XLII

280 16 2
                                    


I am alive. I am breathing. I am loved.

---

As soon as I opened my eyes, napakurap-kurap ako dahil sa liwanag na nakatapat sa akin. Naramdaman kong may bagay na nakatusok sa kamay ko kaya agad akong napatingin doon. Tubo pala iyon galing sa I.V na nasa gilid ng kama ko.

Narinig ko ang pag-usog ng isang upuan at may lumapit sa akin.

Naaninag ko ang mukha ni Darcy Lane na puno ng pagalala. May namuo ring luha sa mga mata niya pero agad niya itong pinunasan gamit ang likuran ng palad niya. Hinawakan niya ang balikat ko at hinaplos ito.

"How are you, Cora?" She instantly asked.

Dahan-dahan akong gumalaw at umayos ng higa. Naramdaman ko ang sakit sa katawan ko lalo na sa ulo ko na may nakapalibot na bandage. Mahapdi rin ang gilid ng kilay ko at mukhang may sugat ako rito.

"A-anong nangyari?" Mahina kong tanong sa kanya.

Napahawak ako sa aking ulo dahil wala akong maalala. Parang pinipiga kasi ito at may mahapdi. Pinasidahan ko ng tingin ang buong kwarto at napagtanto na narito kami sa loob ng hospital. Maliit lang ang espasyo at si Darcy lang ang kasama ko.

"Na-aksidente kayo ni Doctor Elliot sa daan pauwi galing sa Aero Camp," she answered.

Napapikit ako ng mariin at inalala ang mga nangyari noong gabing iyon. We were both inside the mobile car at maayos naman ang pagpapatakbo ni Doctor Elliot ng sasakyan. I also remembered what he said na nagloloko daw ang engine ng sasakyan. It's really confusing dahil naka-full naman ang function ng mobile car at marami naman iyong battery.

"Where is he?"

"Sa kabilang kwarto," sagot niya at itinuro ang kabilang kwarto.

Napabuga ako ng hangin at dahan-dahang umupo mula sa pagkakahiga. Naramdaman ko ang pagsakit ng aking katawan pero ininda ko ito dahil kailangan kong makatayo.

"Huwag ka muna masyadong gumalaw, Cora. Pinagbabawal ng doctor na pagalawin ka dahil hindi pa mabuti ang kondisyon ng katawan mo," nag-alalang tugon ni Darcy sa akin at inilalayan ako sa balikat.

"Kailangan kong puntahan si Doctor Elliot," mahinang usal ko.

Ng tuluyan akong makaupo ay bigla nalang bumukas ang pinto ng kwarto at mabilis na pumasok si Officer Jack. Nakasuot siya ng uniporme niya at agad siyang lumapit sa amin.

"Cora, what are you doing? You need to get some rest," he instantly said.

"I need to see Doctor Elliot."

"He's fine, kakagaling ko lang sa kanya. He's concious now at pinapakain ni Black. Don't be worried, masamang damo iyon, hindi iyon basta-basta mamamatay," he joked that made Darcy smiled.

Umikot si Jack papunta sa gawi ko at kinuha ang upuan sa bedside table. He fished out a notebook from his jacket and a pen on his pocket.

"Black asked me to investigate what happened that night. And I want you to recall what you can remember."

"We were heading home from Aero Camp," panimula ko. "Doctor Elliot was the one driving the mobile car. Masyado na kasing gabi at hindi pa kami kumakain kaya gutom kami pareho. Doctor Elliot fastened the mobile car pero sa kalagitnaan ng biyahe ay nagkaroon ng malfunction ang engine at nabangga kami."

Habang nagsasalita ako ay nagsusulat lang si Officer Jack sa kanyang notebook na maliit. Seryoso ang mukha niya pati na si Darcy na nakikinig ng mabuti.

"Is there something suspicious while you were both inside the camp?"

"None."

"How about in the parking lot?"

OXYGENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon