XXXIII

262 24 6
                                    

How do you breathe?

***


"Sure ka na ba sa desisyon mo? Hindi mo naman kailangang gawin 'to,
Cora." alinlangang tanong ni Darcy sa akin.

Ngumiti ako sa kanya ng tipid at inayos ang damit ko.

It's been two days mula ng nangyari ang away sa pagitan namin ni Rewele. Matatalim na titig ang binibigay nilang tatlo sa amin ni Darcy pero hindi sila nagsasalita. Alam kong hindi nila kami masasaktan dahil palaban si Darcy at malakas sumuntok.

Two days na rin mula noong nakita ko si Doctor Elliot. Wala akong lakas na magpakita sa kanya matapos kong hindi sumipot sa usapan naming dalawa. I feel guilty until now. Lagi kasi siyang pumupunta dito sa kwarto namin pero hindi ako lumalabas. Hindi ko siya kayang harapin.

"Baka magalit si Doctor Elliot sayo, mentor mo siya, Cora."

"Mas mabuti nalang din siguro 'to, Cy. Ayoko kasi ng gulo, ayokong lumala pa ito at malaman ni Doctor Habiusy. Alam kong importante sayo ang program na ito kaya hinding-hindi kita idadamay sa amin ni Rewele."

Kinuha ko ang folder sa kama ko na naglalaman ng drafts ng project ko. As much as I want to avoid Doctor Elliot, kailangan niya parin itong drafts ko kasi gagawan niya ito ng report na ipapasa niya kay Doctor Habiusy bilang assistant nitong program.

Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng kwarto. Kagabi ko pa pinagisipan ang bagay na ito kaya alam kong makakabuti ito para sakin, para kay Darcy at para kay Doctor Elliot.

Kalmado akong naglalakad sa hallway papunta sa opisina ni Doctor Elliot ng biglang humarang si Black sa harap ko.

Ngumiti siya sa akin pero hindi ako kumibo.

"Hey, sunshine," bati niya sa akin.

Hindi ko siya pinansin at agad akong naglakad. Pero hindi ako nakalagpas sa kanya dahil agad niyang hinigit ang kamay ko.

"Excuse me, nagmamadali ako, Black."

Sinubukan kong alisin ang kamay ko sa kanya pero hindi niya ako binitiwan.

"Wait lang, may problema ba? Bakit ganyan ang hitsura mo? Okay ka lang ba?"

"I'm fine, Black. Nagmamadali lang talaga ako."

Lumuwag ang pagkakapit niya sa akin kaya nakawala ako. Mabilis akong tumalikod at naglakad na ulit. Pinigilan ko ang mga luhang nagbabadyang lumabas habang binabaybay ko ang daan papunta sa opisina ni Doctor Elliot.

Masakit masyadong tingnan ang mukha ni Black kanina. Nakita ko mismo sa mga mata niya ang sakit kaya mas-mabuting umalis nalang ako para hindi ako umiyak ng tuluyan sa harap niya.

Pagdating ko sa harap ng office ni Doctor Elliot ay huminga muna ako ng malalim. I already practiced my words kung sakaling magkaharap man kami. Alam kong marami siyang itatanong kaya hinanda ko na ang sarili ko para diyan.

Nang humupa na ang tensyon na nararamdaman ko ay agad akong kumatok sa pinto ng opisina niya.

Pero sa halip na si Doctor Elliot, si Doctor Glory ang nagbukas ng pinto. Napawi agad ang ngiti sa mga labi niya nang makita ako.

"Sino 'yan?" rinig kong tanong ni Doctor Elliot mula sa loob.

All the tensions that I endured earlier came back. Bumilis agad ang tibok ng puso kahit boses niya lang ang narinig ko.

Umirap si Doctor Glory at alinlangang binuksan ng malapad ang pinto. Nagsalubong ang mga mata namin ni Doctor Elliot pero umiwas ako agad.

"Come in, Cora." Seryoso ang tono ng boses niya na lalong nagpakaba sa akin.

OXYGENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon