While breathing, she witnessed how the world was slowly dying.
***
"Drop in line ladies! If you don't want to be thrown outside right now!" Shouted a girl in front of us.
Everyone became attentive and went to their lines. We were like 50 ladies inside this room. Karamihan sa kanila ay parang kasing-edad ko lang din. We are not talking, except for those who are known to each other. May nakabantay din na lady bulwarks sa paligid kaya hindi magulo rito sa loob.
"I assume that you already know your agenda of being here. I would like to congratulate you guys for being brave enough to be here in front me." Tiningnan niya ang device na kanyang dala-dala na may hologram. "Oh wow, 56 young women decided to become heroes, quite fascinating. Now, before I tell you the mechanics for this, let me introduce myself. I am Habiusy Nocte, kanang kamay ni Doctor Lortheim Reclitus."
Tumango-tango lang ang karamihan sa amin. Nasa bandang likuran ako kaya hindi ko masyadong maaninag ang hitsura niya. Her white hair is the only thing I see from her. Mamaya nalang siguro kapag nasa-testing room na kami.
"Doctor Lortheim is waiting for you inside. Get prepared dahil dito palang, mago-observe na kami. We don't want unmoral and unmannered ladies to be part of our team. Now I'll show you the mechanics and your guides for the recruitment."
A hologram appeared in front of us. May lumabas na robot at ito ang nag-explain ng lahat ng mechanics at kakailangin namin upang mapabilang sa team nila. Ayon sa robot, merong tatlong stages ang pagre-recruit nila.
Una, isasalang kaming lahat sa isang examination. Written exam ito kaya medyo easy lang siya. Tanging dalawampu lamang ang makakapasa sa written exam. Pangalawa, ang interview. Ang mga nakapasa sa written exam ay isasalang sa individual interview. Ete-test kung hanggang saan ang paninindigan namin at ang aming kaalaman tungkol sa technology at iba pa. Pipili ng lima at siyang ilalaban sa huling round. Pang-huli, ang techno-build. Ito 'yung huling test kung saan ay bibigyan kami ng task kung anong klaseng invention ang gagawin namin.
Habang nakikinig ay medyo nanginginig ang kamay ko. Kinakabahan ako at nanlalamig. Ito ang kauna-unahang contest na sasalihan ko. Pagkatapos mag-explain ng robot ay agad din itong umalis sa harap namin at nawala ang hologram.
"Okay! Nakita at nabasa na ninyo ang mechanics at guides niyo para makapasa sa team. Now, sumunod kayo sa akin dahil pupunta na tayo sa testing room." Nagsimula nang maglakad ang babae papunta sa isang direksyon.
Sumunod kaming lahat habang nasa-gilid namin ang iilang mga lady bulwarks na naka-bantay. Ilang sigundo lang ang paglalakad namin ng makapasok kami sa isang napaka-habang room. Kulay puti lahat ng dingding at may mga upuan na naka-linya.
"The chairs has its own corresponding numbers. Tingnan niyo ang papel na ibinigay kanina sa entrance. Merong number na naka-lagay diyan, 'yan ang seat number niyo!" Pasigaw na saad ng babae.
Agad kong kinuha sa bulsa ang papel na kulay blue.
54
Tumingin ako sa iba at malapad ang ngiti nila. Mukhang mapupunta pa ata ako sa pinaka-huli.
"Proceed to your seats now, we will start in 5 minutes from now!" Sigaw ng babae.
BINABASA MO ANG
OXYGEN
Ficção CientíficaCora Memoir is one of the last born infants in the year 2050, where oxygen is already dropping and chaos is rapidly rising. She grew up in a society where people are wearing mask to breathe properly. For the past years of her existence, she managed...