XLI

262 18 5
                                    


If only forgetting someone is easier than breathing, then I would've been happier by now.

---

Basang-basa kaming dalawa ni Doctor Elliot pagdating namin sa tower ng BWR. The guard was shocked a little because of our sudden appearance. Mabuti nalang at pinagpaalam kami ni Doctor Guzman kaya nakapasok kami.

"You alright?" Natatawang tanong sa akin ni doc habang nagpupunas siya gamit ang tuwalyang ibinigay sa amin.

"Yes, doc. Ikaw? Okay ka lang?" Tanong ko pabalik.

Tumango siya habang nakangiti. Napailing nalang ako at inayos ang suot ko. Binigyan kami ng damit galing sa staff room nila kaya nakapagpalit kami. Pagkatapos naming magbihis ay agad kaming dumeretso sa pinaka-main office nila kung nasaan ang head director ng water system.

"Good day, sir," bati ni Doctor Elliot sa lalaking kaharap namin ngayon. "I am Doctor Elliot from the Y.I.P, I am currently here with my trainee in accordance to our upcoming project."

Nakangiting kinuha ng lalaki ang kamay ni Doctor Elliot at nakipagkamay ng maayos. Mas matanda tingnan ang lalaki kay Doctor Elliot at mayroon na ring puti sa kanyang buhok. Naka-suot din siya ng lab coat pero kulay blue ito.

"Welcome to BWR, my name is Johnny and I am the head director of the water system," aniya at bumaling sa akin. "And you are?"

Mabilis kong kinuha ang kanyang kamay at nagshake-hands din kami. "Cora, sir. My name is Cora Memoir."

"It's my pleasure to meet you, Miss Cora," aniya. "Please come this way. Ipapakita ko sa inyo ang system ng tubig dito sa BWR."

Iginiya kami ni Sir Jhonny sa loob ng kanyang opisina at bumungad agad ang minimalistic na kwarto at kalimitan ay color blue ang designs. Walang halaman sa loob pero malamig at maganda ang ambience. Kasing laki ito ng opisina ni Doctor Elliot.

"Umupo muna kayo, please make yourselves comfortable," aniya at dumeretso sa kanyang table.

Sabay kaming umupo ni Doctor Elliot sa sofa at pinasidahan ko ng tingin ang glass wall kung saan kitang-kita ang buong water dam sa labas.

Bumalik si Sir Johnny sa amin at inilapag niya sa coffee table ang tatlong folder na white.

"These are the data collected for the past three months here in BWR. The water system is doing good because of the changes in the weather and the rains are often detected here in West Acres."

Kinuha ni Doctor Elliot ang isang folder at agad niya itong binasa. Hindi naman ako marunong tumingin ng data kaya naghintay nalang ako sa sasabihin niya.

"Ito ba karami ang itinaas ng tubig mula noong isang buwan?" Tanong ni Doctor Elliot.

"Yes, doc. We are actually a little bit shocked after we saw the entire data. Malaki kasi ang itinaas ng tubig at magiging sapat ito for the next two months. Unlike the other year na sobrang baba," sagot ni Sir Jhonny.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Doctor Elliot kaya nagtaka ako. It's actually a good news kasi malaki ang itinaas ng tubig kaya walang maghihirap sa paggamit nito. Pero bakit nakakunot ang noo ni Doctor Elliot?

Nag-usap pa sila saglit at pinatigil muna namin ang ulan bago kami umalis sa tower. Habang naglalakad kami papunta sa tunnel ay hindi ko maiwasang hindi sulyapan si Doctor Elliot na biglang natahimik. Something is bothering him dahil kanina pa nakakunot ang noo niya.

"May problema ba, doc?" Alinlangan kong tanong sa kanya.

Mabilis siyang napatingin sa akin at agad na umiling. "No, I mean, there's no problem. Medyo nagtaka lang ako sa data ng tubig, but I think it's normal kasi matagal rin na hindi nagkaroon ng ulan."

OXYGENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon