Breathe as long as you can
***
Pagdating namin sa bahay ay masigla kaming binati ni Herriene. Dala kasi namin ang paborito niyang turkey kaya halos mapunit ang ngiti niya sa labi.
This has always been her reaction everytime we bring her favorite food. Minsan lang kasi sa isang linggo siyang nakakakain nito kaya pinagbibigyan na namin ni Xylex.
Our house is located at Village 69V.
We are all being grouped based on our codes. Magkasunod kasi ang numbers ng codes naming tatlo kaya pinagsama kami sa iisang bahay.
The three of us grew up without our parents beside us. We are all given inside the nursery section and raised by random people.
Noong tumuntong ako ng labing-walo ay tuluyan na nga akong pinalabas ng home for teenagers upang ipakilala sa akin ang mundo. Noong paglabas ko lamang natutunan at nasaksihan ang mga bagay-bagay. Mula sa mga taong nakikita ko araw-araw hanggang sa mga karaniwang bagay na ginagawa nila.
I was beyond culture-shocked. Everyone became anonymous for me and I don't have enough knowledge about the outside world. But then, I am lucky enough because I was took by a goverment official at pinasok dito sa Verdel Village.
I never knew my parents. Basta nalamang kaming pinasok sa loob ng nursery section at doon pinalaki. Kasagsagan kasi ng crisis noon at bawat tao ay kailangan ilagay ang kanilang mga anak sa loob ng nursery. 'Yun din ang araw kung kailan nagkaroon ng malaking border upang ma-separate ang mga lalaki sa babae.
Masigla naming inilalagay ang mga supply namin sa loob ng Frozen Box. Dito inilalagay ang mga supply namin upang ma-preserved at hindi masira. Pagkatapos ay napag-pasyahan ni Herriene na magluto ng tanghalian namin. Nakatingin lamang ako sa kanyang pagluluto habang kumakain ako ng prutas.
"Marami bang tao sa central market?" Tanong niya habang hinihiwa ang meat ng turkey.
"Kagaya parin ng dati. Pero, parang mas dumami ata ang mga lady bulwarks ngayon na nakabantay sa paligid," I said at tumingin ulit sa kanya.
"Sabi ni Ate Xylex, nakita niyo raw si President Reign. Maganda ba siya sa personal?" Tumawa ako ng mahina matapos marinig ang tanong niya.
"Sobrang maputi siya at makinis ang balat. Kahit sinong lalaki ata ang makakakita sa kanya ay maglalaway parin. Sobrang nakakatakot nga lang ng mga mata niya."
"Gusto ko siyang makita kahit likod manlang. 20 na ako sa susunod na buwan pero hindi ko parin siya nakikita," saad niya at hiniwa ang mga sangkap na nasa-harap niya.
"Don't worry, Herriene. Someday soon, makikita mo rin siya. Nalalapit na rin ang Advanced Examination---baka this time, pupunta na siya 'di ba?" I said and winked at her.
Kung meron mang isang bagay ang gusto nila sa akin, ito siguro 'yung pagiging positibo ko sa buhay. Ako lagi ang nagbibigay ng dahilan sa kanila para lumaban. Pinaka-ayoko kasi sa lahat ay 'yung mahina ang loob at walang paninindigan. Minsan lang tayo mabuhay, kaya minsan din ay kailangan nating lumaban para sa sarili natin at sa mga taong malapit sa atin.
"Are you done?" Tanong ni Xylex kay Herriene.
Herriene nodded her head saying na tapos na siyang magluto. Agad kaming naghanda upang kumain. Isa na rin sa hinahangaan ko kay Herriene ay ang skills niya sa pagluluto. Kahit anong uri ng putahi ay kayang-kaya niya atang lutuin.
BINABASA MO ANG
OXYGEN
Science FictionCora Memoir is one of the last born infants in the year 2050, where oxygen is already dropping and chaos is rapidly rising. She grew up in a society where people are wearing mask to breathe properly. For the past years of her existence, she managed...