8

42 2 44
                                    

I panicked because of what the caller said. Kaya binabaan ko siya ng telepono.

"Tanga, bat ko naman yun binabaan ng telepono? Baka naman kamag anak ko.. Oo nga baka kamag anak ko, tapos bababaan ko ng telepono! Baka isumbong pa sa magulang ko. Ako nanaman yari nito!"

Ayoko ng isipin pa yung nangyari kaya pumunta nalang ako sa kusina para tignan kung luto na ang pagkain.

Inasahan ko na ingay ang bubungad sa'kin sa kusina pero parang imik na imik sila, at di sila nagpapansinan.

"Oh, bat parang ang tahimik niyo, nag away ba kayo?"

"Ewan ko." Sagot sa'kin ni Seungmin.

"Anong ewan ko! Mukhang nagkikimkim ata kayong dalawa eh!"

"Eh, kasi naman noh! Ang pronunciation kasi ng 'sovereign' is savren! Hindi So. Ve. Rain!" Sigaw ni Chesca na nag e-explain sa akin.

"Eh, bakit may 'e'? Diba Eunice. Bakit may letter E! Ang reigning queen ba pronounced as rening queen! Diba hindi? So tama ako!"

"Bakit mo ako tinatanong? Malay ko sa English." Paliwanag ko sa kanya.

"Wow, kaya pala ang pronunciation mo sa 'salmon' is samon! Ayos ka rin noh!!" Depensa ni Chesca kay Seungmin.

"Sige aaminin ko, 1 point sa dun,"

"Ano ba! Tama na mga bata. Shh na kayo mag prayer na tayo mag st-start na yung klase! So, shut up."

"Oo nga stop na Franchesca.. ikaw kasi.. basta So. Ve. Rain yun!"

"Congrats nalang babagsak ka sa English."

"Okay lang at least may pagkain na makakain."

"Ang weird niyo.. bagay kayo." Pangasar ko sa kanila.

"Kadiri! Pa surgery nalang ako kung ganoon."

Nagsilakihan ang mata namin ni Seungmin sa sinabi ni Chesca. Ibig sabihin ba nun pumapayag na siya na magpaopera siya?

"Wait.. so..."

"Oo na, papayag na ako na mag surgery.. naisip ko rin naman na nag-aalala kayo sa'kin. Nag e-exchange lang kayo ng mga sinasabi."

"Aw, Chesca stop ang sweet mo naman. Sige ka diyan! Baka bumalik lang feelings ko sayo."

Ang akward nung silence sa sinabi ni Seungmin, bakit niya kasi sinabi yun? Mukhang di maka function well si Chesca.

...

"Joke lang! Eto naman di mabiro... uy Chesca bakit ang tahimik mo parin? Joke nga lang eh."

"Tangina wag ka ngang maingay, may nakalimutan ata akong ingredient di ko maalala kung ano." She was really unpredictable.

Para makapagisip siya siyempre nanahimik kami. Baka masapak pa kami nitong babaeng toh.

"Kailangan ko ng suggestion niyo, yes or no? Mag lalagay pa ako ng pork and beans, or hindi?" Is she serious or what?

"Hindi?" Seungmin answered with such a weird look.

"Ikaw ba Eunice, oo yes or no hindi?"

"No hindi.. sana,"

"Okay, kain na tayo!"

Perfect na sana yung babae na toh, may sapak nga lang.

"Seungmin saan ka mag-aaral next school year?" Tanong ni Chesca.

"Sa Ateneo, ikaw ba?"

"Bakit ka dun? Sinusundan mo ba ako? Ikaw ah. Char!"

"Nakakaingit naman! Parehas kayong ADMU, ako lang mag isa sa LPU. Pinagplanuhan niyo na iwan ako noh!?" Nakakaingit talaga, dahil alam ko na madalas silang magkikita doon. Tapos ako ang layo ko pa sa kanila, ang daya naman.

Stations Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon