a sign of life"

-----

I have never imagined West Verdel like this. Even if the sorrounding is very modern and high class, the people, especially the men are very disciplined and well managed. They are not ignorant, but some, I think, are just curious.

Pagkatapos ng meeting namin kanina kasama ang mga lalaki dito sa West. Sinabihan muna kami ng Head Doctor na si Doctor Lortheim na umalis muna at mag-lakad-lakad dito dahil may paguusapan sila.

Sabay kami ng lahat ng girls na lumabas ng kwarto ganon din ang ibang mga lalaki. Narito kami ngayon sa labas ng guest area at medyo marami ang mga tao. Si Rewele ang pinaka-madaldal sa aming lima at siya lang lagi ang hindi nawawalan ng topic. Kinakausap narin nila ang ibang boys habang ako naman ay nakatingin lang sa kanila at naka-upo sa metal na bench.

"Hi."

Medyo nagulat ako dahil may bigla nalang sumulpot sa gilid ko. Pagtingin ko ay ang isa pala sa mga kasama ni Black. Kahit na nakaramdam ako ng ilang ay hindi ako nagpa-halata at ngumiti agad.

"Ah, hello."

Umayos siya ng pagkaka-upo at inilahad ang kamay niya sa akin.

"We've met earlier, but please allow me to introduce myself again. My name's Helium Troy, Cora right?" He asked.

Tumango ako at kinuha ang kamay niya na halatang mas-malaki pa sakin.

"Yep, Cora Memoir." I said and we both shake our hands.

Among them all, siya lang ata ang may pinaka-inosenteng mukha. I think magka-edad lang kami pero ang katawan niya ay medyo matangkad at matipuno. Sobrang linis niya tingnan at palagi ring nakangiti. He got a very unusual eyes dahil color gray ito pero bagay na bagay sa kanya. Even his hair has gray linings.

"First time mo ba dito sa West?" He asked.

"Ah, yeah. Nakikita ko lang itong West sa screen imager at billboards sa East dati."

It was an honest answer. Lahat kasi ng narito sa West ay doon ko lang nakita sa East at hindi ko akalain na makakapunta talaga ako rito. Mas-marami ang population ng mga babae kesa sa mga lalaki dito sa West kaya maa-appreciate mo talaga ang mga nasa loob ng buildings. Well, maliban sa mga nasa labas dahil minsan natatabunan ng usok.

"So, how was it?"

Napalingon ako sa kanya. What did he mean?

Ngumiti ako ulit at hindi pinahalata na medyo naguguluhan. Magsisinungaling ba ako? Dapat ko bang sabihin ang mga nasa-isip ko?

Paglingon ko ulit sa kanya ay halatang nag-aabang talaga siya ng sagot ko. He looks very interested.

"It was good. I like the ambience here kasi hindi masyadong crowded, 'di gaya sa East. And also, the technologies and other facilities are very well-blended to the sorroundings."

"How about the people?"

Tipid akong ngumiti at tumango ng mahina.

"Disiplinado naman ang mga tao. And also, the security is in controlled. The safety of everyone is valued. Mababait din ang mga doctor, well, maliban kay Habiusy na masungit talaga."

After what I said, bigla nalang siyang tumawa ng malakas kaya nabigla ako. Napatingin ang mga nakarinig, pati na rin ang mga kasamahan namin. Medyo napalakas kasi ang tawa niya kaya ayun, bigla kaming naging center of attraction.

He keeps on holding his stomach while saying sorry at mangiyak-ngiyak pa.

"Sorry talaga, natawa lang ako sa pagkasabi mo niyan. Si Doctor Habiusy kasi ang kilalang witch doctor dito sa West kaya expected ko na na sasabihin mo 'yan, pero 'di ko alam na nakakatawa pala talaga pag sa ibang tao mismo galing." Tumawa siya ulit ng mahina at pinahid ang natitira niyang maliliit na luha.

OXYGENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon