XV

717 45 7
                                    

Breathe out the air that is a burden for you, live your life with full of positivity and love.

--

Magkasabay kaming tatlo na naglalakad papunta sa isang room. Actually, maraming kwarto ang walang pintuan na nilalagpasan namin at alam kong lahat ng kwartong ito ay may nakapaloob na mahahalagang bagay. Hindi ko alam kung saan kami dadalhin ni Doctor Elliot dahil hindi siya kumikibo at deretso lang ang lakad. Maya-maya pa ay huminto kami sa tapat ng isang kwarto na may naka-sulat na 'V.A 1920'.

"Let's go," saad ni Doctor Elliot at pumasok sa loob.

Bago kami tuluyang nakapasok sa loob ng kwarto ay may scanner na robot na tumingin sa amin. Kahit dito sa loob ay mahigpit parin ang security nila. Pagpasok namin ng tuluyan ay bumungad sa amin ang mga bagay na isinilid sa glass. Lahat ng bagay ay nakapatong sa isang gold na semento.

"All these things are came from the year 1920's, lahat ng bagay na nakikita niyo lalong-lalo na ang mga librong iyan," wika ni Doctor Elliot at itinuro ang mga libro na nakalagay sa isang glass na bookshelf.

"Nakita ko na 'tong singsing na ito dati," biglang saad ni Black habang nakatingin sa isang bagay na nasa-gilid.

"Singsing 'yan ng unang babaeng presidente dito sa Verdel Acres, that was the most center of attraction sa lahat ng magnanakaw dito sa Verdel Acres noon. Some even tried to sneak at the white palace, pero bigo silang nakawin ito dahil sa higpit ng security," paliwanag ni Doctor Elliot.

Tiningnan ko ang singsing na sinasabi nila at nakita ang sobrang laking crystal na nasa-gitna nito. The ring is shining because of the light from the glass. Sa anyo palang ng singsing ay masasabi mo talagang galing iyon sa isang mayaman na tao.

"Bakit narito ito ngayon, Doc?" 'Di ko mapigilang tanong kay Doctor Elliot.

"It was donated by her husband to this place para maipakita sa mga tao kung gaano siya kayaman noon. Siya ata ang pinaka-maraming alahas ng mga panahong iyon. She's screaming in richness kaya, no doubt kung siya ang tinaguriang pinakamayaman na leader," mahabang sagot niya sa akin.

I never read any articles about this ring before, that's why I'm wondering about it right now. Gusto kong malaman ang naging buhay ng leader na ito sa mga panahong nabubuhay pa siya. Kung nakaranas din ba siya ng kalupitan mula sa mga Lady Bulwarks.

Nagpatuloy ang pagtingin namin sa iba pang mga gamit na naka-display sa kwartong ito. Sobrang ganganda ng mga bagay at lahat ata ay may mahalagang parte ng kasaysayan noon. Si black lang ang may pinakamaraming tanong sa amin at sinasagot naman siya ni Doctor Elliot. Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa at masasabi kong sobrang talino ni Doctor Elliot dahil alam niya ang bawat details ng mga artifacts.

Hindi ako halos makapaniwala kung paano niya natutunan ang mga bagay na ito dahil mukhang mas-matanda lang siya sa akin ng ilang taon. He's very smart at kahit anong tanong ang ibato sa kanya ay alam niya ang isasagot. Nakaka-hanga siya lalo dahil sa katalinuhan niya.

"That book was written by the President Napoleon when he was only 22 years old. It was all about his first love who died because of sickness," aniya at itinuro ang isang libro na nasa gitna ng glass na bookshelf.

"Wala bang ibang libro niyan na pwedeng basahin?" Tanong ko sa kanya.

"I have one, nasa bahay... pwede kitang pahiramin," sagot niya sa akin.

Biglang tumikhim si Black sa gilid namin na parang meron siyang gustong sabihin. Hindi ko siya pinansin at agad na sinabihan si Doctor Elliot na hihiramin ko ang libro sa kanya.

OXYGENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon