XI

746 51 7
                                    

Just take a deep breathe and start again.

***

"Congratulations, Ladies. Sa lahat ng mga babaeng nangarap na maging inventor, kayo ang napili. This is already your last stepping stone to achieve your dreams. Pack yourselves up, iuuwi kayo ngayon at bukas ng umaga ay susunduin ulit kayo. The five of you will be going to our camp to train and meet the other inventors, including the gentlemen from the other side of the border," Doctor Habiusy said.

Napatingin ako ng deretso sa kanya. Kahit naka-suot siya ng eyeglasses ay kitang-kita ko ang pagiging seryoso niya. Her lips are pressed together at pabalik-balik ang tingin niya sa aming lima.

"Wait, what? Bakit ang bilis naman po ata? Can't we just have three days? Para manlang makapag-paalam kami ng maayos sa mga kasama namin," said the girl at my right side. Siya 'yung medyo chubby na babae.

"I agree, we also need to be with them for awhile para naman hindi sila namin ma-miss masyado," saad din ng babaeng unang tinawag kanina.

"If you don't want to miss your mates, then don't join this program. We don't want weak women here. Pinili kayo kasi kayong lima ang mas-karapatdapat na ipasok. The panels have seen great potential from the five of you and if you're not really sure, you can still backout now."

Dahil sa sinabing iyon ni Doctor Habiusy ay wala na ulit nagsalita.

"Okay, let's move. Follow the guards and they will accompany each one of you to your home. See you all tomorrow," she said at pumasok ang mga lady bulwarks na sinasabi niya.

Sumunod agad ako sa lady bulwark na nasa harap ko. Pagdating sa parking lot kung nasaan ang sinakyan ko kanina ay pumasok agad ako.

"Welcome back, Cora!" Bungad sa akin ni Yuyu. Siya 'yung nasa hologram na mas bata kay Ruise.

"It's nice to see you again, Yuyu," nakangiting saad ko.

"How was the interview?" She asked.

Umupo ako sa pahabang bed dito sa loob ng sasakyan at huminga ng malalim.

"I passed," normal na saad ko.

"Congratulations!" Bibong sigaw niy at umikot pa.

"Thank you."

Sinabihan ko siya na matutulog muna ako at paki-gising nalang ako kapag umabot na kami sa bahay. Parang nawalan kasi ako ng lakas dahil sa sobrang maraming nangyari kanina.

Ilang minuto rin akong nakatulog bago ko ulit narinig ang boses ni Yuyu.

"We already arrived at your destination, Cora!" She said happily.

Nag-thank you ako sa kanya at lumabas ng sasakyan. Hindi na rin bumaba ang lady bulwark at pinaandar agad ang sasakyan paalis. Mabilis akong pumasok ng bahay at bumungad agad sa akin silang dalawa ni Herriene at Xylex.

"I passed." Maikling saad ko sa harap nila.

"YESSSSSS!!!!!!!" Malakas na sigaw nilang dalawa at nagtatalon pa.

Parang mas-masaya pa talaga sila kaysa sa 'kin eh. Mabilis din nila akong niyakap ng mahigpit habang si Xylex ay naluluha na.

OXYGENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon